Sharon Cuneta confident KC Concepcion and French boyfriend will end up together

IMAGE Noel Orsal / @itskcconcepcion on Instagram

Sharon Cuneta (left) says that whether daughter KC Concepcion and boyfriend Pierre Emmanuel Plassart (right photo) end up together or not, the French filmmaker is already part of their family.


Kumpiyansa si Sharon Cuneta, 53, na magkakatuluyan ang kanyang panganay na anak na si KC Concepcion, 33, at boyfriend nitong si Pierre Emmanuel Plassart, 36.

Sa kanyang Instagram live nitong January 13, Linggo, sinabi ng Megastar na magkatuluyan man o hindi sina KC at Pierre ay bahagi na ng pamilya nila ang French filmmaker.

Puring-puri ni Sharon ang pagiging magandang impluwensiya ni Pierre kay KC.

Pahayag niya: “KC and I are perfectly fine. I love my baby girl so much.

“Pierre has been such a great man and influence to KC and he’s really part of the family.

“Whether magkatuluyan sila o hindi, he’s already part of our family na.”

Gayunpaman, sa pakiwari raw ni Sharon ay magkakatuluyan ang dalawa.

“Pero feeling ko, mukha naman…” sabay tawa ni Sharon na tila kinikilig.

Dagdag niya, “Nagbalikan kasi, kaya they realized how much they missed each other.”

August 2018 nang ianunsiyo ni KC ang pagbabalikan nila ni Pierre.

Noong September 2018, ikinuwento ni Sharon sa Magandang Buhay na nag-break sina KC at Pierre limang taon na ang nakalilipas dahil sa distansiya ng mga kinaluluklukan nila.

Nitong December, bumisita sa Pilipinas si Pierre at ipinagdiwang ang Christmas at New Year kasama si KC at ang pamilya nito.

RECOVERING

Samantala, humingi ng paumanhin sa kanyang fans si Sharon dahil hindi na siya naging aktibo sa social media mula nung December.

Aniya, “I’m recovering from so much and preparing myself for so much more to come.

“I got sick, I’ve been so stressed and sad, a little bit sad... but I’m happy because we had a break from shooting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong ng Megastar, “Last year kasi parang dalawang taon isiniksik sa isang taon.

"I’m recovering from so much.”

Pero paniniyak niya, “I’ll be back to work soon.” 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN