Kris Aquino reacts to Gretchen Barretto siding with Nicko Falcis

IMAGE @krisaquino / @juansarte on Instagram

Kris Aquino (left) remains "chill" after Gretchen Barretto (right) showed support for her ex-business partner Nicko Falcis.


Nagpahayag ng reaksyon si Kris Aquino tungkol sa pagpakita ng suporta ni Gretchen Barretto kay Nicko Falcis.

Si Nicko ang ang dating managing director ng digital company ni Kris na Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) na sinampahan ng TV host/actress ng 44 counts ng Qualified Theft noong nakaraang October 12, 2018.

Ang 35-year-old finance whiz din ang nagsilbing talent manager at endorsement closer ni Kris sa loob ng 18 months.

Kahapon, January 5, ipinost ni Gretchen sa kanyang Instagram account ang isang artikulo mula sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naglalaman ng official statement ni Nicko.

Sa kanyang post, napabilib si Gretchen sa katapangang ipinakita ni Nicko sa pagpursige niyang linisin ang kanyang pangalan sa kabila ng banta sa kanyang buhay.

READ: Gretchen Barretto shows support for Nicko Falcis amid his rift with Kris Aquino

Sa comments section ng isang post ni Kris sa Instagram kahapon, January 5, sinagot nito ang follower niyang may handle name na @aishteru_kyoskite na nagbanggit ng nasabing isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Kris, dedma na lang siya sa komento ni Gretchen bilang pasasalamat sa pangangapanya nito para sa kanyang ina, ang yumaong dating presidente na si Cory Aquino, noong 1986.

Sa huli, pinayuhan ni Kris ang kanyang Instagram follower na kumalma lang at huwag nang palakihin pa ang isyu.

Komento ni Kris, "@aishteru_kyoskite in this issue i shall choose to look back on the year 1986.

"@gretchenbarretto may dislike me now, but she campaigned for my mom against the Marcoses.

"Dedma na sa pagtingin nya sa kin. i have stated this time & again- i can look beyond insults against me because it’s part of the territory.

"But if my mother was treated with respect and my sons weren’t hurt- i am chill. So if i can be chill, maybe all of you should be too? [smiley emoji]"


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN