Carlo Aquino spotted with non-showbiz girl in La Union

IMAGE @mystiqueunicorn8888 via @waleyyyna1234 Instagram

Carlo Aquino is spotted with a non-showbiz girl whom he supposedly took pictures of in La Union (right). The two were also seen dining together (left) in at least two other occasions. 


Mabilis na kumalat sa social media ang larawan ni Carlo Aquino at ng isang non-showbiz girl na kuha umano sa kanilang bakasyon sa La Union. 

Isang netizen ang nagpadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng litrato bandang umaga ng Miyerkules, January 16. 

Dito ay makikita si Carlo at ang non-showbiz girl habang sakay ng jet ski sa beach. 

Natukoy na ang babae ay nagngangalang Trina Candaza. 

First week of January 2019 nang namataan umano sina Carlo at Trina sa La Union. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @mystiqueunicorn8888 via @waleyyyna021 Instagram

Hindi malinaw kung ano ang ugnayan ni Carlo at ng non-showbiz girl, na sinasabing kinunan umano ng aktor ng mga litrato sa naturang lugar.  

Pero bandang second week of January ay muling nakunan ang dalawa sa isang restaurant sa isang mall sa Makati City. 

 IMAGE @mystiqueunicorn8888 via @waleyyyna021 Instagram

Narito ang isa pang litrato nina Carlo at Trina, na kuha pa umano noong nakaraang taon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @mystiqueunicorn8888 Instagram

Usap-usapan din ng netizens na hindi pina-follow ni Carlo si Trina sa Instagram, pero may ilang litrato ang dalaga kung saan makikitang naka-like ang Kapamilya actor. 

Hindi mahingan ng pahayag ang non-showbiz girl dahil deactivated na ang Instagram account nito at press time. 

Sinubukan ng PEP.ph na kunan ng pahayag si Carlo sa pamamagitan ng pagpapadala ng Instagram direct message.

Nagpaabot din ng mensahe ang PEP.ph sa Star Magic, ang ABS-CBN talent management arm na kinabibilangan ng aktor. 

Agad naming ilalathala ang anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito. 


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN