Xian Lim reveals how he pursued Kim Chiu despite being discouraged by others

IMAGE Mark Atienza

Xian Lim on pursuing Kim Chiu despite being discouraged by others: "Susundan mo lang talaga yung puso mo—hindi man sa love life, but mapa-career man 'yan or kahit ano man 'yan na pagsubok sa buhay. Sundan mo lang ang puso mo, you can never go wrong. Ang saya lang."


Inamin ni Xian Lim, 29, na sa simula pa lang ay may mga taong ayaw siyang makatuluyan ni Kim Chiu, 28.

Pero masaya raw ang aktor na pagkatapos ng ilang taon ay girlfriend pa rin niya si Kim.

Noon lamang November 2018 nang mapaamin si Kim tungkol sa relasyon nila ni Xian.


Stories We Are Tracking

Kim Chiu finally confirms relationship with Xian Lim
Kim Chiu finally confirms relationship with Xian Lim

Halatang masaya si Xian na malaya na niyang nasasabi ang relasyon nila ni Kim matapos nila itong ilihim sa publiko.

Pahayag ni Xian sa episode ng Magandang Buhay nitong January 16, Miyerkules, “Ang sarap sabihin.

“I just wanted to share kasi it feels good na, after so many years, ‘Okay lang po kami. Masaya lang po.’

“Ang saya lang. We’re just enjoying everything right now.”

FALLING FOR KIM

Ibinahagi rin ni Xian kung kailan niya naramdamang mahal na niya si Kim.

“Even the time na nagsimula akong… you just wake up one day, and you know you fell in love with this person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naaalala ko pa yung exact day...

“Napanaginipan ko siya and then I woke up, sabi ko, ‘Grabe, mahal ko na ang taong ito.’”

Pero marami raw ang hindi pumabor sa nararamdaman niya para kay Kim.

“So, even when we were starting out, nung nagsisimula pa lang kami ni Kim, ang dami nang mga tao sa paligid na sinasabi, ‘Huwag mong ipu-pursue, huwag mong ipu-pursue dahil hindi ka magugustuhan niyan. Ayaw ka namin para sa kanya.’”

May mga kumuwestiyon din sa intensiyon ni Xian kay Kim, gaya ng akusasyong ginagamit lang niya ang aktres para sumikat.

“Sabi ko nga nung una pa lang kami ni Kim, ‘Kasalanan ba 'tong nararamdaman ko para sa ‘yo?’

“Sinasabi nila, ‘Yang si Xian, ginagamit lang ang pangalan’ or ‘Ginagamit lang 'yan para magkaroon ng role or something,’ Something like that."

Pero sinunod daw ni Xian ang kanyang puso at dinagdagan ng dasal.

“And yet, here we are now years later and we’re still together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And we’ve overcome so many obstacles already.”

Biro pa ng aktor, “Sabi ko nga, kung kasalanan magmahal, e, di, makasalanan akong tao. Then I’m a sinner.”  

Dagdag ni Xian, “Susundan mo lang talaga yung puso mo—hindi man sa love life, but mapa-career man 'yan or kahit ano man 'yan na pagsubok sa buhay.

“Sundan mo lang ang puso mo, you can never go wrong. Ang saya lang.”

NO FAMILY PLANS YET

Sa tanong naman kung napag-uusapan na nila ang pagkakaroon ng pamilya, sinabi ni Xian na ayaw nilang magmadali ni Kim.

“I think sa set-up namin, mahirap lang mag-plan so far ahead.

“Parang hindi yung masyadong, ‘O, ganito ang gagawin natin.’

“Ang cliché man, we just live each day. ‘Masaya tayo ngayon,’ parang ganun.”

Baka raw kasi makaramdam sila ng pressure kung nag-set sila ng specific plans.

Pumatok ang tambalan nina Xian at Kim sa 2011 prime-time series My Binondo Girl, at sinundan ito ng Ina, Kapatid, Anak noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pelikula naman, nagtambal sila sa Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? (2013), Bride For Rent (2014), at Past Tense (2014).


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN