Inalmahan ni Ryza Cenon ang akusasyong may lihim siyang disgusto at inggit sa Kapuso actress-TV host na si Maine Mendoza.
Kaugnay ito ng pambabatikos kay Ryza ng ilang fans ni Maine dahil sa diumano'y snubbing incident na naganap noong Gabi Ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF), na ginanap sa The Theater at Solaire nitong nakaraang Huwebes, December 27.
Nag-ugat ito sa video ng acceptance speech ng isang babaeng tumanggap ng FPJ Memorial Award para sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, na pinagbibidahan nina Coco Martin, Vic Sotto, at Maine.
Si Ryza ay kasama rin sa cast ng pelikula.
Base sa Twitter post ni Ryza noong December 28, nagpagkamalan ng ilang netizens na siya ang babaeng tumanggap ng award.
Ipinakita rin ni Ryza ang screen shot ng comments ng netizens na kinukuwestiyon kung bakit hindi umano binanggit ni Ryza ang pangalan ni Maine sa acceptance speech para sa pelikula nila.
Kasabay nito ang akusasyong sinadya ni Ryza iyon dahil hindi niya gusto si Maine.
Pero nilinaw ni Ryza na hindi siya ang babaeng nasa video kundi isang executive na kabilang sa production team ng pelikula.
Hi sa lahat ng fans ni @mainedcm na nagagalit sakin dahil hindi ko daw nabanggit ang pangalan nya. Linawin ko lang hindi ako ang tumanggap ng FPJ Memorial Award at pakinggan nyo rin kung ang sinabi ni Ms. Camille ang sabi nya “Sa ngalan ng aming Producers” kaya wag manghusga agd pic.twitter.com/M2ylO4nz3c
— Ryza Cenon (@iamryzacenon) December 28, 2018
Mukha bang ako????? pic.twitter.com/BIKTZekj9m
— Ryza Cenon (@iamryzacenon) December 28, 2018
Pagkatapos ay kinondena ni Ryza ang umano'y pambu-bully sa kanya ng fans ni Maine, gayong mali ang impormasyong nakalap ng mga ito.
I will not ignore that kind of mentality. Unfair sa mga taong nananahimik tapos idadamay pangalan mo sa hindi mo ginawa. No!!! That’s bullying!! #notobullying
— Ryza Cenon (@iamryzacenon) December 28, 2018
Yes kailangan nyang malaman. Concern ako sa kanya kasi dapat ang mga fans alam nila dapat ang ginagawa nila dahil bawat bash nila sa ibang tao nag rereflect sa idolo nila yun. At para mapagsabihan din nya. @mainedcm https://t.co/xclXESPhS3
— Ryza Cenon (@iamryzacenon) December 28, 2018
Mas tanga ka isa ka ba sa mga fans na nagpapanggap? https://t.co/TdpMAWxxfc
— Ryza Cenon (@iamryzacenon) December 28, 2018
Ayon pa kay Ryza, ipinarating na rin niya sa co-star niyang si Maine ang saloobin niya hinggil sa maling akusasyon ng ibang fans nito.
Aminado raw si Ryza na hindi lahat ng fans ni Maine ay dawit sa isyu.
Pero paalala ng Kapamilya actress, hindi dapat basta na lang mam-bash ang fans dahil sa kung anumang isyu na kinasasangkutan ng idolo nila, lalo na kung wala naman itong basehan.
Alam ko sinabi sakin ni maine. Kaya nag sasalita rin ako in behalf of maine. Hindi ako basta pumapatol sa mga bashers pero para kailangan ko ata rin magsalita. https://t.co/ft7POBbWXD
— Ryza Cenon (@iamryzacenon) December 28, 2018
Yes part ng pagiging artista ang magbigay ng reviews sa ginagawa naming trabaho. Pero sirain ka at sisihin ka sa hindi mo ginawa hindi part yun ng pagiging artist dear paninirang puro yun magkaiba yun. Wala kang alam kasi wala ka sa lugar namin. https://t.co/cbkUR0TVM9
— Ryza Cenon (@iamryzacenon) December 28, 2018
Kaya dapat sa mga totoong fans maging careful kayo sa bawat salitang sinasabi nyo at sa mga demands na gusto nyo dahil hindi lahat mabibigay sa inyo. At kung mahal nyo mga idolo nyo matuto kayo rumespeto sa ano ang nakikita nyo good side lagi ang tingnan nyo. https://t.co/SzJwZSQAUw
— Ryza Cenon (@iamryzacenon) December 28, 2018