Hindi na nagpaawat si Paolo Ballesteros sa pagpu-post sa social media ng larawan kung saan nagho-holding hands sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Kenneth Gabriel Concepcion.
Ipinost ng Eat Bulaga! host ang larawan sa kanyang Instagram account nitong Biyernes, December 14.
Sa larawan, makikita ang dalawa na nakatalikod, parehong kulay pula ang suot na jacket, at magka-holding hands habang naglalakad sa isang wooden bridge.
Tanging caption ng TV host-actor sa larawan, isang heart at isang kiss emoji. Naka-tag dito si Kenneth.
Sa Facebook naman, makikita ang larawan ng dalawa na nakaharap, parehong nakasuot ng red jacket na may nakasulat na “love.”
