Marian Rivera to go on hiatus after giving birth to baby boy

IMAGE Nikko Tuazon

Marian Rivera on taking a hiatus after giving birth: "Siyempre may Sunday PinaSaya ako. Pero siyempre, pagkabuwanan ko na, re-rest na ako."


Magpapahinga muna sa showbiz si Marian Rivera pagkatapos niyang isilang ang pangalawang anak nila ng mister na si Dingdong Dantes.

Lalaki ang kasarian ng ipinagdadalantao ngayon ni Marian

Sa kasalukuyan, dalawa ang programa ng Kapuso Primetime Queen sa GMA-7—ang weekly comedy-variety show na Sunday PinaSaya at ang weekly drama anthology na Tadhana.

Aniya, “Siyempre may Sunday PinaSaya ako. Pero siyempre pagkabuwanan ko na, re-rest na ako.

Tadhana, nagte-taping kami at marami kaming pondo.”

Kapansin-pansin namang sexy at blooming pa rin si Marian kahit ilang buwan mula ngayon ay manganganak na siya, bagamat hindi niya pa sinasabi kung kailan eksakto ang kanyang due date.

Sobrang thankful din si Marian sa GMA Network dahil nauunawaan nitong kailangan niyang asikasuhin ang kanyang pamilya.

Saad niya, “Sabi ko nga, kung ano ang binibigay ni Lord sa akin na trabaho at blessing, sobrang thankful na ako.

“Pero siyempre, thankful din ako sa GMA at naiintindihan nila kung ano ang priority ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero the point is, malinaw sa kanila na ang priority ko ay ang pamilya ko—ang pagkakaroon ng anak talaga at maalagaan ko sila."

Dagdag pa ni Marian, nakakataba sa puso kapag malapit ang isang anak sa kanyang ina, kagaya nila ng panganay na si Zia.

“At nakita mo naman yung resulta kapag naging hands-on ka sa anak mo.

"Na ang sarap at hindi matatawaran na ganun kaming ka close nung anak ko.

“Na talagang, kita mo naman ang lambing, so ayun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Marian sa presscon nila ni Zia para sa Nestle Nido 3+, na ginanap sa Harlan + Holden Cafe, The Glass House, Rockwell, Makati City, nitong Huwebes, January 17.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN