Maine Mendoza quashes fake exchange of hate tweets with Vice Ganda

IMAGE @mainedcm / @praybeytbenjamin Instagram

Maine Mendoza on bashers circulating her alleged exchange of hate messages with Vice Ganda on Twitter: "Yikes! Paskong pasko wala pa ding magawang matino yung ibang tao."


Kinundena ni Maine Mendoza ang maling impormasyong kumakalat sa Twitter na diumano'y nagbabangayan sila ni Vice Ganda tungkol sa kani-kanilang pelikula.

Si Maine ay lead actress ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, habang si Vice ay bida ng pelikulang Fantastica. Parehong entry ang mga ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018.

Opening day pa lang ng MMFF noong December 25 ay kumalat sa Twitter ang pekeng screen shot ng tweet ni Maine, na nagsasabing wala umanong kabuluhan ang pelikulang Fantastica.

Sabi sa fake hate tweet ni Maine: "Nakakaloka yung Fantastica! The most nonsense movie of all time! #JackEmPopoyUnangPanoorin."

Base pa rin sa screen shot ng malisyosong tweet, mayroon ding pekeng balik-sagot si Vice kay Maine.

Sabi naman sa fake hate tweet ni Vice: "Thanks for watching. Haven't seen your movie yet. Mukha kasing wala ring kwenta. #SorryNotSorry #FantasticaNowShowing."

Narito ang kopya ng fake exchange nina Maine at Vice:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi malinaw kung sino ang nagpakalat ng pekeng palitan ng tweets nina Maine at Vice.

Nang makarating ito kay Maine, agad na binigyang-linaw ng Eat Bulaga Dabarkads ang isyu.

Opisyal na pahayag ni Maine: "Yikes! Paskong pasko wala pa ding magawang matino yung ibang tao.

"This is edited, guys.

"Pero nood nalang din kayo Jack Em Popoy at Fantastica para happy tayong lahat."

Narito ang kopya ng totoong tweet ni Maine:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa competing entries ang kani-kanilang pelikula sa MMFF, sina Maine at Vice ay mainstays ng magkatapat na noontime show, ang Eat Bulaga ng GMA at It's Showtime ng ABS-CBN, respectively.

Gayunman, maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa, 'tulad nang minsang nakunan sila ng litrato sa isang restobar sa Taguig City, noong 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @jm_ro Instagram


Stories We Are Tracking

Vice, Maine seen together in photo for the first time
Vice, Maine seen together in photo for the first time


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN