Kim Chiu gets cozy with boyfriend Xian Lim in China

IMAGE @xianlimm Instagram

Real-life couple Kim Chiu and Xian Lim celebrate New Year together in Xi'an China.


Magkasamang sinalubong ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim ang bagong taon sa Xi'an, China.

Noon lamang Nobyembre inamin ni Kim na matagal na silang magkarelasyon ni Xian, kaya mas maraming netizens ang kinilig na makitang magkasama ang dalawa sa kanilang bakasyon.

Base sa kanyang Instagram post noong December 30, ipinamalas ni Kim na sobrang enjoy siya kasama ni Xian na naglilibot at kumakain ng street food sa China.

Ang maiksing caption ni Kim, "collecting memories in CN @xianlimm."

View this post on Instagram

collecting memories in ???????? @xianlimm

A post shared by Kim Chiu ???? (@chinitaprincess) on

Sa hiwalay namang post ni Xian kahapon, December 31, sinabi nitong madaling mahalin si Kim, lalo na at sadyang masayahin ang personalidad ng aktres.

Ani Xian, "Loving you, is such an easy thing to do... [heart emoji] @chinitaprincess"

Kalakip nito ang ilang litrato nina Xian at Kim sa kanilang pamamasyal sa China.

View this post on Instagram

Loving you, is such an easy thing to do...?? @chinitaprincess

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

Sina Kim at Xian o KimXi ay naging perennial love team mula nang magkatrabaho sila sa ABS-CBN prime-time series na My Binondo Girl (2011) hanggang sa The Story of Us (2016).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkatambal din sila sa ilang pelikula, tulad ng Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo (2013), Bride For Rent (2014), Past Tense (2014), at All You Need is Pag-ibig (2015).

Sa loob ng panahong ito ay naging usap-usapan ang pagkakamabutihan ng dalawa.

Madalas makitaan ng kilig gestures si Xian kay Kim, lalo na kapag yayayain niyang maging date ang aktres sa Star Magic Ball. 

Noong 2017 holiday break, sweet na sweet ang dalawa nang magbakasyon sa Finland upang masaksihan ang tanyag na Northern Lights doon.

Pagsapit ng January 2018, ibinahagi ni Xian ang kilig video nila ni Kim na kuha mula sa kanilang Euro trip, kung saan may kuha ang aktor na hinagkan ang aktres sa noo.

Pinaniniwaalan ng netizens at maging ng online news sites na naglathala ng video na senyales iyon na magkarelasyon na sina Kim at Xian.

Pero tikom ang bibig ng dalawa, hanggang sa nitong November 2018 ay inamin na sa wakas ng aktres na sila na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Kim Chiu finally confirms relationship with Xian Lim
Kim Chiu finally confirms relationship with Xian Lim
Kim Chiu does not consider Xian her one great love yet
Kim Chiu does not consider Xian her one great love yet
Xian still not clear about relationship status with Kim
Xian still not clear about relationship status with Kim
Xian Lim posts sweet video with Kim Chiu from Euro trip
Xian Lim posts sweet video with Kim Chiu from Euro trip


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN