Kris Aquino on PHP40M investment under Nicko Falcis's name: "I made a deal with a devil."

IMAGE Instagram

Kris Aquino on alleged trouble with PHP40M investment she entrusted with Nicko Falcis: "Ayaw ibigay sa akin yung transfer para ilagay sa mga pangalan ng mga bata. Ganun ka-selfish. Pera ko yun—pinaghirapan, tax paid—ayaw ibigay. He refused to make an accounting."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

"I made a deal with a devil. Unfortunately, I should never have."

Ganito inilarawan ni Kris Aquino ang PHP40M investment na ipinagkatiwala niya umano kay Nicko Falcis.

Si Nicko ay endorser closer, talent agent, at project director ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) sa loob ng humigit-kumulang 18 buwan. 

Partners din sila sa ilang food businesses.

Sa Instagram Live niya kagabi, January 15, isiniwalat ni Kris na nakapangalan kay Nicko ang kanyang PH40M investment sa negosyo niyang Potato Corner+Nacho Bimby food joints.

Reklamo niya, ipinagkait daw sa kanya ang karapatang mailipat sa pangalan ng mga anak na sina Josh at Bimby ang investment na ipinamahala niya kay Nicko.

Sa puntong ito ay binasa ni Kris ang opisyal na pahayag mula sa kanyang mga abugado kasabay ng paghayag ng personal niyang opinyon sa isyu.

"It was four months when we first demanded for an accounting for PHP40M, but until now, none has been made.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas matino pa yung Thai partners. But all I asked was because nakapangalan kay Voldemort—yun na lang pangalan natin sa kanya, The Name That Cannot Be Mentioned—ayaw ibigay sa akin.

"Yun lang naman hiniling ng lawyers ko, e. Ayaw ibigay sa akin yung transfer para ilagay sa mga pangalan ng mga bata. Ganun ka-selfish."

Humingi rin daw siya ng financial report hinggil sa kanyang investment, pero hindi umano ito ipinagkaloob sa kanya ni Nicko.

Dagdag ni Kris, "Pera ko yun—pinaghirapan, tax paid—ayaw ibigay. He refused to make an accounting.

"His camp has sent several offers to settle with my camp. Every time documents were requested, wala, negotiations failed.

"Obviously such efforts are made in bad faith and meant to stall legal efforts for us to get accounting of the PHP40M of my children." 

Ayon kay Kris, ang money issue na ito ay hiwalay sa pormal na reklamong 44 counts of qualified theft na isinampa niya laban kay Nicko. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You were asking me bakit di yun isinampa sa kaso? Because kung alam niyo ang legalities, hindi niyo nilalagay sa kaso because you want to recover that money." 

SORRY FOR DRAGGING FAMILY NAME

Humarap si Kris sa Instagram Live makalipas ang halos 18 oras mula nang aminin niya sa kanyang Instagram post na siya ang babae sa kumalat na audio recording ng phone call nila ni Nicko. 

Naganap ang phone call na iyon noong September 27, 2018, habang nasa Thailand si Nicko at nasa Pilipinas naman si Kris.

Base sa leaked audio, pinagbantaan ni Kris si Nicko na sa oras na bumalik ito sa Pilipinas ay "ipapapatay" ng pamilya ng actress/TV host/web star ang accountant/brand marketing expert/entrepreneur.

Inamin ni Kris na nakarating ang leaked audio sa kapatid niyang si Ballsy Cruz at "nanginig" at "natakot" daw ito sa narinig.

"But then, she said nag-mass siya kanina, and somehow she felt relieved kasi andami pa rin naming kaibigan who reached out."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humingi ng dispensa si Kris sa mga kapatid niyang sina Ballsy, Viel Dee, Pinky Abellada, at dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III. 

Ito ay sa kadahilanang nadawit ang kanilang pamilya, gayong walang kinalaman ang mga ito sa personal na isyu ng web star.

"I also know what I said in the recording, but I knew enough that you can all be blameless if from September 27 there are absolutely no pictures with me.

"Most of all, I wanted to protect N's legacy. Your baby sister is far from perfect. She is only too human." 

Sabi pa ni Kris, "I threatened so they are retaliating with the help of backers, so all is fair. And I shall defend and protect.

"Again, my wholehearted sorry for doing damage to our name. Mom and Dad didn't deserve this. None of you deserve this."

Si Kris ang bunso sa limang anak nina dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino at dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr., na kapwa pumanaw na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POLITICALLY MOTIVATED?

Kasabay ng pag-amin ni Kris sa kanyang pagbabanta kay Nicko sa phone call, sinabi ng web star na wala siyang intensiyong totohanin ito. 

Paniniwala ni Kris, ginagamit lang diumano si Nicko ng malalaking tao sa mundo ng pulitika upang siraan siya.

"But this had to do with 2022. Alam ko naman sila ang pumopondo sa trolls now backing Nicko.

"Hindi nila nagi-get, I'm not healthy enough for 2022.

"But let's be honest, sa ginawa niyo sa akin magpapalakas ako. Humanda kayo.

"Pero, di ba, ganun yun? Turo ng dad ko, 'Don't tell them your plans, just do it.'

"So, humanda kayo. Magpapalakas talaga ako.

"The Falcis family don't realize they're just pawns. They are expendables being used by bigger political powers."

Kinuwestiyon din ni Kris kung bakit hindi pormal na nagsampa ng reklamong grave threat si Nicko kung talagang ikinatakot nito ang nasabi niya sa kanilang phone call.

"It's now January 2019, he waited 110 days. Kung grave threats talaga yun, the very next day sana kinasuhan mo na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sasabihin niyo, he's in another country? Lawyers said, all he had to do was file an affidavit. He did not."

OWNS UP TO LEAKED AUDIO, BLAMES NICKO FOR ILLNESS

Basa ulit ni Kris sa opisyal na pahayag ng kanyang mga abugado: "How credible is that? It is obviously a mere afterthought after several motions to delay his criminal cases. They were denied by the prosecutors office."

Personal na pahayag naman ni Kris, "Paalala ko lang, ha? Kung sinabi ko man na..." 

Hindi itinuloy ni Kris na ulitin ang mga salita ng pagbabanta niya kay Nicko.

Bagkus ay binigyang-diin niya ang kanyang huling kataga kay Nicko noon na "You will be jailed."

Sabay dugtong ni Kris, "Nagkamali ako sa simula, and inaamin ko yun, and I apologize.

"Nagkamali ako sa tindi ng galit ko, dahil nung panahon na yun, my son is breaking down."

Ikinatakot daw ni Bimby ang "auto-immune disease" ni Kris, na sinabi ni Kris ay na-trigger ng isyu nila ni Nicko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinasabi niya, why am I blaming it on him? Because six months prior to that, I was okay.

"Do the research. Auto-immune can stay dormant.

"But any stressful situation, lalabas 'yan. Kahit sinong doctor, sasabihin 'yan." 

QUALIFIED THEFT COMPLAINT

Sa huli, nanindigan si Kris sa reklamong 44 counts of qualified theft na isinampa niya laban kay Nicko.

Ayon kay Kris, ang pag-isyu ni Nicko ng tsekeng nagkakahalaga ng PHP400,000 ay patunay lang daw ng kasalanan nito. 

"Nagbigay siya ng PHP400,000 check acknowledging that he did abuse company funds. Whether that is PHP4,000 or that is PHP14,000 or PHP40,000, nagnakaw ka. Give me a break."

Basa ulit ni Kris mula sa pahayag ng kanyang mga abugado: "This shows that Nicko acknowledged that he has an obligation to pay. It is an admission against his interest. The question is what is Nicko doing to repay the remaining balance?"

Mensahe pa ni Kris patungkol kay Nicko: "Kung galit ako, karapatan ko yun... You stole my money. It's not enough for you. You also stole my life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kabuuang video ng Instagram Live ni Kris:

ATTY. JESS FALCIS ANSWERS INVESTMENT ISSUE

Sa kabila ng mga akusasyon ni Kris, nanindigan ang kampo ni Nicko Falcis na walang basehan ang reklamong pagnanakaw ng web star laban sa estranged business partner.

Base ito sa magkakasunod na Instagram posts ni Atty. Jesus "Jess" Falcis, nakababatang kapatid ni Nicko at siya ring spokesman ng pamilya Falcis. 

Balik-tanong ni Atty. Falcis sa post nito kagabi, January 15: "4 months na nakalipas, kung unaccounted ang 40millon bakit wala ka pang fina-file na kaso?"

Sinagot din ni Atty. Falcis ang lumabas na January 13, 2019 report mula sa Inquirer na may titulong: "Where Kris Aquino's 40M went."

Nakasaad sa ulat na ang PHP40M investment ni Kris ay nakapangalan kay Nicko, na itinalagang "trustee" ng web star.

Isang source umano ang nagkumpirma na nakausap ni Kris ang Thai partners sa investment na iyon.

Siniguro raw ng mga ito kay Kris na siya ang "beneficial owner" ng PHP40M investment bagamat nakapangalan ito kay Nicko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa post ni Atty. Jess ang screenshot ng headline ng artikulo at caption na nagsasabing "Thai partners validate her shares in business."

Nakasaad sa caption ng kapatid ni Nicko, "Ui b***, ikaw na ang umamin at ang lawyers mo na intact yung 40million pesos mo. Thai partners validate your shares kamo di ba?

"Eh kulang pa nga yung binayad, incomplete purchase mo. Hindi trustee ang Kuya ko kung hindi seller. Ang t**** mo talaga sa business!

"At kakasuhan ka namin talaga. #PABoost #ResiboGroup" 

Sa isa pang Instagram post ni Atty. Falcis ngayong Miyerkules, January 16, pinabulaanan din niya ang akusasyon ni Kris na may "bigger political powers" ang gumagamit sa pamilya Falcis upang siraan siya.

Buwelta ni Atty. Falcis: "Walang nag po-pondo sa amin. This is not about 2022. Delusional ka?" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NICKO ON ISSUING KRIS A PHP400,000 CHECK

Samantala, una nang nanindigan si Nicko na "business expenses" ang lahat ng ginasta niya gamit ang KCAP credit card.

Gayunman, nag-isyu raw siya ng tsekeng nagkakahalaga ng PHP437,595.67 kay Kris matapos ang paghaharap nila sa bahay nito.

Iyon daw ang halagang kinuwestiyon ni Kris sa mga ginasta ni Nicko gamit ang KCAP credit card.

Iniabot daw ni Nicko ang tseke sa chief of staff ni Kris na si Alvin Gagui, noong September 19, 2018.

Pahayag ni Nicko sa eksklusibong panayam ng PEP.ph nitong January 7, 2019: "No, it's not an admission of guilt.

"It's my way to appease her, here's your money. If the P1.2M is the total amount that she asked, I would have paid that. But she never did.

"And then the next thing we know, she filed the cases...

"She never encashed the check. That in itself is an indication that she's up for something or she wants a different thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She wants something to put over my head and exert undue pressure." 

Narito ang video ng sagot ni Nicko sa qualified theft complaint ni Kris:


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN