Vin-Sophie, Gabbi-Khalil spotted on a date at Kylie Padilla-Aljur Abrenica wedding

IMAGE @itsophiealbert / @_gabbigarcia Instagram

Vin Abrenica and his girlfriend Sophie Albert (left photo) as well as rumored sweethearts Gabbi Garcia and Khalil Ramos (right photo) bring more kilig at Aljur Abrenica and Kylie Padilla's (center) wedding last night, December 11.  


Tunay ngang may forever sa pagmamahalan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, na ikinasal pitong taon mula nang una silang naging magkarelasyon.

Pero hindi lang ang mag-asawang Kylie at Aljur ang nagpamalas ng kilig moments sa kanilang pag-iisang dibdib sa Villa Milagros ancestral home, sa Rodriguez, Rizal, kagabi, December 11.

VIN ABRENICA & SOPHIE ALBERT

Pati ang matagal nang magkasintahang sina Vin Abrenica at Sophie Albert ay hindi nagpahuli sa pagiging sweet sa isa't isa.

Si Vin ay nakababatang kapatid ng groom na si Aljur.

Nagpakuha ng litrato sina Vin at Sophie habang nakatingin sa isa't isa, base sa kanilang posts sa Instagram.

Sabi ni Sophie, "So much love in the air today. [heart emoji] #AljurKyliEpicAfter"

View this post on Instagram

So much love in the air today. ???? #AljurKyliEpicAfter

A post shared by Sophie Albert (@itssophiealbert) on

Limang taon nang magkarelasyon ang Kapamilyang si Vin at Kapusong si Sophie.

Bukas si Vin sa pagsasabing si Sophie na ang babaeng gusto niya makasama habambuhay.

Nagsimula ang kanilang relasyon nang pareho pa silang nasa bakuran ng TV5, kung saan sila ang itinanghal na winners sa artista search na Artista Academy.

GABBI GARCIA & KHALIL RAMOS

Ang rumored sweethearts na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ay kabilang din sa celebrity guests na dumalo sa kasal nina Aljur at Kylie.

Ang maiksing caption ni Gabbi sa litrato nila ni Khalil, "Oohhh so formal [smiley with tongue sticking out] #AljurKyliEpicAfter."

View this post on Instagram

Oohhh so formal ???? #AljurKyliEpicAfter

A post shared by Gabbi Garcia ? (@_gabbigarcia) on

Nito lang November umamin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Khalil na isang taon na silang "exclusively dating" ni Gabbi.

Hindi pa man daw sila opisyal na magkarelasyon, nabanggit ng ABS-CBN singer-actor na si Khalil na umaasa siyang tuluyan niyang magiging girlfriend ang GMA star na si Gabbi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatutuwa ring isipin na ang tatlong couples na nabanggit ay mula sa magkaribal TV stations, isang patunay na walang network war pagdating sa pag-ibig.


Stories We Are Tracking

Vin Abrenica ready to settle down with Sophie Albert
Vin Abrenica ready to settle down with Sophie Albert
Vin admits he initiated reconciliation with Sophie Albert
Vin admits he initiated reconciliation with Sophie Albert
Khalil Ramos opens up about relationship with Gabbi Garcia
Khalil Ramos opens up about relationship with Gabbi Garcia
Khalil, Gabbi don't keep track how long they've been dating
Khalil, Gabbi don't keep track how long they've been dating


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN