Miss Universe 2018 Catriona Gray, Sam Milby sighting coincidental, says talent manager

IMAGE Noel Orsal / Facebook (Miss Universe) / Twitter (CTTO)

Netizens are speculating about photos and video of Sam Milby (left) and Miss Universe 2018 Catriona Gray (center) that made the rounds online. Talent manager explains why the two were spotted together during the recent holiday break. 


Kumpirmadong sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at ABS-CBN star Sam Milby ang magkasama sa mga kumakalat na larawan at video sa social media, pero “coincidence” lamang ang nasabing pagkikita ng dalawa.

Ito ang paliwanag ni Erickson Raymundo, president ng Cornerstone Entertainment Inc., ang talent management arm na kinabibilangan ni Sam.

Nag-ugat ang isyu nang nakunan ng isang netizen sina Catriona at Sam na magkasama sa isang hindi natukoy na lugar kamakailan.

Ipinost ng netizen ang photo at video ng dalawa sa Twitter, at ni-repost naman ito ng isang online gossip site.

Nakasuot ng face mask at pulang sweater si Catriona, habang gray T-shirt ang suot ni Sam at may cap.

Makikita rin sa naturang photos at video ang ama ni Catriona na si Ian Gray.

Bunsod nito, may netizens na nagbigay ng kulay at kumuwestiyon sa naturang pagkikita nina Catriona at Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Photo from Twitter (Credit to the owner)
 IMAGE Photo from Twitter (Credit to the owner)

WHAT REALLY HAPPENED

Nitong Miyerkules, January 3, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Erickson upang hingan siya ng opisyal na pahayag hinggil sa isyu.

Nagpadala si Erickson ng statement sa PEP.ph via Facebok Messenger.

Ayon sa talent manager, pareho siyang kunektado kina Sam at Catriona, na kabilang sa piling guests na inimbitahan niya sa kanyang pag-aaring farm sa Tanay, Rizal.

Personal daw na inimbitahan ni Erickson si Catriona at pamilya nito. 

Inimbitahan din daw niya si Sam dahil libre ang aktor sa taping nito sa ABS-CBN prime-time teleserye na Halik.

Bukod kina Sam at Catriona ay may ilan pang mga malapit kay Erickson ang imbitado sa private get-together na iyon.

"During a very brief break from her stay here in Manila I invited Ms. Catriona Gray and her family to visit our farm in Tanay as I have promised them even before the Miss Universe Pageant," pahayag ni Erickson.

"I also invited one of my talents, Sam Milby, on the same day since it happened to fall on his free day from shooting so he can see personally the gift I gave him from the farm early on as a Christmas gift. I also invited other friends."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw dapat bigyan ng kulay ang sighting kina Sam at Catriona.

Dagdag pa ng talent manager, "It was a good coincidence since both personalities are good acquaintances and happened to go to the same church and belong in the same bible study group."

CATRIONA'S BUSINESS MANAGER

Ipinaliwanag din ni Erickson ang koneksyon niya kay Catriona, ang ika-apat na Filipina Miss Universe.

"I would also like to note that Cornerstone Entertainment Inc is helping Catriona with her music. We officially released her single for Young Focus under our label before she left for Thailand to compete in the pageant."

Naganap ang 67th Miss Universe pageant sa Bangkok, Thailand, noong December 17, 2018.

Saad pa ni Erickson, "Her visit in the farm was my personal treat for her before she fulfills her upcoming duties in New York."

Bilang Miss Universe, si Catriona ay under management ng IMG talent Agency, na siya ring may-ari ng Miss Universe Organization.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero locally, ang mga transaksyon, projects, endorsement deals, at inquiries para kay Catriona ay dumadaan sa management ni Erickson.

"We are closely working with Miss Universe Organization for any inquiries and projects because she [Catriona] will be handled by IMG during her reign," pahayag pa ng talent manager.


Stories We Are Tracking

Catriona Gray is Miss Universe!
Catriona Gray is Miss Universe!
Janine says Catriona is
Janine says Catriona is "most prepared" Miss Philippines


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN