PEP YEARENDER: Kris Aquino, Ellen Adarna, other celebs involved in legal cases and complaints in 2018

IMAGE Noel Orsal / Facebook (Ellen Adarna)

Celebrities involved in legal battles in 2018 include: (L-R) Kris Aquino, Sunshine Cruz, Vhong Navarro, and Ellen Adarna.


Kabilang na sa pagiging makulay ng showbiz ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga artista.

Malaki naman ang interes ng ordinaryong tao sa pinagdaraanang pagsubok ng artista sa personal nitong buhay.

At dahil public figure, ang personal na kaganapan sa buhay ng artista ay tiyak na maisasapubliko at makikiagaw-atensyon sa bali-balita sa mundo.

Kabilang na rito ang mga legal na kasong kinasangkutan ng mga artista: maganda man ang resulta o masama.

Sa pagtatapos ng 2018, narito ang listahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilan sa mga artistang sangkot sa mga reklamo at kasong legal na pinag-usapan sa loob at labas ng industriya.

 

SUNSHINE CRUZ VS. CESAR MONTANO

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Arniel Serato / Instagram

Noong September 2018 ay masayang ibinalita ni Sunshine Cruz, 41, sa PEP.ph, na inaprubahan na ng korte ang petition for annulment ng aktres sa dating asawang si Cesar Montano, 56.

Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong September 2000.

Naghiwalay sila pagkatapos ng 13 taong pagsasama.

Ang dahilan ng paghihiwalay ay ang pagkakaugnay ni Cesar sa starlet na si Krista Miller.

Inihain ni Sunshine sa korte ang petition for annulment noong May 2014, o isang taon matapos silang maghiwalay.

CASE STATUS: Maituturing na sarado na ang kaso at napawalang-bisa na ang kasal ng dating mag-asawa.


Stories We Are Tracking

Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano
Court grants annulment of Sunshine Cruz, Cesar Montano
Sunshine Cruz ecstatic over annulment of marriage
Sunshine Cruz ecstatic over annulment of marriage

KRIS AQUINO VS. JESS FALCIS AND NICKO FALCIS  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Instagram

Nitong November 22, 2018, sinampahan ni Kris Aquino ng nine counts of cyber libel si Attorney Jesus “Jess” Falcis sa Department of Justice.

Si Jess ang nakababatang kapatid at spokesperson ni Nicko Falcis, ang dating managing director ng production company ni Kris, ang Kris C. Aquino Productions (KCAP).

Ang reklamo ni Kris ay dahil sa diumano’y mapanirang social media posts ni Jess laban sa actress/host/web star.

Ang palitan ng maaanghang na salita nina Kris at Jess ay nag-ugat sa akusasyon ni Kris na diumano’y ninakawan ng kapatid ni Jess, na si Nicko, ang pondo ng production company ni Kris.

Kaugnay pa rin ng isyu, nauna nang naghain ng reklamo si Kris sa pitong siyudad ng 44 counts of Qualified Theft laban kay Nicko, dahil sa diumano’y paggamit ng huli ng KCAP credit card para sa personal expense.

Umabot daw sa PHP1.270 milyon ang halaga ng perang diumano’y ninakaw ni Nicko mula sa company ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito ay humihingi si Kris ng PHP32.27 million in damages.

CASE STATUS: Samantala, hindi pa rin natatapos ang isyung ito at nananatiling developing story.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino to Nicko Falcis:
Kris Aquino to Nicko Falcis: "YOU WILL BE DEAD"
Kris Aquino sues Atty. Jesus Falcis for cyberlibel
Kris Aquino sues Atty. Jesus Falcis for cyberlibel

 

TEEN CITIZEN VS. ELLEN ADARNA 

May 15, 2018 nang sampahan ng reklamong child abuse at cybercrime ng mga magulang ng isang teen netizen ang aktres na si Ellen Adarna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isinampa ang reklamo sa Pasig Prosecutor’s Office.

Kaugnay ito ng pagpo-post ni Ellen ng video ng teen netizen na si Eleila Santos, dahil sa akusasyong kinukunan umano ng menor-de-edad sina Ellen at partner na si John Lloyd Cruz habang kumakain sa isang restaurant sa Makati City noong May 4.

Sa social media, nag-demand ang ina ng teen netizen na si Myra Santos na mag-issue ng public apology si Ellen dahil sa insidente.

July 16, 2018 ang huling ulat ng PEP.ph tungkol sa kaso.

Hindi nag-isyu ng apology si Ellen na siyang hinihingi ng mga Santos.

Sa apat na preliminary hearing na itinakda, no-show rin si Ellen, na ikinadismaya ng mga magulang ng teen netizen.

Binanggit din sa ulat ang desisyon ng ina ni Eleila na ipaglaban ang karapatan ng anak sa legal na paraan.

“Siyempre, para sa anak natin, we’ll do whatever…

“So as long as alam natin na nasa tama tayo, we need to fight for our right.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pinakahuling update hinggil sa kasong ito ay noong July 16, 2018, kung saan nag-file ng sagot ang mga magulang ni Eleila Santos sa counter-affidavit ng kampo ni Ellen na isinumite nila noong July 9.

Hindi inilahad ng ina ni Eleila kung ano ang nakasaad sa counter-affidavit ng aktres.

CASE STATUS: Pero dismayado ang mga magulang ni Eleila dahil hindi pa rin humihingi ng dispensa si Ellen hinggil sa insidente.

Noong September 28, 2018, sinubukan ng PEP.ph na alamin ang development sa legal complaint na ito, sa pamamagitan nang pagpapadala ng mensahe kay Atty. Arnold Labay, abugado ng complainant na si Myra, at kay Atty. Romeo Saguisag, abugado ni Ellen. 

Hindi sumagot sa text message ang parehong nabanggit na lawyer.

ArticleReco:{"articles":[news_70931,news_70859,news_70610]}]

GRETCHEN FULLIDO VS. CHERYL FAVILA 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Instagram / Cheryl Favila

Naging usap-usapan ang batuhan ng akusasyon ng ABS-CBN TV Patrol entertainment news anchor at reporter na si Gretchen Fullido laban sa  former TV Patrol supervising producer na si Cheryl Favila at segment producer na si Maricar Asprec.

Ayon sa affidavit ng 34-anyos na news anchor-reporter, nakaranas daw siya ng pangha-harass mula kina Favila at Asprec mula 2015 hanggang 2017.

Dugtong pa ni Gretchen, nagkaroon siya ng “feeling” na gusto nina Favila at Asprec na maging “close” siya sa kanila nang higit pa sa “Boss-Colleague level,” para may marating siya sa newsroom.

Mariin namang itinanggi ni Favila, 49, ang akusasyon ni Gretchen.

Sa Position Paper nina Favila at Asprec, ipinaliwanag nilang, “[Gretchen] took the text messages of… Cheryl Favila out of context or removed them from the conversation threads in which the text messages belonged.”

Sinabi rin ni Favila na "manipulated" ni Gretchen ang palitan nila ng text messages upang sa gayon ay magmukhang hinarass siya ni Favila.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CASE STATUS: Sa kasalukuyan ay nananatiling tahimik ang magkabilang kampo at wala pang update kung ano ang mga susunod nilang mga hakbang kaugnay ng isyu.


Stories We Are Tracking

Gretchen: a
Gretchen: a "clever user"; Cheryl: "abused authority"
Gretchen VS. Cheryl on sexual-harassment complaint
Gretchen VS. Cheryl on sexual-harassment complaint

 

VHONG NAVARRO VS. CEDRIC LEE, DENIECE CORNEJO 

 IMAGE Noel Orsal (Vhong Navarro)

Hinatulang guilty sa kasong grave coercion sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa resolusyong ibinaba ni Judge Bernard Pineda Bernal ng Taguig City Metropolitan Trial Court.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinaba ang desisyon noong July 27, 2018, sa kasong isinampa ni Vhong Navarro laban sa grupo ni Cedric.

Kaugnay ito ng insidenteng pambubugbog, paggapos, at pananakot sa It’s Showtime host ng grupo nina Cedric at Deniece, sa condo unit ni Deniece sa Taguig City, gabi ng January 22, 2014.

Ayon sa legal counsel ni Vhong na si Attorney Alma Mallonga, ang kasong grave coercion ay may kinalaman sa pamimilit ng grupo ni Cedric kay Vhong na pirmahan ang police blotter, na nagsasaad ng akusasyong attempted rape ni Vhong kay Deniece.

CASE STATUS: Patuloy pa rin ang pagdinig sa nakabinbing serious illegal detention case na isinampa rin ng actor-TV host laban sa grupo nina Cedric at Deniece.


Stories We Are Tracking

Vhong emotional after guilty verdict against Cedric, Deniece
Vhong emotional after guilty verdict against Cedric, Deniece
Cedric, Deniece found guilty in Vhong grave coercion case
Cedric, Deniece found guilty in Vhong grave coercion case
Cedric, Deniece petition for removal of judge in Vhong case
Cedric, Deniece petition for removal of judge in Vhong case

 

VINA MORALES VS. CEDRIC LEE 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Guilty beyond reasonable doubt” ang resulta ng kasong kidnapping na isinampa ni Vina Morales laban sa dating partner na si Cedric Lee.

Ang desisyon hinggil sa kaso ay ibinaba ng Mandaluyong City Regional Trial Court noong May 28, 2018.

Isinampa ni Vina ang kaso laban sa businessman noong 2016 dahil sa sapilitang pagtangay sa kanilang anak na si Ceana, na noon ay pitong taong gulang.

Siyam na araw na nasa poder ni Cedric ang kanilang anak na walang pahintulot ng singer-actress.

Ito ay labag sa visitation rights na pinahintulutan ng korte para kay Cedric, na sa tuwing Sabado lamang mabibisita ang anak.

CASE STATUS: Pinagbabayad ang negosyante ng PHP300 na multa at PHP50,000 para sa moral at nominal damages.


Stories We Are Tracking

Vina says guilty verdict on Cedric an
Vina says guilty verdict on Cedric an "answered prayer"
Cedric Lee guilty of kidnapping daughter with Vina Morales
Cedric Lee guilty of kidnapping daughter with Vina Morales


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN