Pia Wurtzbach: "Praying for Catriona to win Miss Universe!"

IMAGE Photos from Instagram

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) takes to Instagram to ask her fans and pageant fanatics to pray for Catriona Gray's (right) victory in the 67th Miss Universe pageant.


Queen supporting fellow queen.

Nag-post si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, 29, sa Instagram at sinabing ipinagdarasal niyang manalo si Catriona Gray, 24, sa 67th Miss Universe pageant sa darating na Lunes, December 17.

Gaganapin ang grand coronation night ng prestigious annual pageant sa Bangkok, Thailand.

Hinimok din niya ang kanyang mga fans, ang Pianatics, na suportahan si Catriona.

Caption ni Pia: “Praying for good weather, world peace, and.......for Catriona to win Miss Universe! ???? Pianatics, let’s do this. Let’s support our Miss Universe Philippines!”

Sa comments section, bumuhos naman ang pasasalamat kay Pia sa kanyang ginawa.

Si Pia ang ikatlong Pilipina na kinoronahang Miss Universe sa ginanap na pageant sa Las Vegas, USA noong December 2015.

Ang dalawang Pinay na naunang itinanghal bilang Miss Universe ay sina Gloria Diaz (1969) at Margie Moran (1974).


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN