Razorback drummer Brian Velasco dies in apparent suicide

IMAGE Photos from Facebook

Drummer Brian Velasco of '90s rock band Razorback dies after apparent suicide.


Marami ang nagulantang sa biglaang pagpanaw ni Brian Velasco, 41, drummer ng ‘90s OPM rock band na Razorback.

Ayon sa mga ulat, nagpatiwakal si Brian, at in-irecord niya ito sa pamamagitan ng Facebook Live, dakong 9:45 ng umaga, January 16, Miyerkules.

Nagawa pa raw ni Brian na magpaalam sa mga kaibigan sa isang group chat page, ayon sa music promoter niyang si Dudee Alfonso sa panayam nito sa Philippine Daily Inquirer.

Habang isinusulat ang balitang ito, hinihintay pa ang official statement ng pamilya ni Brian.

Humihingi naman ng privacy ang naiwang pamilya ng musician, ayon sa Manila Police District, pag-tweet ng The Philippine STAR.

Hindi pa tukoy kung ano ang nag-udyok sa drummer mag-suicide, subalit nananawagan na ang netizens tungkol sa depression, na isa sa mga pangunahing dahilan ng suicide attempts.

Nag-tweet patungkol sa pagpanaw ni Brian ang Sugarfree vocalist na si Ebe Dancel at nag-retweet tungkol sa depression. 

Malakas naman ang panawagan ng netizens na itigil ang pagsi-share ng video ng aktuwal na pagsu-suicide ni Brian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanggal na ng Facebook ang naturang video.

"WE LOST A BROTHER"

"Today we lost our brother....and our hearts are broken.....we love you and we will always miss you Bri."

Ito ang post sa social media accounts ng bandang Razorback dahil sa pagpanaw ng kanilang kagrupong si Brian.

View this post on Instagram

Today we lost our brother....and our hearts are broken.....we love you and we will always miss you Bri. #rzrbk

A post shared by Razorback (@razorbackmusicph) on

Nag-status din sa Instagram ang drummer ng grupo na si Tirso Tripoll.

Caption niya sa larawan ni Brian: "I love you Bri...... Sleep well, Sweet Prince ..."

View this post on Instagram

I love you Bri...... Sleep well, Sweet Prince ...

A post shared by Tirso Ripoll (@tripoll) on

Nagluluksa ang local music industry sa pagpanaw ng drummer.

Kabilang pa sa mga nag-post sa social media ay sina Ogie Alcasid, The Dawn vocalist na si Jett Pangan, at Sandwich vocalist na si Raymund Marasigan.

TANDAAN: Ang suicide ay hindi sagot sa suliranin.

Sa mga nakararamdam ng depression, maaaring tumawag sa (02) 804-HOPE (4673), 0917 558 HOPE (4673) and 2919 (free for Globe and TM).


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN