Korina Sanchez ends urban legend about her and fellow ABS-CBN broadcaster Karen Davila

IMAGE Courtesy: @korina on Instagram

Korina Sanchez (left) finally ends speculations about professional rivalry with fellow ABS-CBN anchor Karen Davila. 


Binasag na ni Korina Sanchez ang katahimikan tungkol sa matagal nang bulung-bulungang diumano'y may professional rivalry sila ng kapwa ABS-CBN anchor na si Karen Davila.

Sa isang post sa Instagram kagabi, December 16, sinabi ng Rated K host na walang isyung namagitan sa kanila ng Bandila anchor.

Sabi ni Korina, “With ABSCBN's Karen Davila, for Anton San Diego.

"It's his birthday and he had to ask me, 'Is it ok for me to have a photo with you and Karen together?'

"I thought the question funny, like it was something I would disagree with.

"I said, 'Why not?'"

Sumagot naman dito kaagad si Karen.

Bahagi ng mensahe niya, “Nice seeing you @korina you look great!”

Sa isa pang post, sinabi ni Korina, “I guess urban legend can indeed precede reality.

"Karen and I have worked in ABS-CBN together for decades.

"And there is no issue whatsoever.”

Sumagot muli si Karen dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagi ng mensahe niya kay Korina, "Haha… great way to end 2018.”

Sa post naman ni Karen kagabi rin, sinabi niyang isa itong magandang development para sa pagtatapos ng taong 2018.

Saad niya, “#MerryChristmas Great way to end 2018! Resolution for 2019: Paano pumayat ng ganito. #HappyBirthdayAnton #HappyHolidays.”

Ikinatuwa naman ito ng ilang mga kaibigan ng dalawa:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago umalis si Karen sa GMA-7 noong 2000, katapat ng programa niya sa hapon na Extra! Extra! ang Balitang K ni Korina sa ABS-CBN.

Noong nasa Kapamilya Network na si Karen, nag-reformat ang TV Patrol, na naging TV Patrol World, para maging iba sa papasukan niyang hosting job na dating inukopahan ni Korina.

Dahil dito, marami ang nagsasabing hindi nag-uusap ang dalawang brodkaster na parehong nasa ilalim ng ABS-CBN News and Current Affairs.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN