Tyra Banks tweets about Pinoy power in praise of Catriona Gray: "Pinoy Power to the Max!!!"

IMAGE Photos from Instagram

Netizens are thrilled when Tyra Banks tweets about Pinoy power after being tagged about Catriona Gray's noteworthy performance during the recent Miss Universe 2018 preliminaries.


Sa isa na namang pagkakataon ay muling napansin ng Hollywood model-host na si Tyra Banks ang isang Filipina beauty queen.

Ngayong hapon, nag-tweet si Tyra ng kanyang pagpuri sa kakayahan ng Pinoy.

Nagsimula ito nang mag-tweet ang isang netizen tungkol sa magandang performance ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminaries noong nakaraang Huwebes, December 13.

Tweet ng netizen, “She squeezed every second of that walk and that spotted spin, @tyrabanks will be proud!!”

Napansin ng America's Next Top Model host ang pag-tag sa kanya ng netizen at nag-tweet siya.

“I mean...Pinoy Power to the Max!!!”

Para sa mga netizens, magandang pangitain ito para kay Catriona na sasabak sa Miss Universe grand coronation sa darating na Lunes, December 17.

Matatandaang noong 2015 ay nag-tweet din si Tyra upang purihin ang “smize” ni Pia Wurtzbach nang ganapin ang preliminaries ng naturang Miss Universe edition.

Itinanghal si Pia bilang Miss Universe noong taong iyon.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN