Marco Gumabao apologizes to Elmo Magalona for leaked photos with Janella Salvador

IMAGE Noel Orsal / Credit to the owner)

Marco Gumabao admits he committed a mistake when a photo of him and Janella Salvador leaked online. Marco clarifies that he and Janella agreed to just remain friends.


Inamin ni Marco Gumabao, 24, na nagkaroon siya ng pagkakamali kasunod ng paglabas sa social media ng mga larawan nila ni Janella Salvador, 20.

Nag-sorry si Marco dahil inisip ng mga taong nagdi-date sila ni Janella, kasunod ng mga nag-leak na photos.

Ikinuwento rin ng aktor na kamakailan ay lumapit at humingi siya ng paumanhin kay Elmo Magalona, 24.

Si Elmo ang former love-team partner at rumored ex-boyfriend ni Janella.

Nagkaroon ng hidwaan ang dalawa nang lumabas ang isyung pisikal na pananakit umano ni Elmo kay Janella noong Setyembre.

Nag-leak naman ang screenshots ng video nina Marco at Janella na tila kuha sa isang restobar noong October.

Makikitang masinsinang nag-uusap ang dalawa at tila magka-holding hands pa na nakatago sa ilalim ng mesa.

MARCO EXPLAINS

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Marco sa Viva Studio sa Quezon City, ngayong Martes, December 18.

Ito ay kaugnay ng partisipasyon niya sa pelikulang Aurora, official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Marco tungkol sa isyu, “Well, kami lang naman ni Janella, we hung out.

"We went out, we were both single.

"And nung lumabas yung video or picture, nagulat kami sa reaction ng tao."

Dahil daw sa matinding reaksiyon ng mga tao, napagkasunduan nila ni Janella na tapusin kung anumang pagkakamabutihan ang namumuo sa kanila.

Saad ni Marco, “Pinag-usapan namin na, ‘I think it’s best, kung anuman ang nangyayari, i-end na natin agad.’

“May picture nga na lumabas. So, parang we talked about it.

“Sabi namin, ‘Huwag na nating bigyan ng reason ang mga tao para magalit pa.’ So, we are just friends.”

Ikinuwento rin ni Marco kung paano niya nilapitan si Elmo para mag-sorry sa taping ng ABS-CBN Christmas Special ilang araw na ang nakalilipas.

“I went up pa nga to Elmo nung Christmas special.

"Sabi ko, napansin ko na hindi kami nagpapansinan, may konting iwasan na nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, lumapit ako sa kanya, sabi ko… hindi naman siguro siya [Elmo] nagseselos… pero because of the issue, may konting ilangan na hindi mo naman maiiwasan din.

“So, ako na mismo ang lumapit sa kanya, sabi ko, ‘Kung anuman yung lumabas na issue, we didn’t mean na sirain ang relationship mo with Janella or what…’”

Ikinuwento rin ni Marco kung ano ang reaksiyon ni Elmo nang mag-sorry siya.

“Sabi niya sa akin, ‘You know what, Marco, I really appreciate you coming up to me.’

“Sabi niya, ‘Not most guys would do this na magso-sorry o mag-o-own up sa mistake.’

"Kasi ako, aminado rin naman ako na nagkamali rin ako because, siyempre, dun nga sa ano [picture] na-mislead yung mga tao into thinking na Janella and I were dating.

“Pero in fact, we’re just friends going out with a group of friends.

“Kung meron mang medyo nagkaroon ng misunderstanding, I’m sorry for that, and nag-sorry na ako kay Elmo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa niya, “Kami ni Janella, we’re friends. Everything is good.”

May balak ba siyang ligawan si Janella?

Sagot ni Marco, “Janella is such a sweet girl. If given a chance, yeah, why not, di ba?

“Pero if you’re gonna ask me now, siguro not the right time. Siguro para rin sa kanya.”

Sundot na tanong kay Marco: magkarelasyon na ba ulit sina Janella at Elmo?

“I’m not sure. I’m not sure. Wala akong alam diyan,” paiwas niyang sagot.

Bagamat kinumpirma ni Janella sa isang interview na pisikal daw siyang sinaktan ni Elmo, nanatili namang tahimik ang kampo ni Elmo hinggil sa isyu.


Stories We Are Tracking

Janella confirms she was hurt physically by Elmo
Janella confirms she was hurt physically by Elmo
Elmo Magalona still mum about Janella Salvador's accusations
Elmo Magalona still mum about Janella Salvador's accusations

ON WORKING WITH ANNE CURTIS

Samantala, ang role ni Marco sa horror movie na Aurora ay dating boyfriend ng karakter ni Anne Curtis.

Noong Mayo pa raw sila nag-shoot sa magandang isla ng Batanes.

Lahad niya, “It was fun. First, nag-shoot kami sa Batanes for 10 days. Nag-lock-in kami dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang saya kasi first time ko siyang makatrabaho na talagang makaeksena.

“And masaya kasi sobrang bait niya, sobrang dali niyang makatrabaho, and the whole set was really fun and light.”

Ipapalabas ang Aurora sa mga sinehan simula sa Pasko, December 25.  


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN