Angelica Panganiban accuses netizens of ruining her good relationship with Carlo Aquino

IMAGE Noel Orsal

Angelica Panganiban blames netizens for her decision to avoid ex-boyfriend Carlo Aquino. "Maayos naman samahan namin. Sinira niyo lang. Sana masaya na kayo."


Hindi napigilan ni Angelica Panganiban maglabas ng sama ang loob via Twitter tungkol sa negatibong reaksiyon ng netizens sa kanya at kay Carlo Aquino.

Kahapon, January 9, pinatamaan ni Angelica ang netizens na bumabatikos sa kanya dahil sa madalas na pagpu-post tungkol sa ex-boyfriend na si Carlo.

Noong nakaraang taon, nabuhay muli ang tambalan nina Angelica at Carlo sa pelikula at TV.

Sabi ng supporters ni Carlo, 33, nadedehado raw ang aktor dahil lagi itong naba-bash sa pagpu-post ni Angelica, 32.

Bilang reaksiyon, sinabi ni Angelica sa kanyang Instagram post kahapon na hindi na siya magpu-post tungkol kay Carlo para sa kasiyahan ng fans ng aktor.

In-unfollow rin ni Angelica si Carlo.


Stories We Are Tracking

Angelica Panganiban unfollows Carlo Aquino on Instagram
Angelica Panganiban unfollows Carlo Aquino on Instagram

May mga tweet din si Angelica kaugnay ng paratang sa kanya ng netizens tungkol kay Carlo.

Depensa ng Kapamilya actress, maayos naman ang relasyon nila ng dating boyfriend.

Pero dahil sa netizens, iiwasan na raw niya ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGELICA IS HURT

Ngayong Huwebes ng madaling-araw, January 10, sunud-sunod ang madamdaming tweets ni Angelica sa desisyon niyang dumistansiya kay Carlo:

“Saan ba ko nag kulang? Pinapasok ko naman kayo sa buhay ko. Bakit kayo nananakit?

“Didistansya lang naman. Nababahiran na kasi ng ka-showbizan. Para sa ikakabuti na din ng lahat.”

Pinasalamatan naman ni Angelica ang mga nakauunawa sa kanya.

“Salamat. Salamat sa lakas ng loob sa panahong kinakailangan.

"Tao lang din ako. May pangangailangan din. Kaya. Salamat.”

Makahulugan pa niyang tweet: “Anong pinagkaiba ng bullies sa bashers? Gusto ko malaman. Para makatulog na ko... may trabaho na ko in a while eh...”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN