Angelica Panganiban has kilig statement on Christmas photo with Carlo Aquino

IMAGE @iamangelicap Instagram

Angelica Panganiban and Carlo Aquino celebrate Christmas with the actress's family. Describing her photo with Carlo, Angelica writes, "Nahanap ko na yung nawawala."


Hindi magkamayaw ang masugid na mga tagasuporta nina Angelica Panganiban, 32, at Carlo Aquino, 33, matapos nilang sabay na ipinagdiwang ang Pasko.

Base ito sa magkakasunod na Instagram posts ni Angelica noong gabi ng December 25.

Una na rito ang litrato nina Angelica at Carlo kasama ang adoptive mom at isa pang kaanak ng aktres.

Sa simpleng caption nito, sinabi ni Angelica na "masaya ang lahat" sa pagdiriwang ng kanyang pamilya ng Pasko.

Mismong showbiz colleagues nina Angelica at Carlo ay kinilig na makitang magkasama ang dalawa—na matagal nang tinutukso sa isa't isa dahil sa posibilidad na magkabalikan sila.

Tila makahulugan naman ang mga pahayag ni Angelica sa mga taong nagkomento sa litrato nila ni Carlo.

Sabi ng direktor na si Dan Villegas, "Merry Christmas! @iamangelicap @jose_liwanag"

Si Dan ang nagdirek ng box-office movie nina Angel at Carlo na Exes Baggage.

Sagot ni Angelica, "@danvillegas rekdi! Merry Christmas! Nahanap ko na yung nawawala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaintindihan naman sina Angelica at kaibigan niyang may Instagram handle na @khangkers, kahit na ang komento lang ng huli ay anchor, heart, at hug emojis.

Natatawang sagot ng aktres, "Gets na gets ko [thumbs up]."

Isa pang kaibigan ni Angelica ang nanunuksong humirit ng "Family pic eeeehhh [big grin]."

Sang-ayon ulit ng aktres, "@topscande kung tawagin..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napakomento rin ng heart emoji sina Kaye Abad at Ara Arida.

Bukod sa "family photo" nina Angelica at Carlo ay nag-post din ang aktres ng Christmas get-together kasama ang kanilang common friends.

View this post on Instagram

Masaya ang lahat?? Merry Christmas ????

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

May isa pa silang pinuntahang party kasama ang iba namang set of friends.

View this post on Instagram

Mas marami, mas masaya?? Pugalamax X FamiliaIndependiente

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

BREWING ROMANCE?

Hindi maiwasang magkaroon ng ispekulasyon sa estado ng relasyon nina Angelica at Carlo, dahil anim na taon silang naging magkasintahan noong teenagers pa lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa nanatili silang magkaibigan over the years, mas naging close pa sila matapos nilang magbalik-tambalan nitong taon sa Exes Baggage at sa ongoing ABS-CBN daytime series na Playhouse.

Panay rin ang tuksuhan nila sa isa't isa, base sa kilig photos nila nang magbakasyon sa Japan kasama ng kanilang barkada noong Nobyembre. 

Nasundan pa ito ng sweet photo nina Angel at Carlo habang nagha-hang out noong buwan ding iyon.


Stories We Are Tracking

Angelica Panganiban posts sweet photo with Carlo Aquino
Angelica Panganiban posts sweet photo with Carlo Aquino
Carlo Aquino posts PDA photo with Angelica Panganiban
Carlo Aquino posts PDA photo with Angelica Panganiban
Angelica Panganiban, Carlo Aquino fake kissing in Japan?
Angelica Panganiban, Carlo Aquino fake kissing in Japan?
Angelica posts sweet message for Carlo:
Angelica posts sweet message for Carlo: "Mahal kita."


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN