Barbie Imperial posts photo with JM de Guzman after social media controversy

IMAGE @msbarbieimperial Instagram

Barbie Imperial on queries that she and JM de Guzman are back to being on good terms with each other: "wala to. Wala to. Sabay hampas. HAHA."


Tila unti-unti nang nagkakaayos sina Barbie Imperial at JM de Guzman matapos ang kontrobersiyal nilang alitan noong Nobyembre. 

Sa kanyang Instagram post kagabi, December 19, ibinahagi ni Barbie ang litrato nila ni JM kung saan nakadikit ang pisngi ni JM sa ulunan ng dalaga. 

Makikita ring naka roll eyes si Barbie, na tila nagpapahiwatig ng light moment sa pagitan ng dating lead stars ng ABS-CBN afternoon series na Araw Gabi

Ang caption ni Barbie, "3 days straight shows starting tomorrow. Let's go, juanbies."

View this post on Instagram

3 days straight shows starting tomorrow. Let's go, juanbies ????

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on

Sa comments section, ilang netizens ang nag-react sa pagkakaayos nina Barbie at JM.

Lalo na't sa taping ng ABS-CBN Christmas Special noong December 12 ay nabanggit ni Barbie na bagamat nagkabati na sila ni JM ay hindi na sila nag-uusap tulad ng dati. 

Ang Araw Gabi co-star nilang si Ara Mina at ina ni Barbie na si Bing Imperial ay ilan pa sa mga taong natuwa sa pagkakaayos nina Barbie at JM.

Sabi ni Ara, "Ehem ehem ehem [lovestruck emoji]"

Sagot ni Barbie, "ready" na sila ni JM sa tatlong araw na pagsasama nila sa shows.

"Tara na ate," yaya pa ni Barbie kay Ara.

Ang comment naman ni Bing Imperial sa ilang araw na pagbabalik-tambalan nina JM at Barbie "ayan na sila... [hearts emoji and smiley]"

Panunukso ng isa pang kaibigan ni Barbie na may handle na @matthew_sy: "What the bumalik na pala si JM [laughing with tears and hearts emojis]"

Balik-sagot ni Barbie, "hi matt!!! Cute mo [laughing with tears emoji]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinukso rin si Barbie ng hair stylist na may handle na @sofiaday: "LAH LAH LAH LAH LAH"

Nakipagsabayan din ng biruan si Barbie at sinabing "wala to. Wala to. Sabay hampas. HAHA."

BARBIE AND JM'S RIFT

Ilang linggo ring usap-usapan sa social media ang alitan sa pagitan nina JM at Barbie.

Inulan ng pambabatikos si JM matapos akusahan ng ilang netizens na pinaasa nito si Barbie na nagkakamabutihan sila, gayong may ugnayan din diumano ang aktor kay Rhian Ramos.

Si Rhian ay naging leading lady ni JM sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala.

Mariing pinabulaanan nina JM at Rhian ang pang-iintriga sa kanila at sinabi nila sa hiwalay nilang mga pahayag na magkaibigan lang sila.

Hindi pa rin natuldukan ang espekulasyon ng netizens dahil ang tanging reaksiyon ni Barbie noong kasasagan ng isyu ay ang malamang tweet na "Young but not stupid."

Kasabay nito ay nagpatutsada naman si JM na si Barbie at ang diumano'y ugnayan nito at ni Axel Torres ang dapat kuwestiyonin ng netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Rhian Ramos breaks silence on JM-Barbie issue
Rhian Ramos breaks silence on JM-Barbie issue
JM de Guzman calls out basher mocking his past drug use
JM de Guzman calls out basher mocking his past drug use
Paul Salas reacts to JM de Guzman throwback post
Paul Salas reacts to JM de Guzman throwback post

RELATIONSHIP FOR REAL?

Pero ang mga malapit na kaibigan ni Barbie na sina Joj at Jai Agpangan ay itinangging may ugnayan si Axel at si Barbie. 

Base ito sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kambal na sina Joj at Jai noong December 1.

Tinanong ng PEP.ph ang kambal kung nagkaroon nga ba ng relasyon sina JM at Barbie.

Sinabi naman ng kambal na hindi talaga maiwasang magka-developan ang magka-love team na sina JM at Barbie dahil sa nature ng kanilang trabaho.

Pero tanging sina JM at Barbie lang daw talaga ang makakasagot kung ano ba talaga ang namagitan sa mga ito at kung ano ang puno't dulo ng kanilang pinag-awayan.


Stories We Are Tracking

Joj, Jai weigh in on JM, Barbie misunderstanding
Joj, Jai weigh in on JM, Barbie misunderstanding
Barbie Imperial friends with all her ex-boyfriends
Barbie Imperial friends with all her ex-boyfriends
Is this Barbie's response to rumored rift with JM?
Is this Barbie's response to rumored rift with JM?
Paul Salas reacts to JM de Guzman throwback post
Paul Salas reacts to JM de Guzman throwback post


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN