Tony Labrusca in hot water after alleged shouting, cursing incident with immigration officers

Tony Labrusca is now in hot water after allegedly shouting and cursing in front of Immigration Officers at the NAIA Terminal 1.  The Kapamilya actor was supposed to be demanding that he be given a Balik Bayan Visa, even if he was not qualified.


Ibinunyag ng isang netizen ang diumano'y paninigaw at pagmumura ng ABS-CBN actor na si Tony Labrusca sa harap ng Immigration Officers sa NAIA Terminal 1.

Base sa Facebook post ng netizen ngayong Huwebes, January 3, isa siya sa Immigration Officers na nakasaksi sa pag-eeskandalo umano ng aktor.

Habang isinusulat ang balitang ito, hinihintay pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang permiso ng netizen kung maaari siyang mapangalanan.

Kalakip ng Facebook post ng netizen ang screenshot ng Twitter post ni Tony, na tila kinukuwestiyon kung bakit 30 days lang siyang pinayagang manatili sa bansa. 

Tweet ng Kapamilya actor: “Just landed in Manila and the Philippine immigration only gave me 30 days here . LOL . k”  

Wala nang ibang paliwanag na ginawa si Tony.

Burado na rin ang naturang tweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IMMIGRATION OFFICER'S VERSION

Matapos ipakita ang kopya ng hinaing ni Tony sa Twitter, inilahad ng netizen sa kanyang Facebook post ang diumano’y insidente sa pagitan ni Tony at ng Immigration Officers.

Depensa ng netizen, may basehan kung bakit hindi basta pinayagan magtagal si Tony sa bansa nang mahigit sa ibinigay ditong 30 days.

Post ng netizen patungkol sa aktor (published as is): "You don't have a Philippine passport, not even born in the Philippines, and not travelling with filipino parents, but you want the same treatment as the other former filipinos.

"You even shouted and cursed at my supervisor, bragging that you're a celebrity. 

"Ang galing mo talaga umeksena, hindi ka na nahiya sa ibang tao. Sigaw ka nang sigaw sa harap ng officers 

"Boo!"

Base pa rin sa paglalahad ng netizen, tila idiniin ni Tony na kailangan nito ng mas mahabang panahon sa bansa dahil sa work commitments bilang artista.

"The funny thing is, you were so proud to brag that you work here when you're only suppose to be a tourist here in the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos mai ganito ka pa na post. Palakpakan!

"For your info, Balikbayan visa is not a working visa.

"Nakakahiya ka. Period.”

Sa comment section, may isa pang saksi sa insidente ang naghayag at nag-quote sa diumano'y pagmumura sa kanya ni Tony, na tinawag niyang "arrogant US Citizen." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph sa nagkomento via Facebook messenger.

Sumagot ang netizen at nagpakilalang siya ang Immigration Supervisor na sinigawan umano ni Tony.

Tumanggi ang officer na mapangalanan, pero nagbigay siya ng detalye hinggil sa insidente.

Dinepensahan ng Immigration Supervisor ang Facebook post at comments ng kanyang mga tauhan sa Immigration. 

Aniya, ang kanyang mga kasamahan “reacted lang kasi doon sa fan comments and his [Tony] gall to tweet considering the way he acted this morning.”

Kinumpirma ng Immigration Supervisor sa PEP.ph na lumapag si Tony sa NAIA Terminal 1, sakay ng PAL-Canadian flight, nitong Huwebes ng umaga.

Sabi nito, "He was referred by the primary immigration officer. Witnessed by other immigration officers and passengers." 

Pinatotohanan din ng Immigration Supervisor na binigyan lamang talaga ng 30 days si Tony dahil “a[s] tourist status na yun lang yun dapat na status niya talaga."

Pero hindi raw ito ikinasiya ng aktor.

Paliwanag pa ng Immigration Supervisor, nagde-demand si Tony ng Balikbayan Visa, o kilala rin sa tawag na Balikbayan Program.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He was vehemently demanding for this status this morning.

"The Balik Bayan Visa (RA6768) is a 1 year free visa upon arrival.

"It is a privilege for FORMER filipinos and their direct alien national family members (spouse and children) accompanying them.

"PRIVILEGE, NOT A RIGHT. — This is only given if the said ‘foreigner’ is traveling w/ his parents who’re former Filipinos or are still Filipino citizens."

Hindi raw akma ang Balik Bayan Visa sa kaso ni Tony dahil mag-isang dumating ang aktor mula sa Canada.

"He was traveling with neither of his parents this morning.

"He is a US citizen holding of course a US passport. Not even a dual citizen."

Dagdag ng Immigration Supervisor, "Ayusin na lang sana yun status niya w/ our country – that was what I was trying to explain to him.

"He is after all ‘still a foreigner’ obviously working in the Philippines w/o a proper visa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon na rin daw "pending immigration investigation" sa insidenteng kinasangkutan ni Tony.

Sa pananaliksik ng PEP.ph, nakasaad sa website ng Bureau of Immigration ang pribilehiyong naibibigay sa mga Filipino na maituturing na Balikbayan.

Sabi rito: "Those who are admitted as Balikbayans are given an initial stay of one (1) year.

"They may extend their stay for another one (1), two (2) or six (6) months provided that they present their valid passport and filled out the visa extension form and submit it to the Visa Extension Section in the BI Main Office or any BI Offices nationwide.

"An additional requirement will be asked for Balikbayans who have stayed in the Philippines after thirty six (36) months.”

Nakasaad din dito na ang isang foreigner spouse o anak ng isang Balikbayan ay hindi maaaring bigyan ng pribilehiyong ito kung mag-isa lamang itong dumating sa Pilipinas.

"A foreign national spouse and/or child of a Balikbayan may only be given the said privilege if he/she is traveling with his/her Balikbayan spouse or parent," ayon pa rin sa website. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BOOM LABRUSCA ASKS FOR DISPENSA

Samantala, gumawa na ng hakbang ang ama ni Tony na si Boom Labrusca upang mamagitan sa sitwasyon.

Sa comments section ng Facebook post ng Immigration officer na nagreklamo kay Tony, mababasa ang ang pahayag ni Boom hinggil sa kontrobersiya.

Humihingi si Boom ng dispensa sa insidenteng kinasangkutan ng anak.

Kinunan din ng PEP.ph, via Facebook Messenger, ng opisyal na pahayag si Boom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito kinumpirma ni Boom na nakipag-ugnayan na siya sa Immigration Officer na naglahad sa Facebook ng ginawang paninigaw umano ni Tony sa airport.

Ulit ni Boom, humingi siya ng sorry hinggil sa insidenteng iyon.

Nagpadala na rin daw siya ng mensahe sa Immigration Officer, pero hindi na idinetalye ni Boom kung ano pa ang sinabi niya rito.

Giit pa ni Boom, nais din niyang marinig ang bersyon ng anak.

"Pero kausap kopa lang si tony now ... so hangat hindi kopa alam buo talaga hindi pa ako makapag comment,” mensahe ni Boom sa PEP.ph.

"Need to hear all sides of the story. Im sure misunderstanding lang yan."

Sa huli, may hiwalay na Facebook post si Boom kung saan ipinahiwatig nitong nadadaan sa maayos na usapan ang anumang sigalot. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TONY LABRUSCA'S BACKGROUND

Si Tony ay anak ni Boom sa dating girlfriend na si Angel Jones na isa ring celebrity.

Lumaki sa U.S. at Canada si Tony kasama ang ina at ang bagong pamilya ng ina.

Umuwi sa Pilipinas si Tony noong 2016 at sumali sa reality-based singing search ng ABS-CBN na Pinoy Boyband Superstar.

Nakarating sa grand finals si Tony subalit hindi pinalad na makasama sa limang nanalo.

Gayunpaman, ito ang nagsilbing break ng binata para makakuha ng projects.

Pinakamalaking proyekto niya ang prime-time teleseryeng La Luna Sangre, kung saan nakasama niya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Noong November 2018, umingay ang pangalan ni Tony dahil sa Glorious, ang digital movie niya kasama si Angel Aquino.

May upcoming teleserye rin si Tony na pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Bela Padilla, ang Mea Culpa.

Ilalathala agad ng PEP.ph ang panig ni Boom at anak na si Tony oras na magbigay sila ng pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close