Kristoffer Martin relates clash with woman who made rude remarks about him in a restaurant

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actor Kristoffer Martin explains his side in a run-in with a woman in a restaurant. He tweeted, "Okay lang naman sana kung ayaw sakin ni ate gurl. Wag naman sa point aabot sa babastusin mo yung taong di mo naman kilala at wala naman ginagawa sayo at GUSTO LANG NAMAN KUMAIN NG PAYAPA SA RESTAURANT NA YON."


Ikinuwento ni Kristoffer Martin ang naranasang pambabastos sa kanya ng isang babae sa isang restaurant.

Ikinuwento ng 24-anyos na Kapuso actor ang kanyang karanasan via Twitter, December 27, Huwebes.

Sunud-sunod ang tweet ni Kristoffer at inilahad ang hindi magandang karanasan.

Nangyari raw ito sa kanyang bayan sa Olongapo.

Pumasok daw siya at mga kasama sa isang restaurant upang kumain.

Sa isang mesa raw ay may grupo ng mga tao at isa sa kanila ang nakakilala sa kanya.

Pero may isang babae raw sa grupo ang nagsalita nang hindi maganda tungkol kay Kristoffer.

Pasigaw raw itong sinabi ng babae kaya dinig na dinig ng aktor at ng iba pang nasa loob ng establisimyento.

Tweet ng aktor: “Sabi nung isang kasama nila ‘ui si Kristoffer Martin yun oh’ sabay sagot si ate gurl ‘Sino ba yan? Sikat ba yan? Pake ko diyan?’ Take note nasa pinto pa lang kami niyan tapos narinig ko. Jusko pasigaw ba naman pano ko di maririnig. Eh tinignan na rin siya ng mga tao...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilapitan daw ni Kristoffer ang babae at sinabihan na malakas daw ang boses nito.

Pagkatapos sabihan ang babae, umupo raw si Kristoffer at ang kanyang mga kasama sa isang bakanteng lamesa at kumain.

Pero hindi roon nagtapos ang kwento.

Nalaman daw ni Kristoffer na nag-tweet ang kinausap niyang babae sa restaurant at tinawag na mayabang ang aktor via Twitter.

“Tae ako pa mukhang masama kesyo ang yabang ko daw. Eh sinabi ko lang malakas boses niya,” bahagi ng tweet ni Kristoffer.

Mensahe ni Kristoffer, “So ang point ko lang naman dito is, okay lang naman sana kung ayaw sakin ni ate gurl. Wag naman sa point aabot sa babastusin mo yung taong di mo naman kilala at wala naman ginagawa sayo at GUSTO LANG NAMAN KUMAIN NG PAYAPA SA RESTAURANT NA YON.”

 Narito ang screenshots ng tweets ni Kristoffer na paglalahad ng kanyang karanasan sa restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN