Angelica Panganiban heartbroken because of Carlo Aquino?

IMAGE @iamangelicap Instagram

Angelica Panganiban has cryptic message about feeling heartbroken: "Iiyak na sana ko. Kaso, naisip ko,,, angge? Naiiyak ka on your own?"


Inamin ni Angelica Panganiban na muli na naman siyang nasaktan dahil sa pag-ibig.

Martes ng gabi, January 15, sunud-sunod ang matalinhagang tweets ni Angelica tungkol sa pinagdadaanan niyang heartbreak.

Kapansin-pansin din ang pahiwatig ni Angelica na tila one-sided love ang pinanggagalingan ng kanyang tweets.

Hindi idinetalye ni Angelica kung sino ang lalaking minahal niya at siyang dahilan kung bakit nasasaktan siya ngayon.

Pero hindi kaila sa publiko na ang huling naugnay sa kanya ay ang ex-boyfriend at onscreen partner niyang si Carlo Aquino.

Halos buong taon ng 2018 ay naging tampok ng espekulasyon ang posibilidad na magkabalikan sina Angelica at Carlo.

March 2018, naiulat ang pagbabakasyon ng dalawa kasama ang ilang kaibigan sa Australia. Nagtuksuhan pa sila noon kung sino sa kanila ang "pa-fall" at kung sino ang "victim."

Marami sa kanilang mga tagasuporta ang umasang muli silang magkakamabutihan, lalo na nang magkatrabaho sila sa pelikulang Exes Baggage.

Nasubaybayan din ang bawat post nina Angelica at Carlo sa kani-kanilang Instagram accounts, na nagpapahiwatig ng kanilang closeness mapa-likod o harap man ng kamera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong nakaraang Pasko ay sabay pa nilang ipinagdiwang ang Pasko kasama ng pamilya ni Angelica.

Ngunit kamakailan lang ay bigla na lamang nagkaroon ng gap sa pagitan ng dalawa.

Noong January 9, nagdesisyon si Angelica na i-unfollow si Carlo sa Instagram.

Ayon kay Angelica, nasaktan siya sa pambabatikos ng ilang fans ni Carlo na nadedehado raw ang aktor sa kaka-post ng aktres.

Iiwasan na lang daw niya si Carlo para hindi na lang din siya makagulo sa buhay nito.


Stories We Are Tracking

Angelica has kilig statement on Christmas photo with Carlo
Angelica has kilig statement on Christmas photo with Carlo
Angelica Panganiban unfollows Carlo Aquino on Instagram
Angelica Panganiban unfollows Carlo Aquino on Instagram
Angelica accuses netizens of ruining relationship with Carlo
Angelica accuses netizens of ruining relationship with Carlo
Angelica Panganiban posts sweet photo with Carlo Aquino
Angelica Panganiban posts sweet photo with Carlo Aquino


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN