Angel Locsin on relationship with Neil Arce: "Iba pag secure sa pagkatao niya yung partner mo."

by James Patrick Anarcon
Jan 15, 2019
<p>Angel Locsin on her relationship with Neil Arce: "Wala kang itatago. Yung mga bagay na, before, natatakot akong gawin kasi alam mong magiging malaking issue, sa kanya, hindi."</p>
PHOTO/S: @neil_arce / @therealangellocsin on Instagram

Maituturing ni Angel Locsin na good influence sa kanya ang boyfriend na si Neil Arce.

Taong 2017 nang unang napabalita ang pagde-date nina Angel at Neil, subalit ayon sa aktres ay naging opisyal lang ang relasyon nila noong Pebrero 2018.

Isa raw si Neil sa mga dahilan kung bakit naging "better" ang 2018 para kay Angel.

Saad niya, "Isa siya sa mga instrument kung bakit naging better yung 2018 ko, expectedly.

"Iba kasi pag yung tao, he's very secured. 'Sige, gawin mo lang kung ano yung gusto mong gawin. Nandito lang ako kahit anong mangyari, mag-brat ka diyan.' Pero gets niya.

"Wala kang itatago. Yung mga bagay na, before, natatakot akong gawin kasi alam mong magiging malaking issue; sa kanya, hindi.

"And ako rin sa kanya, so far, wala pa naman kami yung, 'Bawal mong gawin 'yan.' Wala.

"'Gusto mong gawin? Go, nandito lang ako, nakasuporta sa 'yo kahit na anong mangyari.'

Continue reading below ↓

"Iba yung pag secure sa pagkatao niya yung partner mo. Malaking bagay yun."

Dagdag pa ng The General's Daughter lead actress, kaya maayos ang kanilang pagsasama ay dahil sa pagiging matalik nilang magkaibigan bago sila naging magkarelasyon.

"Si Neil, seven, eight years kaming magbarkada bago napunta sa ibang chapter.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"So siguro, wala na kaming, alam mo yun, 'Uy, ito yung first time kong di nagme-make up sa kanya.'

"Wala na kaming ganung moment. So, kumportable kami."

Hindi na rin daw nila kailangang maging "best foot forward" palagi pag magkasama sila.

"Wala! Walang ganun sa amin!

"Kaya minsan, awkward na, 'Oh, bakit ginagawa mo 'yan? Hindi ka ganyan, kilala kita!'

"Yung mga ganun, binabasag namin, kasi nakita ko siya sa mga past relationships niya, nakita rin niya ako sa ganun.

"'Bakit ka um-effort, di ka ganyan, panindigan mo 'yan!' So, nakakatawa na lang."

Tinanong din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angel kung naiisip na ba nilang dalhin sa "next level" ang kanilang relasyon, tulad ng pagpapakasal.

Continue reading below ↓

Pabirong sagot ni Angel, "Liligawan ko pa, try ko! Kung sagutin niya ako..."

Subalit seryosong dagdag ng 33-year-old actress, "Pero sa ngayon, my focus is alam naman niya, The General's Daughter, mahal na mahal ko itong project na ito."

Nakausap ng PEP.ph si Angel sa isang sit-down interview, kasama ang tatlo pang piling reporters, bago magsimula ang media conference niya para sa The General's Daughter noong Huwebes, January 10, sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

Ang The General's Daughter ang pagbibidahang teleserye ni Angel sa Kapamilya network. Nakatakda itong magsimula sa Lunes, January 21.

Ito ang pagbabalik ni Angel sa prime time pagkatapos ng limang taon.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Angel Locsin on her relationship with Neil Arce: "Wala kang itatago. Yung mga bagay na, before, natatakot akong gawin kasi alam mong magiging malaking issue, sa kanya, hindi."</p>
PHOTO/S: @neil_arce / @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results