Mocha Uson found spreading unverified news content on Facebook, reports Rappler

IMAGE Cyrus Panganiban for YES!

Rappler Special Report October 2017 says that 555 out of 1,937 link posts shared by Mocha Uson in Facebook are from the dubious website Trending News Portal. Facebook has banned TNP: "This organization has repeatedly violated our misrepresentation and spam policies — including through coordinated inauthentic behavior, the use of fake accounts, leading people to ad farms, and selling access to Facebook Pages to artificially increase distribution and generate profit."


Minsan nang kinuwestiyon si Mocha Uson hinggil sa diumano'y pagpapalaganap nito ng maling impormasyon sa social media.

Kinuwestiyon na rin kung paano naging conflict of interest ito sa responsibilidad niya noong panahong nanungkulan siya bilang government official.

Si Mocha ay kilalang entertainer-turned-blogger na masugid na tagasuporta ni President Rodrigo Duterte.

Nagsilbi siya bilang Presidential Communications Operations Office (PCOO) assistant secretary mula May 8, 2017 hanggang sa nagbitiw siya sa puwesto noong October 3, 2018.

Nitong January 10, 2019, muling lumutang ang pangalan ni Mocha kaugnay ng Trending News Portal, isang dubious online source na mayroong "4.3 million" followers sa Facebook platform nito.

Kasabay ito nang pag-ban ng Facebook sa anumang Facebook accounts at pages na pinamamahalaan ng digital marketing group na Twinmark Media Enterprises, katulad ng Trending News Portal at Filipino Channel Online.

Ito ay sa dahilang makailang-beses na umanong nilabag ng mga dubious online sources na ito ang misrepresentation policies at spam policies ng sikat na social media platform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Facebook Head of Cybersecurity Policy Nathaniel Gleicher:

"Today we banned a digital marketing group in the Philippines — Twinmark Media Enterprises and all its subsidiaries — from Facebook.

"This organization has repeatedly violated our misrepresentation and spam policies — including through coordinated inauthentic behavior, the use of fake accounts, leading people to ad farms, and selling access to Facebook Pages to artificially increase distribution and generate profit.

"We do not want our services to be used for this type of behavior, nor do we want the group to be able to reestablish a presence on Facebook."

MOCHA'S TOP NEWS SOURCE

Hindi maiwasang maugnay ito kay Mocha dahil, noong October 2017 ay napag-alamang ang top news source nito ay ang trendingnewsportal.net.ph/tnp.ph. 

Base ito sa special report ng Rappler na may titulong "MOCHA USON: FAKE NEWS VICTIM OR FAKE NEWS PEDDLER"—may petsang October 21, 2017, at updated noong January 28, 2018.

Noong panahong iyon ay mayroong mahigit five million followers si Mocha sa kanyang Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasaad sa ulat ng Rappler na 555 out of 1,937 link posts na shinare ni Mocha sa kanyang Facebook account ay mula sa kahina-hinalang website na Trending News Portal.

Mayroon ding siyang 187 link posts mula sa verifiedph.blogspot.com at 182 link posts mula sa kingdomingo.blogspot.com.

Gayoong may kabuuan lamang na 244 link posts ang shinare ni Mocha mula sa lehitimong news organization websites—gaya ng Philstar, GMA, Philippine Daily Inquirer, CNN, Interaksyon, ABS-CBN, Manila Bulletin, Manila Times, Sunstar, at Time. 

Bilang government official si Mocha, nakuwestiyon ng Rappler ang kanyang sense of accountability sa pagpapalaganap ng unverified content.

Lalo pa't mismong Trending News Portal, na kanyang number one news source, ay may nakalathalang disclaimer na hindi nito magagarantiya na wasto, napapanahon, at kumpleto ang mga impormasyong nakasaad sa mga artikulo nito.

Nakasaad din sa Rappler report ang pitong insidente kung saan nag-repost si Mocha sa kanyang Facebook ng links ng mga balitang nilalapatan ng misleading o false headlines at naglalaman ng unverified content mula sa kahina-hinalang blog sites.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa nabanggit na halimbawa ay ang link post mula sa Trending News Portal na ibinahagi ni Mocha noong September 16, 2016.

Ang headline: "Lea Salonga Gave A Meaningful Message To All The Filipinos: Unite Behind Duterte!"

Bagamat mayroon ngang Facebook post noong September 2016 si Lea, inalmahan noon ni Lea ang maling konteksto ng pag-attribute sa kanyang post.

Sabi pa sa special report, "In fact, Salonga later clarified that she was speaking in general terms. In a couple of tweets, she said that her post was 'getting twisted' to fit a political agenda."

Hindi nabanggit ang eksaktong petsa kung kailan nasuspinde noon ang mismong website ng trendingnewsportal.net.ph/tnp.ph, pero nakasaad sa special report na hindi na accessible ang naturang "old website."

Kinalaunan ay muli itong lumutang bilang tnpmedia.com, na nito ngang January 10, 2019 ay kasama sa dubious online sites na banned na nang pamunuan ng Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SENATE HEARING ON FAKE NEWS

Bago pa man lumabas ang special report ng Rappler, nauna nang inimbitahan si Mocha sa Senado kaugnay ng imbestigasyon ng legislative body sa paglaganap ng fake news at misleading information sa social media.

Dito ay diretsahang sinabihan si Mocha na hindi nito maaaring ihiwalay ang kanyang pagiging blogger sa kanyang pagiging PCOO assistant secretary.

Ito ay sa kabila ng pagrason ni Mocha na personal na opinyon ang inilalathala niya sa kanyang political-related posts.

Depensa pa ni Mocha, siya rin ay naging "biktima" umano ng fake news.

Hindi naman ito pinalampas ng mga senador na nagpaalala sa kanyang responsibilidad niya ang huwag basta mag-post ng mga artikulong unverified ang content.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, na may petsang October 4, 2017, sinabihan si Mocha: "Ikaw may mga nabibiktima sa’yo. Nabiktima ako. Ikaw nabibiktima rin. Papaano? Dahil nagku-quote ka ng news galing sa fake news site.

"I would like you – from PCOO – especially you have a government post – to vet your sources. It doesn’t mean that if it’s published by a particular site that it would be reliable."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANOTHER SOCIAL MEDIA BLUNDER

Bago bumitiw sa puwesto si Mocha noong October 2018, isa sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya ay ang mainit na pagbatikos ng netizens sa kanyang offensive viral video tungkol sa federalism, na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account.

Makikita sa video si Mocha at online game show co-host niyang si Drew Oliver, na nagtsa-chant ng "i-pepe" at "i-dede," na may kasamang suggestive dance moves, para sa isang jingle na diumano'y naglalayong magbigay impormasyon sa publiko tungkol sa pederalismo.

Inalmahan ito ng netizens at pati na ng ilang showbiz personalities dahil, bukod sa suggestive tones ng jingle, ginawang katatawanan ang isang seryosong isyu.

Hindi na viewable ang naturang video sa Facebook account ni Mocha at press time.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN