Kris Aquino to Nicko Falcis: "Hindi na ako galit sa 'yo, pero harapin mo naman lahat ng kaso mo."

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Kris Aquino says she has forgiven Nicko Falcis but wants the latter to face the cases filed by the actress-host against him.


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Nagbigay ng pahayag si Kris Aquino, 47, kaugnay ng isyung kinasasangkutan niya kasama ang finance whiz na si Nicko Falcis, 35.

Si Nicko ang dating managing director ng digital company ni Kris, ang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Tumayo rin si Nicko bilang talent agent at endorsement closer ng actress/host/web star sa loob ng isa’t kalahating taon.

October 12, 2018 nang sampahan ni Kris ng 44 counts of Qualified Theft si Nicko dahil sa paggamit ni Nicko ng KCAP credit card, nang wala diumanong pahintulot ni Kris, upang bayaran ang personal expenses nito at umabot ng PHP1.2 million.

Kamakalawa ay pinanumpaan ni Nicko ang kanyang Counter-Affidavit.

Nauna na niya itong isinumite noong December 17, 2018 sa mga siyudad ng Pasig at Taguig.

Ang Complaint-Affidavit ni Nicko ay bilang sagot sa 44 counts of Qualified Theft complaint na inihain ng aktres sa pitong siyudad sa Metro Manila.

Ang pitong siyudad na ito ay ang Quezon City, Taguig, Manila, Pasig, Mandaluyong, Makati, at San Juan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Nicko, “false, baseless and malicious” ang isinampa sa kanya ng actress/host/web star.

Nitong Biyernes, January 4, nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang personal statement ni Nicko, at dito ay ibinunyag niyang pinagbantaan ni Kris ang kanyang buhay.


Stories We Are Tracking

Falcis details alleged threat from Kris to snuff his life
Falcis details alleged threat from Kris to snuff his life
Kris Aquino sues Atty. Jesus Falcis for cyberlibel
Kris Aquino sues Atty. Jesus Falcis for cyberlibel
Kris Aquino, Nicko Falcis take word war to social media
Kris Aquino, Nicko Falcis take word war to social media
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis:
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis: "Sino nagsabi?"

INSTAGRAM LIVE SESSION

Ngayong Sabado ng gabi, January 5, nag-imbita ang grupo ni Kris ng ilang piling entertainment press sa kanyang tahanan sa Quezon City upang masaksihan ang Instagram Live session na pinamunuan niya kasama ang kanyang mga abogado.

Dito nagbigay ng mahabang pahayag si Kris, kabilang ang mensahe niya para kay Nicko at ang kalagayan ng kanyang kalusugan.

Isa sa mahabang tinalakay ni Kris ay ang  estado ng kanyang kalusugan.

Ayon kay Kris, dahil sa paglalahad ng kanyang mga karamdaman ay may limang endorsements ang maaaring mawala sa kanya.

“But I wanna tell the truth,” sambit niya.

Noong 2018, naging sunud-sunod ang posts ni Kris sa social media tungkol sa problemang pinansiyal dahil sa panloloko sa kanya ng "financial abuser" na ninakawan diumano siya ng malaking halaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin ni Kris, nagkaroon ng malaking epekto sa kanyang kalusugan ang problema niyang ito.

Ito raw ang dahilan kung bakit kinailangan niyang lumipad sa ibang bansa upang masuri nang mabuti ang mga nararamdaman niya sa katawan.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino reveals she has chronic spontaneous urticaria
Kris Aquino reveals she has chronic spontaneous urticaria
Kris slams
Kris slams "delaying tactics" of man she accused of theft
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint

HEALTH ISSUES

Sa kanyang IG Live session, sinabi ni Kris na inabisuhan daw siya ng kanyang abugadong si Sig Fortun ng magiging epekto ng pagsasabi ng totoo tungkol sa estado ng kanyang kalusugan.

Saad ng TV host-actress, “We had been so careful about what would be revealed… maraming mga warrants po iyan kasi guaranteed yung mga kontrata ng mga endorsements.

“Isa dun sa mga warrant na yun is a health warrant.

“I did not lie because at that time those contracts were signed, I did not know the extent of what I have.

"This is the truth."

Pagkatapos ay idinetalye ni Kris kung bakit nagmadali siyang lumipad patungong Singapore noong September 27, 2018.

Noong October 2, 2018 ay nagpatingin siya sa “allergy specialist, rheumatoid specialist, and immunologist” sa Singapore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtataglay raw si Kris ng senyales na posibleng isang uri ng lupus.

Inulit ni Kris na mayroon din siyang chronic spontaneous urticaria, na isang skin condition na nagdudulot ng matinding allergy.

“What saved me in Singapore was my kidney function was still okay.

“I’m allergic to every single medicine that can cure you or at least manage your symptoms kung may lupus ka.

“All my doctors are doing now is delaying it, they’re delaying the inevitable,” sabi ni Kris, pero hindi tinukoy kung ano ang ibig niyang sabihin.

Patuloy niya, “And until now, yung mga kapatid ko, hindi matanggap.

“Pinakiusapan ko lang sila, ‘Please don’t make it harder for me because the boys have to be assured na come what may, meron silang matatakbuhan.’”

Dagdag pa ni Kris, “Alam niyo yun, e. I’m an imperfect person but I tried to be the best mom I can be.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Kris, mayroon din siyang fibromyalgia, isang long-term condition na nagdudulot ng sakit sa buong katawan.

“Those were the days na hindi nakakatayo tatlo, apat na araw,” sabi niya.

“I would like to thank the people around here because of the absolute loyalty they have shown, because they knew about those days.

“But we kept it quiet because gusto ko pang mag-ipon para sa mga anak ko.”

Kailangan daw niyang mag-ipon lalo pa’t ang kanyang panganay na si Josh ay isang “special child and he needs that for the rest of his life.”

Pahayag pa niya, “Nakakahiya na ang dalawang bata minsan kulang na lang buhatin nila ang nanay nila para makatayo, para pumunta sa banyo.”

Sa kabila raw ng pangambang mawalan siya ng endorsements, nagsalita pa rin si Kris sa tunay na estado ng kanyang kalusugan dahil gusto niyang maging proud sa kanya ang mga anak.

“Sobrang laking risk ang ginawa ko ngayon na umamin sa mga sakit kung anong meron ako dahil may limang kontrata na ready na for a signature and they can all back out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I have to do this.

“I’m doing this because it’s not the money.

“It’s my credibility, and I want my sons to be able to say they were proud of their mother.”

ISSUE ON RUNNING FOR PUBLIC OFFICE

Bahagya ring tinalakay ni Kris ang hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa posibilidad na pagtakbo bilang isang public servant balang araw.

Isa ito sa mga isyung laging itinatanong sa kanya.

Pero dahil sa kanyang mga karamdaman, hindi raw ito posible.

“Unfortunately, yung inisip na career sa 2022 na sabi ko, ‘Yun ata ang panahon para mag-public service.’ I’m allergic to everything in the environment. Bawal sa akin ang puno.

“Weird po. Lumabas po lahat ‘yan sa Singapore, ganun ka-thorough.

“Bawal sa akin ang anything above 33 degrees Celsius, kailangan po umalis na... the dry weather and the pollen will make that urticaria come out.”

Ang kanyang karamdaman daw ay hindi lamang simpleng kaso ng allergy kundi maaaring maging mitsa ng kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sasabihin, 'Ang arte naman, rashes lang.' Hindi po. Naninikip po ang lalamunan.

"Ang ibig sabihin nun, hindi na nakakahinga, so I am one fatal allergic reaction away from anaphylactic shock.”

Ibig sabihin ng anaphylactic shock ay nakamamatay na allergic reaction.

Sabi ni Kris, hindi pa rin bumabalik ang dating timbang niya.

Mayroon daw siyang thyroid disorder.

Kung siya raw ang masusunod, ayaw niyang sabihin ito dahil nangangahulugang kailangang bitawan niya ang isang endorsement na pinangalagaan niya sa loob ng 15 taon.

Dahil daw sa kanyang mga karamdaman ay nakaramdam ng galit si Kris.

“Nagalit po talaga ako. Kasi ang pakiramdam ko, kukunin ako sa mga anak ko.”

Inamin ni Kris na mayroon daw siyang bukol sa leeg at kailangan niyang lumipad ngayong January 6, Linggo, papuntang Singapore para sa PET (positron emission tomography) scan.

“Kasi po I have not gained back the weight. It has not been easy. I have hypertension.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MESSAGE FOR NICKO

Paglilinaw ni Kris, hindi siya humihingi ng simpatiya sa kabila ng paglalahad ng kanyang mga karamdaman.

“Hindi ako humihingi ng awa sa inyo, because God has been really good to me.

“Every single dream I had from the time I was two years old, ibinigay Niya.

“Pero nanay ako, e, I just want to be alive for the two [sons].

“I even said kunin na lahat ito, bigay lang ako sa kanila.”

Sa puntong ito ay binanggit ni Kris ang pangalan ni Nicko Falcis.

Aniya, “At yun siguro ang hindi maintindihan ni Nicko.

“Alam kong may masasakit akong nasabi sa kanya, pero sobrang sakit na alam mo hindi ka sigurado ilang araw, ilang taon, kung ilang buwan ang ibibigay sa ‘yo na magiging nanay ka pa.

“You can hate me for everything, but those two boys love me unconditionally and I would do everything just to reassure them na lahat gagawin ni Kris Aquino para si Josh at si Bimby, may nanay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay rin ng mensahe si Kris kay Nicko:

“Hindi na ako galit sa ‘yo, Nicko, pero harapin mo naman lahat ng kaso mo. Yun lang.

“I did not lie. I don’t want to die being accused as a liar.”

Sa isang punto ng kanyang pagsasalita, nabanggit din ni Kris na ipinagdasal niyang handa siyang magpatawad basta’t makasama lang niya nang matagal ang kanyang mga anak.

“There’s this church I really love in Japan. Iniwan ko dun talaga lahat.

“Nung nagdasal ako talaga, and this was for Christmas, I said dun sa mass na I just want to be alive 'til my son turns 18,” pagtukoy ni Kris sa binsong anak na si Bimby, na ngayon ay 11 anyos.

“And I’ll forgive. I can move on and all the lies they spread about me, kaya kong burahin.

“All I ask for, please, God, bigay mo lang sa ‘kin talaga na abutan kong 18 years old ang anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Kris na alam niyang may mga taong pagdududahan siya sa kanyang mga sinasabi dahil isa siyang artista.

“Alam ko na, e… na maririnig ko na, ‘Artista ‘yan kaya ganyan…’ Can I just get it out of my chest?”

Dalawang linggo raw mawawala si Kris para sa kanyang pagpapatingin sa Singapore.

“I’m leaving tomorrow. We will be gone for 14 days."

Makahulugan pa niyang pahayag, “I just want seven years.

“I don’t know if that’s asking for too much, but I just want that boy upstairs to be 18 para adult na siya.”

KRIS’S LAWYER QUESTIONS NICKO’S CLAIMS

Samantala, kinuwestiyon naman ng abogado ni Kris na si Sig Fortun ang mga pahayag ni Nicko sa inilabas niya sa kanyang Counter-Affidavit.

Isa na rito ang tinatayang PHP20 milyong komisyon ni Nicko na hindi pa nababayaran diumano ni Kris.

Ang komisyon daw na ito ay mula sa mga endorsement deals at talent contracts na naisara ni Nicko para kay Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Nicko na may pagbabanta si Kris sa kanyang buhay.

Ani Atty. Fortun sa IG Live session nitong Sabado, bakit ngayon lang lumalantad si Nicko sa kanyang claims hinggil sa utang ni Kris sa kanya at diumano'y pagbabanta ng TV host-actress sa kanyang buhay.

Katuwiran ni Atty. Fortun, September pa lamang ay nakikipag-usap na sila sa kampo ni Nicko, subalit hindi binanggit ang dalawang isyung ito.

“As early as that time, kung meron siyang claim na ganun, dapat yung kapatid at yung abogado niya mismo ang nagsabi sana na…

"E, wala pa namang kaso noong panahon na yun, September 27. At walang nag-pressure sa kanila na hindi magsalita.

"Sa halip, ang ginawa nila, yun ang tinatawag ng mga abogado na delaying tactics,” lahad ng abogado ni Kris.

Diin ni Atty. Fortun, “Kung merong threat sa iyo, ang gagawin mo lang, mag-e-execute ka lang ng affidavit, sabihin mo lang kung sino yung nagtatakot sa iyo at ipa-blotter mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dalhin mo lang sa closest police station, i-blotter mo na si Kris Aquino. E, tinatakot ka o tinakot ka, o pinagbantaan ka.

“E, wala namang ganun.

"Kahit yung kapatid niyang babae at ang kanyang abogado na kasama namin, kausap namin during all the preliminary investigations.

"Wala namang binabanggit na utang, pananakot o kahit ano pa man na ginagamit na yun.

“At bakit ngayon lang niya nilalabas ang depensa, nung napagsarhan na siya ng investigation, kasi lahat ng kaso nasumite na."


Stories We Are Tracking

Falcis calls Kris complaint
Falcis calls Kris complaint "false, baseless and malicious"
Nicko claims Kris owes him PHP20M in unpaid commissions
Nicko claims Kris owes him PHP20M in unpaid commissions
Falcis details alleged threat from Kris to snuff his life
Falcis details alleged threat from Kris to snuff his life


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN