Nicko Falcis calls Kris Aquino complaint "false, baseless and malicious"

Nicko Falcis on Kris Aquino's qualified theft complaints: "With as much integrity as truth, I vehemently deny and refute all of her allegations against me as set forth in her Complaint-Affidavit because her allegations are false, baseless and malicious."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Tinawag na “false, baseless and malicious” ni Nicardo M. Falcis II ang isinampa ni Kristina Bernadette C. Aquino na Complaint-Affidavit laban sa kanya noong 2018.

Pagpasok ng 2019, personal na pinanumpaan ni Nicandro ang kanyang Counter-Affidavit.

Si Nicko, palayaw ni Nicardo, ang dating managing director ng pag-aaring production company ni Kristina, ang Kris C. Aquino Productions (KCAP).

Kahapon, January 3, alas-onse ng umaga, nang humarap si Nicko sa Office of the City Prosecutor ng Maynila. 

Kasama nito ang abugado niyang si Regidor A. Ponferrada, ng Ponferrada-Ty Law Offices.

Nauna nang nagsumite ng Counter-Affidavit ang Ponferrada-Ty Law Offices noong December 17, 2018, sa Office of the City Prosecutor ng mga siyudad ng Taguig at Pasig.

Sagot ito sa mga inihain ni Kris na complaints ng Qualified Theft at Violation of Republic Act No. 8484 laban kay Nicko.

Noong October 12, 2018, naghain ang actress/social media influencer ng 44 counts of Qualified Theft complaint laban sa kanyang dating empleyado.

Isinumite ng abugado ni Kris, si Philip Sigrid A. Fortun, ng Fortun Narvasa & Salazar law firm, ang Complaint-Affidavit nito sa prosecutors’ office ng pitong siyudad sa Metro Manila—Quezon City, Taguig, Manila, Pasig, Mandaluyong, Makati, at San Juan.

Sa loob pa rin ng Enero ng taong ito ay magsusumite si Nicko ng Counter-Affidavit sa apat pang siyudad na pinagsampahan ng reklamo ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kauuwi lamang mula sa ibang bansa nitong Disyembre 2018 ni Nicko, 35.

Sa kanyang Counter-Affidavit, pinasinungalingan ni Nicko ang mga paratang ni Kris, 47.

Diin ni Nicko, isang Certified Public Accountant/financial consultant: “With as much integrity as truth, I vehemently deny and refute all of her allegations against me as set forth in her Complaint-Affidavit because her allegations are false, baseless and malicious.

“I am innocent of the charges which Aquino has filed against me.”

Tuloy-tuloy na sabi ni Nicko sa kanyang legal response kay Kris: "I would like to emphasize that Aquino's allegations against me are false and without basis.

"The case she filed against me are but a part of her scheme to coerce me into involuntarily submitting to her will and complying with her unreasonable demands, including that I and members of my family execute the documents she intended for our signatures.

"In the process, because I have not complied with her demands, she threatened to kill me if I return to the Philipines, destroyed my good name and reputation, and caused me and my family great hardship."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE CREDIT CARD ISSUE

Sa Complaint-Affidavit ni Kris, inaakusahan nito si Nicko ng pagnanakaw, gamit umano ang credit card ng KCAP, ng halagang P1,270,980.31.

Humihingi si Kris ng kabuuang danyos na P32.27 million.

Sa Counter-Affidavit ni Nicko, ipinaliwanag ng dating KCAP managing director ang isyu ng credit card.

Paglalahad ni Nicko, natanggap niya ang credit card mula sa chief of staff ni Kris na si Alvin Gagui noong May 2018.

Sa pamamagitan ni Alvin, nalaman ni Nicko na ipinaisyu ni Kris ang credit card sa kanyang pangalan—Nicardo M. Falcis II—upang magamit ito ni Nicko, base sa sariling pagpapasya bilang managing director.

Wala raw anumang kasunduan na kailangan niyang humingi ng permiso mula kay Kris sa tuwing gagamitin nito ang credit card.

Inayos din daw ni Kris, sa pamamagitan pa rin ni Alvin, na lahat ng credit-card statements ay ipadadala sa home address ng aktres.

Nilinaw ni Nicko na ginamit niya ang credit card upang bayaran ang mga gastusing may kinalaman sa KCAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam at aprubado raw lahat ito ni Kris.

Saad niya, “All items charged to the credit card were KCA expenses which Aquino was well aware of and approved of.

“All those items were supported by receipts and properly recorded, with an explanation of each expense, in order to establish an audit trail, for Aquino’s and her accountants’ review.”

Pagdidiin pa ni Nicko, “Aquino never imposed any limitation or restriction on my use of the credit card.

“As the credit card statements show, the expenses for which I paid with the use of the credit card generated positive results for Aquino.”

Isang halimbawang ibinigay ni Nicko, kaugnay ng kanyang mga desisyon kung saan gagamitin ang credit card, ay ang regular na pagbabayad sa Google at Facebook.

Ito raw ay upang palakasin ang online presence ni Kris at dagdagan ang paglabas ng advertisements ni Kris sa newsfeed.

“The payments to Google and Facebook were for expenses which Aquino admits to be KCAP-related,” ayon kay Nicko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban dito, para mapanatili raw ang “high class” image ni Kris, nakikipag-meeting si Nicko sa foreign at local representatives ng prospective at present brands sa ilang partikular na lugar at sa mga lugar na pinili mismo ng brand representatives.

Kadalasan, ang mga venue ay malapit lamang sa tinutuluyang hotel ng mga kliyente, upang mas convenient para sa kanila.

Kadalasan din daw, mas mahal ang mga pagkain sa mga lugar na ito.

Ilan sa mga binanggit na venues ni Nicko na pinagdadausan ng kanyang meetings ay ang Grand Hyatt BGC, Chino MNL, at Lae Mere Poulard—na pawang nasa high-end na Bonifacio Global City, Taguig.

Dagdag pa ni Nicko, “Aquino also sought to project that she was generous with persons who worked with and for her, and that those persons were compensated handsomely.

“Thus, at the conclusion of my meetings with brand representatives, I would pay for the meals using the credit card.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Those were representation expenses incurred in the regular course of business.”

INCIDENT AT KRIS AQUINO’S HOUSE

Nakasaad din sa Counter-Affidavit ni Nicko ang pinaniniwalaan niyang mga dahilan kung bakit sinampahan siya ng reklamo ni Kris.

Ito raw ay upang puwersahin, takutin, at pilitin siyang gawin ang mga sumusunod:

“keep quiet and involuntarily accede to her unilateral termination of our agency agreement ang business arrangements, and to her unreasonable demands;

“fully cooperate with her ‘media plan’ to protect her public image and reputation.”

Ang mga nabanggit na dahilan, ayon kay Nicko, ay paraan ni Kris upang sirain ang kanyang pangalan, sakaling maglabas siya ng anumang impormasyon tungkol sa personal na buhay at financial dealings ng aktres.

Ang mga impormasyong ito raw ay posibleng maka-apekto sa imahe at reputasyon ni Kris bilang isang public figure.

Inilahad din ni Nicko sa kanyang Counter-Affidavit ang isang insidenteng nangyari noong September 18, 2018, sa bahay ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong araw na iyon ay pinilit daw siyang pumirma ni Kris ng isang Quitclaim at Non-Disclosure Agreement.

Ang Quitclaim ay isang dokumentong nagtatanggal sa karapatan ng isang partido ng isang kasunduan.

Ang Non-Disclosure Agreement naman ay isang legal na kasunduang nagbabawal sa parehong partido na maglabas ng anumang impormasyong may kinalaman sa kanilang usapan o gawain.

Lahad ni Nicko, “At Aquino’s house, Aquino berated me for various shortcomings.

“I apologized to her to appease her anger and because I was afraid of her.”

Binanggit daw rito ni Kris kay Nicko ang statement of accounts ng credit card, kung saan inakusahan siyang binayaran niya ang ilang items nang walang pahintulot mula sa aktres.

Ayon kay Nicko, “I explained that all of the credit card charges she pointed out were business expenses of KCAP and were necessary in the ordinary course of business, and that those expenses did not benefit me or result in any gain to me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang daw sa kinuwestiyong mga gastusin ni Kris ay ang additional tickets sa Cathay Pacific, ang pangunahing airline ng Hong Kong, para sa mga kabilang sa 17-kataong entourage ni Kris.

Dagdag pa rito ang mga ginasta sa pananatili nila sa Marco Polo Hotel sa Hong Kong.

Sinabi raw ni Kris sa kanya na hindi niya pinahintulutan ang mga bayaring iyon.

Naninindigan si Nicko na alam ni Kris na siya ang nagbayad ng mga iyon gamit ang credit card.

Ayon kay Nicko, “She was with her 17-man entourage and she traveled with the group to and from Hong Kong, and stayed at the hotel.

“The trip was for her Webisodes and iflix launch.”  

Kinuwestiyon din daw ni Kris ang paggamit ni Nicko ng credit card nang kumain sila sa mga restaurant sa Hong Kong.

Idiniin ni Nicko na kabilang sa mga kumain sa mga restaurant ay si Kris mismo, ang dalawang anak nito, at ang iba pang kasama sa entourage ng web star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-feature pa raw sa YouTube ang video clips na kuha habang kumakain sila, na bahagi rin daw ng promotional work ni Kris para sa Cathay Pacific.

Noong September 18 daw ang unang beses na binanggit ni Kris ang anumang isyung may kinalaman sa credit-card charges.

Hindi raw pinakinggan ni Kris ang mga paliwanag ni Nicko tungkol sa paggamit ng credit card.

Paniniwala pa ni Nicko, “It appears also that she was not at all sincere about the credit charges as she did not even ask me to pay her for the cost of the expenses which she said were unauthorized.”

QUITCLAIM AND NON-DISCLOSURE AGREEMENT

Sa halip daw ay pinapipirma siya ni Kris ng “undated Quitclaim and Non-Disclosure Agreement.”

Ayon kay Nicko, hindi siya pinayagang umalis sa bahay ni Kris hangga’t hindi niya napipirmahan ang mga dokumentong sapilitang pinapirma sa kanya.

Lahad niya tungkol sa dating boss, “She was screaming at me in a menacing manner. I was in distress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was afraid of her and afraid that she might also have a seizure so I apologized to her to appease her anger.

“Aquino mocked me. She said many things which I believe were intended to humiliate me. 

“She gave the order to have me banned from entering the village.”

Dahil dito, napilitan na raw si Nicko na pirmaham ang Quitclaim at Non-Disclosure Agreement. 

Pagkaalis ni Nicko sa bahay ni Kris, matapos pirmahan ang mga dokumento, napagtanto raw niya ang tungkol sa credit-card statements of account.

Kung mayroon mang kuwestiyon sa paggamit ni Nicko ng credit card noong June 2018, dapat daw ay kinausap na siya ni Kris noong July pa lang.

Pero kinausap siya tungkol dito noon lamang September, o pagkalipas ng tatlong buwan matapos makita ni Kris ang statement accounts ng credit card, na kaagad mare-review ni Kris at ng kanyang accountants dahil sa mismong bahay ng web star ito bumabagsak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paniniwala ni Nicko, “The belated questioning to which she subjected me in September seemed like just a way for her to inflict pain on me for reasons unrelated to the credit card.”

Kinagabihan, pagkatapos niyang umalis ng bahay ni Kris, nirebyu raw ni Nicko ang kopya niya ng credit-card charges at kinompyut lahat ng items na kinuwestiyon ni Kris sa kanilang meeting.

Matapos nito, gumawa raw si Nicko ng personal check, na nagkakahalaga ng P437,595.67 at may petsang September 18, 2018, upang bayaran si Kris.

Ito ay sa kabila ng hindi naman daw inobliga ni Kris na bayaran ang nasabing halaga.

Noong September 19, 2018, iniabot daw ni Nicko ang kanyang tseke sa chief of staff ni Kris na si Alvin.

Pagkatapos daw nito, sabi ni Nicko, “I kept quiet, in accordance with Aquino’s demands.”

GRAVE THREATS FROM KRIS

Alinsunod pa raw sa kagustuhan ni Kris, noong September din, lumipad si Nicko papuntang Bangkok, Thailand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-enroll siya sa isang short course na mangangailangan ng kanyang 100-percent focus at attention.

Pagkalipas ng ilang araw, nagpaabot ng mensahe si Nicko dahil gusto na niyang umuwi ng Pilipinas at makapiling ang pamilya.

Habang nasa Bangkok pa, napag-alaman daw ni Nicko na gusto siyang papirmahin ni Kris ng “Supplemental Quitclaim, Non-Disclosure Agreement and Undertaking.”

Ang mga ito ay bukod pa sa Quitclaim na sapilitang pinapirmahan sa kanya noong September 18, 2018, at ang Non-Disclosure Agreement na gusto ring papirmahan sa kanyang pamilya.

Noong September 27, 2018, mula Bangkok, nakausap ni Nicko si Kris na nasa bahay nito sa Pilipinas.

Sa kanilang pag-uusap, sinigaw-sigawan siya ni Kris, ayon kay Nicko.

Isa raw sa naalala ni Nicko ay nang sigawan siya ni Kris ng:

“YOU FUCKING ASSHOLE NICKO! Dare to step in this country and you will be DEAD!”

Pagbabalik-tanaw pa ni Nicko, “During our conversation, I was very scared.

“All I could say was, ‘Madam, sorry po’ and ‘Madam magso-sorry po’ because I was afraid of Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wept. I was afraid for myself but more for my widowed elderly mother and my siblings who remained in the Philippines.”

Kaugnay ng pagbabanta sa kanyang buhay, sinabi pa raw ni Kris na may access siya sa travel records ni Nicko, dahil mayroon siyang “powerful friend.”

May mensahe pa raw na ipinadala si Kris upang suportahan ang sinasabing may "powerful friend" ito.

Sabi ni Nicko, “Aquino has sufficiently proven to me that she wields great power and has powerful friends, that she can easily violate my right to privacy of my travel records, and that she can track me down.”

Nanahimik si Nicko at piniling manatili sa ibang bansa.

Ito ay dahil daw sa takot na kapag muli siyang tumapak sa Pilipinas, “Aquino would carry out her death threats and have me killed.”

Sineryoso nang husto ni Nicko ang “death threats” ni Kris.

Dagdag niya, “As a Filipino citizen, I have every right to return to the Philippines and be with my family, but I have been unable to go home to the Philippines only because of Aquino’s threats to my life, safety and well-being.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit din ni Nicko sa kanyang Counter-Affidavit na hindi niya pinirmahan ang mga karagdagang dokumentong pinapipirmahan sa kanya ni Kris, at maging ang mga dokumentong pinapipirmahan sa kanyang pamilya.

Para kay Nicko, ang mga dokumentong iyon “were clearly unfair.”

Kasunod raw nang pagtanggi ni Nicko na pumirma sa mga dokumento, lumabas na sa social media ang sunud-sunod na blind items tungkol sa isang dating manager ni Kris—na hindi pa pinapangalanan—na sumira raw sa kanyang tiwala at nagnakaw ng daan-daang milyon mula sa kanya.

Ayon kay Nicko, “I was clearly the person adverted to in the blind items.

“The media vilified the easily identifiable man as a traitor and thief.”

Sa kabila nito, nanatili sa labas ng Pilipinas at nanahimik pa rin si Nicko.

Ngunit noong October 12, 2018, nagsumite ng Complaint-Affidavit si Kris na hudyat ng pagsisimula ng paglilitis laban kay Nicko.

Kalaunan ay lumabas na sa media ang pangalan ni Nicko Falcis bilang “traitor and thief” na tinutukoy sa mga blind items at social media posts ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala si Nicko na ang pagsasampa ng reklamo ni Kris laban sa kanya ay paraan ng TV host-actress “to exert further pressure upon me, intimidate me and coerce me into involuntarily acceding to her unreasonable demands, and to execute the document and to cause my family to execute the document intended for their signature.”

Diin pa ni Nicko sa kanyang Counter-Affidavit, “This is clearly persecution rather than lawful prosecution.”

 

 

 

 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN