Ogie Diaz advises Kris Aquino to stay away from social media: "Kasi yan ang papatay sa 'yo, hindi ang sakit mo."

IMAGE Cyrus Panganiban / Noel Orsal

Ogie Diaz to Kris Aquino: "Try mo kahit isa o dalawang araw lang na um-absent sa social media. Nakakaumay na yang away nyo ni Falcis. After all, dinala mo na yan sa korte, hayaan mo na yan doon."


Isang open letter ang ibinahagi ng komedyante/radio host/talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang kumareng si Kris Aquino.

Inilathala ito ni Ogie sa kanyang Facebook account noong Martes, January 15.

Pinayuhan ni Ogie si Kris na magpahinga muna sa social media, katulad ng naunang pangako ng TV host/actress/web star bago ito lumipad papuntang Singapore upang magpa-checkup.

Sa kabila ng karamdaman at nasa ibang bansa ito, aktibo pa rin si Kris sa social media, kung saan isa-isa niyang sinagot ang mga pahayag ng magkapatid na Nicko at Atty. Jess Falcis laban sa kanya.

Sa kanyang liham, sinabi ni Ogie na kung nais ni Kris makapiling ang kanyang bunsong si Bimby Yap hanggang ito ay maging adult sa edad na 18, dapat muna itong tumigil sa social media.

Ito raw kasi ang tuluyang papatay sa kanya.

Narito ang buong liham ni Ogie para kay Kris (published as is):

"Dear Mareng Kris,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagaling ka muna bago mo istresin ang sarili mo sa mga isyu.

"Kasi yan ang papatay sayo, hindi ang sakit mo.

"Yan ay KUNG gusto mong maabutang mag-18 si Bimby tulad ng pakiusap mo kay Lord.

"Sabi mo, inspirasyon mo ang mga anak mo, kaya patuloy kang lumalaban.

"Pero saka na ang paglaban sa mga isyu.

"Mag-log out ka muna sa fb at instagram.

"In short, ilayo mo muna sa yo ang mga gadgets para makapagpalakas ka.

"Useless ang ginagawa mong pagpapa-check up at pagpapaospital sa Singapore kung hinihigop naman ng stress sa mga isyu ang lakas mo.

"Di bale sana kung gagaling ka agad sa mga pagsagot-sagot mo sa mga isyu.

"Pwera na lang talaga kung masokista ka at nag-e-enjoy kang ini-stress ang sarili mo.

"Don’t get me wrong. Gusto ko at ng marami, gumaling ka. Pahinga ka din. Kaya mong magpahinga sa social media.

"Lakasan lang yan ng loob. Try mo kahit isa o dalawang araw lang na um-absent sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakaumay na yang away nyo ni Falcis. After all, dinala mo na yan sa korte, hayaan mo na yan doon.

"Ibahin naman natin. Yung cute lang.

"Na nami-miss ng marami sa mga updates na ginagawa mo sa social media accounts mo.

"Kunwari, ibinalita mo na pinadoktor mo si Bimby dahil nakagat ng tatlong langgam na pula.

"O kaya si Bimby, nadapa, nagkagalos sa tuhod, kaya nilagyan mo ng betadine.

"Or sinamahan mo sa kanyang dental appointment si Bimby, dahil pinabunutan mo ng wisdom tooth, kaya di mo muna iniwan. Or si Kuya Josh, nag-38 ang lagnat, kaya ipinatawag mo uli ang favorite family doctor nyo.

"Na at the end of the day, yung mga simpleng pangyayaring yon sa buhay ng mga anak mo na big deal sa yo ay kasisilipan pa rin namin ng kadakilaan mo bilang isang ina.

"Nagmamahal,

"Pareng Ogie

"PS... Sana, makinig ka na, huhuhu!
#UtangNaLoob"


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN