Robin Padilla finally meets wife Mariel Padilla's dad Abelardo Termulo after eight years

IMAGE Courtesy: @robinhoodpadilla / @marieltpadilla on Instagram

Mariel Termulo-Padilla on husband Robin Padilla's first meeting with her dad Abelardo Termulo (right): "My heart is full. Thank you so much to everyone in my family for being so supportive of this moment. It means so much to me."


Nakaharap at nakausap na rin sa wakas ni Robin Padilla si Abelardo Termulo, ang ama ng asawang si Mariel Termulo, aka Mariel Rodriguez, pagkatapos ng higit walong taon.

Ikinasal sina Mariel at Robin taong 2010, bagamat hindi pa nagkakilala nang personal si Robin at ang ama ni Mariel, na nakabase sa Amerika.

Sina Robin at Mariel ay may isang anak, si Isabella, 2.

Sa post ni Mariel noong Lunes, December 24, sinabi ng It’s Showtime host na buo na ang kanyang 2018 ngayong nagkakilala na sa personal ang kanyang ama at kanyang asawa.

Bahagi ng post ni Mariel, “After 8 years @robinhoodpadilla and my Dad finally meet. My heart is full.

"Thank you so much to everyone in my family for being so supportive of this moment. It means so much to me.”

Dagdag pa niya, "My 2018 is complete. I have been waiting for this day for 8 years... thank you God for giving it to me."

View this post on Instagram

After 8 years @robinhoodpadilla and my Dad finally meet ?????? my heart is full. Thank you so much to everyone in my family for being so supportive of this moment. It means so much to me. Thank you to @drmtpehuber @tedmatthew for representing the Padilla family since most are out of town i truly appreciate it ???? food was perfect @chefflorabel thank you to the @florabel.ph team. ???????? as usual you have exceeded my expectations with food quality, presentation and service. my dad liked the halo halo the most. He said he missed it. Big big thanks to @bigalscookiejar for sending your latest party food cart big als sorbets!!!! ???????? Everything you guys make is from your heart and it always reflects on your products... congratulations it was a big hit!!! My 2018 is complete. I have been waiting for this day for 8 years... thank you God for giving it to me. ????

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

"GOD IS GREAT!!!"

Kahapon naman, December 26, isang mahabang post ang ibinahagi ni Robin sa kanyang Instagram.

Sabi ni Robin, walong taon na niyang sinubukang makaharap nang personal ang ama ni Mariel upang makahingi siya ng gabay at bilin para sa kanilang pagsasama, ngunit hindi siya napagbigyan ng U.S. visa dahil sa kanyang estado noon na isang parolado.

Sabi ni Robin, “Sa ngalan ng Allah ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Sa Nag iisang Panginoong maylikha lamang ang pagpupuri. Isang napakahalagang tagpo sa aking buhay ang naganap at natupad nitong kapaskuhan, God is great !!!

"Pagkatapos ng higit sa 8 taon na paghihintay at mahigit na tatlong visa application sa US Embassy upang makilala at hingin ang kamay ni Mariel sa kanyang Ama na si Ginoong Abelardo Termulo ay nakapag-MANO na rin ako sa kanyang kanang kamay at marinig ang kanyang bilin at pagsang-ayon sa aking mga Hangarin sa kanyang mahal na Anak, GOD is great.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakarami nating pangarap sa buhay ngunit minsan ay hindi yun napagkakaloob sa atin kahit ginawa na natin ang lahat upang makamtan ito hindi dahil ipinagkakait ito sa atin ng DIOS/ALLAH/ELOH/JEHOVAH/YAHWEH kundi batid niya na may mga bagay na hinihingi tayo sa kanya na hindi makabubuti sa atin kaya ipinagpapaliban niya ang pagpapala nito kadalasan ay papalitan niya ito ng iba na may mas higit na kaligayahan at kasiyahan na makakabuti sa atin God willing."

Patuloy pa ni Robin, "Maraming maraming salamat sa lahat ng tao na gumawa ng paraan upang maging masaya at matiwasay ang pagbisita ng aking Father In Law sa lupang sinilangan.

"Isa pong karangalan ang makamayan kayo sir Abelardo Termulo idol ko po kayo sa inyong pakikipagsapalaran sa Dayuhang Bansa ng Estados Unidos, ang inyong sipag at tiyaga lalo sa pagiging isang Ama at isang Anak ay inspirasyon sa mga kalalakihan ng las islas Pilipinas.

"Mabuhay po kayo DAD! Salamat po sa pagpaparamdam sa amin lahat ng tunay na mensahe ng Pasko.

"Mula sa inyong anak na muslim Maligayang Pasko ko po sa inyo at sa buong Pamilya ng Termulo. Glory be to God/SubhanaAllah."

View this post on Instagram

Sa ngalan ng Allah ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Sa Nag iisang Panginoong maylikha lamang ang pagpupuri. Isang napakahalagang tagpo sa aking buhay ang naganap at natupad nitong kapaskuhan God is great !!! Pagkatapos ng higit sa 8 taon na paghihintay at mahigit na tatlong visa application sa US Embassy upang makilala at hingin ang kamay ni mariel sa kanyang Ama na si Ginoong Abelardo Termulo ay nakapag MANO na rin ako sa kanyang kanang kamay at marinig ang kanyang bilin at pagsanggayon sa aking mga Hangarin sa kanyang mahal na Anak GOD is great. Napakarami nating pangarap sa buhay ngunit minsan ay hindi yun napagkakaloob sa atin kahit ginawa na natin ang lahat upang makamtan ito hindi dahil ipinagkakait ito sa atin ng DIOS/ALLAH/ELOH/JEHOVAH/YAHWEH kundi batid niya na may mga bagay na hinihingi tayo sa kanya na hindi makabubuti sa atin kaya ipinagpapaliban niya ang pagpapala nito kadalasan ay papalitan niya ito ng iba na may mas higit na kaligayahan at kasiyahan na makakabuti sa atin God willing Maraming maraming salamat sa lahat ng tao na gumawa ng paraan upang maging masaya at matiwasay ang pagbisita ng aking Father In Law sa lupang sinilangan. Isa pong karangalan ang makamayan kayo sir Abelardo Termulo idol ko po kayo sa inyong pakikipagsapalaran sa Dayuhang Bansa ng Estados Unidos ???????? ang inyong sipag at tiyaga lalo sa pagiging isang Ama at isang Anak ay inspirasyon sa mga kalalakihan ng las islas Pilipinas ???????? Mabuhay po kayo DAD! Salamat po sa pagpaparamdam sa amin lahat ng tunay na mensahe ng Pasko. Mula sa inyong anak na muslim Maligayang Pasko ko po sa inyo at sa buong Pamilya ng Termulo. Glory be to God/SubhanaAllah

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

ABSOLUTE PARDON

November 15, 2016 lamang nagawaran ng absolute pardon si Robin sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Taong 1994 nang mahatulan ang aktor ng 21 taong pagkakakulong dahil sa salang illegal possession of firearms.

Tatlong taon siyang nakapiit noon sa National Bilibid Prison (NBP).

April 1997 nang mabigyan siya ng conditional pardon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Taong 2003 nang makumpleto niya ang kanyang pagsisilbi sa kanyang conditional pardon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa kanyang criminal record, hindi nakakuha ng U.S. visa sa U.S. embassy si Robin, na siyang paraan upang makapunta ng Amerika kung saan nakatira ang pamilya ni Mariel.

Hindi pa rin malinaw kung nag-apply na ulit si Robin ng U.S. visa ngayong naibalik na ang kanyang civil at political rights, matapos siyang mabigyan ng absolute pardon ni Pangulong Duterte.


Stories We Are Tracking

President Duterte grants absolute pardon to Robin Padilla
President Duterte grants absolute pardon to Robin Padilla


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN