Jessy Mendiola admits career setback after going public about Luis Manzano

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola on happy love life and good career: "Totoo yun na hindi mo puwede makuha nang sabay-sabay pero naniniwala ako na makukuha mo silang lahat. And kahit si Luis sinisi niya ang sarili niya kung ano yung nangyari sa akin. Everything happens for a reason... Kapag positive ka, positive din yung babalik sa'yo. Feeling ko, yun yung nangyayari sa akin."


Aminado si Jessy Mendiola, 26, na nanamlay ang kanyang career dahil mas pinili niya ang pag-ibig sa katauhan ng boyfriend na si Luis Manzano, 37.

Kuwento niya noong grand presscon ng pinagbibidahan niyang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na The Girl in the Orange Dress, “Ayoko kasing mag-deny, e.

“Alam naman nating lahat yun, e. Yung nangyari sa akin, I’m sure nahalata niyo rin...yung result nung nangyari before.

"And malakas ang loob ko na magsabi na talagang nanamlay ang career ko dahil mas pinili ko yung puso ko.”

Sabi niya, wala naman daw siyang pinagsisihan sa dalawang taong nawalan siya ng magagandang proyekto dahil sa pagpili niya kay Luis.

Saad ni Jessy, “Nalungkot ako. And kahit si Luis sinisi niya ang sarili niya kung ano yung nangyari sa akin.

“Pero yun nga tulad ng sabi ko, everything happens for a reason and naniwala ako na itong moment na pinili ko ang puso ko, for once in my life, may ginawa akong desisyon na pakiramdam ko, para sa sarili ko.”

View this post on Instagram

Hey partner. ??

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Ayon pa sa kanya, naniniwala raw siya sa kasabihang hindi maaring pagsabayin ang magandang karera at masayang estado ng pag-ibig.

Kuwento ni Jessy, “Totoo yun na hindi mo puwede makuha nang sabay-sabay pero naniniwala ako na makukuha mo silang lahat.

“Yung magmi-meet silang lahat sa isang point ng buhay mo and naniniwala na ako na malapit ako dun, nalalapit ako dun pero papunta pa lang ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Jessy sa presscon ng The Girl in the Orange Dress noong December 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na binanggit ni Jessy kung bakit naging kontrobersiyal ang pagiging magkarelasyon nila ni Luis.

Pero matatandaang inakusahan noon si Jessy na third party sa hiwalayang Luis at Angel Locsin noong January 2016.

Inulan ng batikos si Jessy at Luis na diumano'y lihim nang nagkakamabutihan mula nang magkasama sila sa London para sa isang Kapamilya tour, bandang September 2015.

Sa ulat ng PEP noong June 2017, mariing pinabulaanan ni Luis ang maling akusasyong ito sa kanila ni Jessy.

Nilinaw ni Luis na hindi nag-overlap ang pakikipagrelasyon niya kina Angel at Jessy.

Naghiwalay raw sila ni Angel noong January 10, 2016. Pagkatapos nito ay nagsimula raw magkamabutihan sina Luis at Jessy noong birthday party ng binata noong April 2016.

Opisyal na naging magkarelasyon sina Luis at Jessy noong June 25, 2016.


Stories We Are Tracking

Luis denies overlapping relationships with Angel, Jessy
Luis denies overlapping relationships with Angel, Jessy
Luis Manzano denies secret date with Jessy Mendiola in 2015
Luis Manzano denies secret date with Jessy Mendiola in 2015

FREE FROM INTRIGUES

Sa ngayon, makalipas ang dalawang taon, muling nakabangon si Jessy sa sunud-sunod at magagandang proyektong nakalinya para sa kanya.

Isa na nga rito ang The Girl in the Orange Dress na mapapanood na simula bukas, December 25.

View this post on Instagram

Rated PG and Graded B. Are you ready to fall in love? December 25 na!???? #TheGirlInTheOrangeDress #MMFF2018 #sineislife

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Lahad ng aktres, “Yung moment na makakaupo ka na lang, magiging grateful ka na lang.

“Parang overflowing yung feeling na ang saya-saya ko kasi may mga taong naniniwala pa sa akin.

"Siguro naging positive kasi ako sa outlook ko, sa mga tao sa paligid ko, di ba ganun yun?

“Kapag positive ka, positive din yung babalik sa'yo. Feeling ko, yun yung nangyayari sa akin.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN