Nicko Falcis thanks Gretchen Barretto for supporting him over Kris Aquino

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @nix722

Nicko Falcis on Gretchen Barretto's post supporting him: "Her act of posting this message in open support of my family and I, and against the seemingly formidable Aquino machinery, was a brave and bold move she made."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Ipinagpapasalamat ni Nicko Falcis ang pagpapakita ng suporta sa kanya ni Gretchen Barretto sa sigalot nila ni Kris Aquino.

Ayon kay Nicko, hindi sila magkakilala ni Gretchen kaya labis niyang ikinatuwa na may isang taong katulad ng dating aktres na nanindigan para sa kapakanan ng mga taong kagaya niya.

Sa Instagram post ni Nicko kagabi, January 7, sinabi niyang isang “brave and bold move” ang ginawa ni Gretchen laban sa makinarya ng mga Aquino.

Aniya, “Thank you, Ms Gretchen Barreto for your post. 

“Her act of posting this message in open support of my family and I, and against the seemingly formidable Aquino machinery, was a brave and bold move she made.

“We do not know each other so this is such a blessing, along with thousands of well-meaning messages of strength and support from random people.

“I've read her other posts here and there, and seen her YT [YouTube] videos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She is intelligent, refined and articulate but I never thought that she would be capable of going out of her comfort zone to write such a post.

“Salamat po! No to bullies! No to power tripping!”

“STOP POWER TRIPPING”

Noong January 5, ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram ang screenshot ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) article tungkol sa banta diumano ni Kris laban sa dati niyang financial adviser at business partner na si Nicko.

Ang titulo ng artikulo na inilathala ng PEP.ph ay “Nicko Falcis swears Kris Aquino said: 'PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO'” na nailathala naman noong Biyernes, January 4.

Sabi ni Gretchen, naaawa siya kay Nicko sa kanyang mga pinagdaanan.

Mensahe niya sa caption, “I feel for mr. Nicko Falcis after reading this article. I salute him for his courage to speak the truth, fight for his family name & reputation inspite of the threat to his life No to bullies!!!! STOP POWER TRIPPING”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi tuwirang pinangalanan ni Gretchen si Kris na “bully” at “power tripper,” pero lumalabas na patama niya ito sa kamag-anak ng kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco.

Hindi naman na pinatulan ni Kris ang komento ni Gretchen.

Nag-ugat ang alitan nina Kris at Nicko—dating managing director ng digital company ni Kris at tumayo rin bilang talent agent at endorsement closer ng actress/host/web star—dahil sa diumano’y hindi awtorisadong paggamit ng huli sa credit card ng kumpanya para ibayad sa mga personal nitong gastusin.

Umabot daw ang nagastos ni Nicko ng PHP1,270,980.31 kaya sinampahan siya ni Kris ng mga reklamong Qualified Theft at Violation of Republic Act No. 8484.

Humihingi si Kris ng kabuuang danyos na PHP32.27 million.


Stories We Are Tracking

Gretchen shows support for Nicko amid his rift with Kris
Gretchen shows support for Nicko amid his rift with Kris
Falcis details alleged threat from Kris to snuff his life
Falcis details alleged threat from Kris to snuff his life
Kris to Nicko:
Kris to Nicko: "Harapin mo naman lahat ng kaso mo."
Kris reacts to Gretchen Barretto siding with Nicko Falcis
Kris reacts to Gretchen Barretto siding with Nicko Falcis


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN