Jennylyn Mercado reconnects with biological mother

IMAGE Noel Orsal / Instagram Story from Jennylyn Mercado

Jennylyn Mercado posts a photo with her biological mother Jinkee Pineda. Does this mean that the two have reconciled after their rift in the past?


Tila maayos na ang relasyon ni Jennylyn Mercado sa kanyang biological mother na si Jinkee Pineda.

Noong Martes, January 15, nag-post ang 31-year-old Kapuso actress sa kanyang Instagram Story ng larawan kung saan kasama niya ang ina habang kumakain sa isang restaurant.

Tanging caption ni Jennylyn sa photo: “Safe flight Mom. [heart emoji]”

Ang ina ni Jennylyn ay nakabase sa London, England.

Ni-repost naman ng fans ni Jennylyn ang nasabing larawan sa kani-kanilang Instagram accounts. 

Tinukoy ng isang netizen na ang lugar na kinainan ng mag-ina ay sa Greenbelt, Makati City.  

View this post on Instagram

??? #JennylynMercado

A post shared by Jennylyn Mercado World ???? (@jennylynworld) on

Nitong nakaraang weekend, nai-post din sa Instagram accounts ng fans ni Jennylyn ang ilang larawan at video na magkasama ang aktres at ina nito.

Kasama nila sa isang larawan si Rita Ho, ang ina ng boyfriend ni Jennylyn na si Dennis Trillo.

Noong December 2018 naman, nag-post ng mga larawan si Jennylyn sa kanyang bakasyon sa Rome, Italy.

Sa isang post ay magkasama sina Jennylyn, Jinkee, at Rita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kasama rin silang isang babae at isang lalaki sa larawan, pero hindi tinukoy ni Jennylyn sa caption kung sino ang mga ito.

Base sa impormasyong nakalap ng PEP.ph, nakipagkita si Jennylyn sa kanyang ina para sa 50th birthday celebration nito noong December.

View this post on Instagram

????

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

Noong 2017 naman, nag-post ng mga larawan si Jennylyn kasama ang kanyang biological father na si Noli Pineda.

Nakipagkita si Jennylyn sa kanyang ama sa Seoul, South Korea, kung saan ito nagtatrabaho bilang isang musician.

Si Jennylyn ay lumaki sa poder ng kanyang adoptive parents na sina Roger at Lydia Mercado, na parehong pumanaw na.

RIFT WITH BIOLOGICAL MOTHER IN THE PAST

Noong 2011, nagkaroon ng sagutan sa pagitan nina Jennylyn at Jinkee patungkol sa interview ng Kapuso actress sa June 2011 issue ng YES! Magazine.

Sa naturang artikulo, idinetalye ni Jennylyn ang madilim niyang nakaraan, kung saan binugbog siya ng kanyang stepfather habang ang kanyang ina ay nasa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasaklolohan si Jennylyn sa tulong ni Mommy Lydia.

Naibalita pa ang istoryang ito sa front page ng isang tabloid noon.

Dahil sa interview ni Jennylyn sa YES!, nagbigay ng reaksyion si Jinkee sa The Buzz, ang defunct entertainment talk show ng ABS-CBN.

Itinanggi ni Jinkee na may nangyaring pambubugbog kay Jennylyn at itinanggi rin niyang pangalawang asawa niya ang nambugbog sa aktres.

Inilahad din ni Jinkee ang umano’y pagpapadala ng pera kay Jennylyn para tustusan ang pagpapaaral nito noon.

Nag-react naman dito si Jennylyn sa kanyang interview sa Showbiz Central, ang dating entertainment talk show ng GMA-7.

Idiniin ni Jennylyn na hindi gawa-gawa lamang ang paglalahad niya sa YES! Magazine, gaya ng pambubugbog sa kanya, dahil dokumentado ito.

Nilinaw rin ng aktres na hindi nagpapadala ng pera sa kanya ang ina, bukod sa isang beses bilang birthday gift.

Hindi rin daw ito hiningi ni Jennylyn at ang ina niya ang kusang nagpadala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Jennylyn, hindi niya maunawaan ang ginawang pambabaliktad sa kanya ng ina.

Binanggit din ni Jennylyn sa interview na may iba nang pamilya ang kanyang ina sa ibang bansa, pero hindi siya ipinakilala nito bilang anak.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN