Iza Calzado, Ben Wintle share underwater kiss a day before wedding

IMAGE Pat Dy via @missizacalzado Instagram

Iza Calzado, handa na sa kasal nila ng boyfriend of seven years na si Ben Wintle sa Coron, Palawan, bukas, December 19. 


Pasabog ang eksenang halikan sa pagitan ng soon-to-be-married couple na sina Iza Calzado at Ben Wintle sa Coron, Palawan, ngayong araw, December 18. 

Ibinahagi ni Iza, 36, ang underwater kiss nila ni Ben, 37, sa kanyang Instagram account. 

Sabi ng Kapamilya actress sa kanyang caption: "Can’t wait to begin this adventure with you my love @benmwintle @patdy11 @clubparadisepalawan #becomingmrswintle"

View this post on Instagram

Can’t wait to begin this adventure with you my love @benmwintle ???? @patdy11 @clubparadisepalawan #becomingmrswintle

A post shared by Iza Calzado (@missizacalzado) on

Bukas, December 19, nakatakdang ganapin ang pag-iisang dibdib ng longtime couple.

Nakasaad sa post ni Iza na naka-check-in sila at iba pang wedding guests sa Club Paradise Palawan, isang exclusive resort sa Dimakya Island, Coron, Palawan.

Inaasahang dito rin gaganapin ang wedding ceremony nina Iza at Ben. 

Noong October 8, 2017 nag-propose si Ben kay Iza sa Tagaytay. Saksi noon ang ilang malalapit na kaibigan ng couple. 

Sa loob ng pitong taong relasyon ng dalawa, ni minsan ay hindi nabahiran ng anumang intriga ang kanilang pagsasama. 

Sadyang hindi lang talaga minadali ni Iza ang paglagay sa tahimik dahil naging focused ito sa trabaho noon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Iza Calzado reveals wedding preps
Iza Calzado reveals wedding preps
Iza Calzado is now engaged
Iza Calzado is now engaged


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN