Kris Aquino admits to being the woman speaking to Nicko Falcis in recorded phone call

IMAGE Rachelle Siazon

Kris Aquino on recorded phone call where she threatens Nicko Falcis's life: "So I started emotionally angry (rightly so because i just received an awful diagnosis) but ended still believing that justice shall prevail. Also sorry illegal recording inadmissible in court. Kung in any portion nasabi lang-i'm recording this- and that was clearly heard lusot na sana."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Sinagot na ni Kris Aquino ang akusasyon ni Nicko Falcis na pinagbantaan niya ang buhay nito.

Kaugnay ito ng kumakalat na audio recording ng phone conversation ng isang babaeng pinagbabantaan ang isang lalaki ng: "PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO."

READ: Audio recording ng pagbabanta diumano ni Kris Aquino kay Nicko Falcis, kumakalat na

Unang naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 4 ang official statement ni Nicko hinggil sa long-distance phone conversation nila ni Kris, September 27, 2018.

Sinabi ni Nicko rito na lubhang ikinatakot niya ang pagbabanta ni Kris.


Stories We Are Tracking

Falcis details alleged threat from Kris to snuff his life
Falcis details alleged threat from Kris to snuff his life
Kris Aquino to Nicko Falcis:
Kris Aquino to Nicko Falcis: "YOU WILL BE DEAD"
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis:
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis: "Sino nagsabi?"

Sa Instagram post ni Kris bandang 1 a.m., ngayong January 15, kinumpirma nitong siya nga at si Nicko ang magkausap sa kumakalat na audio recording.

Kasabay nito ay kinuwestiyon ni Kris kung bakit hindi siya pormal na sinampahan ni Nicko ng reklamong grave threat.

Sabi ni Kris (published as is): "i will state the date SEPTEMBER 27, 2018. it is now JANUARY 15, 2019.

"2 very straightforward questions- Why hasn’t Nicko Falcis filed a case of GRAVE THREATS against me with any prosecutor in October, November, December 2018, or this 1st half of January 2019?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"110 DAYS HAVE PASSED. i am ready to face whatever charges and vigorously defend myself in the court of law.

"2nd question: BAKIT HANGGANG NGAYON AYAW SAGUTIN KUNG NASAAN ANG ?40 MILLION INVESTMENT NA GALING SA TRUST FUND NG MGA ANAK KO?"

Narito ang kopya ng screenshot ng post ni Kris, na burado na at press time:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NETIZENS QUESTION KRIS

Umani ng magkahalong reaksiyon mula sa netizens ang post ni Kris.

Isang netizen ang naghayag ng duda sa diumano'y PHP40-million investment issue na ibinabato ngayon ni Kris kay Nicko.

Sabi ng netizen: "40 million Pero yung case that you file is just 1.2M? Why not file a case for that!

"Grave threats ... very clear from the video recording... you can't deny the audio recording.. the end of the so cAlled Queen."

Balik-sagot ni Kris: "because that was being settled by someone our family trusted. Talks were ongoing between his lawyer and ours... sorry to disappoint you but liars go down. 

"I didn't lie. Never denied. And di sila magaling mag edit eh- last line was You WILL BE JAILED.

"So I started emotionally angry (rightly so because i just received an awful diagnosis) but ended still believing that justice shall prevail.

"Also sorry illegal recording inadmissible in court. Kung in any portion nasabi lang-i'm recording this- and that was clearly heard lusot na sana."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang netizen ang kumuwestiyon sa pananakot at panggigipit ni Kris kay Nicko.

Sabi ng netizen: WOMAN UP MO MUKHA MO!!! IIYAK KA NA NAMAN? MAG FFB LIVE KA NA NAMAN? GAGAMITIN MO NANAMAN ANG MGA ANAK MO?

"DI KA NA NAHIYA, GINAGAMIT MO ANAK MO PARA MAPAGTAGKPAN YANG KA******* MO!! FOR SURE IKAHIHIYA KA NYANG SI BIMBY PAGTANDA NYA!

"KASI IMPAKTA KA!! MAMAMATAY TAO PA!!!"

Buwelta ni Kris: "buhay sya, hello??? [smiley] All caps but inaccurate accusation. Fake account pa- haaayyyyy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa namang netizen ang humamon kay Kris na diretsahan nang sagutin ang isyu ng pananakot, panggigipit, at pagbabanta na ibinabato ng accountant/brand marketing expert/financial whiz laban sa actress/TV host/web star.

"Ang hilig naman mag tanong ni madam. Kailan ka naman mag popost ng mga straight forward na sagot tungkol sa mga tanong sayo.

"Hindi 'papatayin kita' or 'mapapatay kita' kundi 'ipapapatay ka ng pamilya ko'. Hindi bugso ng damdamin yan. Parang totohanan na e. Ika nga ni madam hindi sya liar.

"Bigla ko naalala body guard ni glen chong. Hugot si madam"

Balik-sagot naman ni Kris: sasagot ako pag hindi na 0 posts 0 followers. Get some balls & you'll get answers- deal? [smiley]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRIS SUPPORTERS

Samantala, may mga netizens na dumepensa kay Kris.

Isang netizen ang sumang-ayon kay Kris na bugso lamang ng damdamin ang ginawa nitong pagbabanta sa buhay ni Nicko.

Pagtatanggol ng netizen kay Kris: "He did not file a case because he knows you cannot do it, na ipapatay sya.

"He knows you have a good heart and that it was only because you are so mad kaya mo nasabi yun.

"Ngayon lang sya nagpupuputak para matabunan the real issue."

Sagot ni Kris: "thank you for seeing the good in me... i try my best to find it when faced with evil."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng isa pang netizen: "Kung sinabi mo yon EH ANO NAMAN! lahat ng tao nakakakapag salita ng masama kapag GINAWAN TAYU NG MASAMA! LALO NA AT NINAKAWAN KA!"

Sagot ni Kris: "thank you."

Sinang-ayunan naman ni Kris ang komento ng isang netizen na nagsasabing "exagerrated" ang takot sa boses ni Nicko base sa audio recording ng pag-uusap nila ni Kris.

Ani Kris, "thank you for hearing what was so OBVIOUS! #truth"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpasalamat din si Kris sa isang netizen na naghayag ng suporta sa pagtatapat ng actress/TV host/web star hinggil sa kumalat na audio recording.

Sabi ni Kris: "di ko carry yung narcotics na user name-sorry ha... but yes even if it gets me in trouble i really speak my truth."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PHP40-M INVESTMENT ISSUE

Isa namang netizen ang nagbigay ng message of support sa pagsampa ni Kris ng reklamong 44 counts of qualified theft laban kay Nicko.

Humihingi si Kris nang halos PHP33M na danyos para rito.

"That's your hard earned money, fight for it for the welfare and future of josh and bim..God will be with u," saad ng isang netizen.

Sagot ni Kris: "and tax paid... now you understand why." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRIS BRINGS IN JAMES YAP P40M SETTLEMENT

Hindi raw maiwasan ni Kris na maalala ang financial settlement nila ng mister niyang si James Yap, matapos ng kontrobersiyal nilang hiwalayan noong 2010.

Opisyal na pinawalang-bisa ang kanilang kasal noong 2012. May isa silang anak, si Bimby, na dating tinatawag na Baby James.

Sabi ni Kris: "i don't mean to bring back the past pero ewan ko bakit P40M ulit. That was the settlement w/ bimb's dad. Pero yun WORTH IT because may Bimb. Sorry ha #hugot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong January 7, 2019, unang nabanggit ni Kris ang diumano'y "financial issue" nila ni Nicko.

Hindi raw maibigay ni Nicko ang hinihingi niyang financial report sa PHP40-million investment niya sa negosyo kung saan kasosyo niya ito.

Diretsahang sinagot naman ito ng Atty. Jesus "Jess" Falcis sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 8. 

Sabi ni Atty. Jess, "Walang nawala sa investment. Ang investment niya, nasa totoong buhay."

Ipinaliwanag ni Atty. Jess na may existing "physical store" at "physical product" ang food business, kung saan 35 percent ang pag-aaring shares ni Kris.

Hindi rin daw maintindihan ni Atty. Jess kung bakit pinapalutang ni Kris ang PHP40M investment nito, gayong wala raw itong kinalaman sa PHP1.2M credit card complaint ng actress/TV host/web star sa kanyang kapatid.

Sa panig ni Nicko, makailang-beses nitong mariing pinabulaanan ang reklamong pagnanakaw na ibinabato sa kanya ni Kris.

Ayon kay Nicko, ang pagdemanda sa kanya ni Kris ay bahagi lamang umano ng "script" upang sapilitan siyang pasunurin sa kagustuhan ng actress/TV host/web star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.


Stories We Are Tracking

Atty. Jess Falcis reacts to alleged Kris financial issue
Atty. Jess Falcis reacts to alleged Kris financial issue
Nicko Falcis:
Nicko Falcis: "Kris is the master of fabricating the truth"
Kris Aquino responds to Falcis claim about emotional baggage
Kris Aquino responds to Falcis claim about emotional baggage
Nicko says Kris made vulnerable by half-baked ABS homecoming
Nicko says Kris made vulnerable by half-baked ABS homecoming


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN