Enchong Dee remains single three years after breakup with last girlfriend

IMAGE Noel Orsal

Enchong Dee on being single: "Ang pakiramdam ko, mas maganda ang buhay ko kapag wala. Pakiramdam ko, mas marami akong naa-achieve dahil alam akong dapat pag-report-an."


Halos tatlong taon ding umiwas sa love life ang Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Huling naging girlfriend niya ay ang Filipino-Birtish model na si Samantha Lewis. Naghiwalay sila noong 2016.

May anak na si Samantha sa photograpner na si Andreo Lukas, pero si Enchong ay nananatiling single mula noong maghiwalay sila ng modelo.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa grand mediacon ng pelikulang Elise ng Regal Entertainment, Inc., na ginanap sa Valencia Events Place, sa Valencia St., Quezon City, noong January 16, inalam namin kung bakit hanggang ngayon ay umiiwas pa siyang manligaw ng babae.

Pahayag niya, “I rested. I rested for about three years.

“You need also the time para to rest, and give yourself more value and importance.

“Siyempre bakasyon, di ba, puwede kong gawin na sarili kong bakasyon lang.

“Wala kang dapat paalamanan o kailangan mong mag-update lagi. Sarili mo lang talaga.

“So far, nag-e-enjoy naman ako na ganito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni Enchong, “Ewan ko, pero parang ang pakiramdam ko, mas maganda ang buhay ko kapag wala.

“Pakiramdam ko, mas marami akong naa-achieve dahil alam akong dapat pag-report-an.”

Hindi naman daw niya papayagang maging single siya forever.

Isang phase daw ito sa ating buhay na bawat isa ay pinagdadaanan, so huwag daw mag-worry para sa kanya ang mga tao.

KISSING SCENE WITH JANINE

Samantala, isa sa napag-usapan sa presscon ng Elise ay ang kissing scene ni Enchong sa leading lady niyang si Janine Gutierrez.

Ano tanong ng lahat: hindi ba siya nailang na ang ka-kissing scene niya ay ang nali-link sa best friend niyang si Rayver Cruz?

Nakangiting pahayag ng 30-year-old actor-dancer, “Sinabi ko ito naman sa kanya [Janine].

“Parang, ‘You’re kissing a special person of your best friend ‘cause I consider him [Rayver] my best friend.

“I know for a fact that he’s very supportive, and I know for a fact na he’s....

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ako nagpaalam sa kanya, pero nag-usap kami ni Janine tungkol dito.

“We are both professional so wala naman naging problem.”

Pero ang tanging nasabi nga lang daw niya ay, “I think a lost a friend.”

Hindi naman daw ito nangyari dahil malaki naman ang tiwala sa kanya ni Rayver bilang isang tao at bilang isang aktor.

Aniya, “Si Janine, ang alam ko, siya mismo ang nagkuwento kay Rayver.

“Wala namang selosang nangyari o samaan ng loob.

“Nagkakabiruan pa nga kami.”

Ano naman ang pakiramdam na for the second time ay nagkatrabaho ulit sila ni Kapuso actress?

Saad ni Enchong, “Heto, lagi kong sinasabi sa interviews na when I get to work again with her, it’s the same values.

“Baka kasi iniisip nila, dahil magkaibang network, magkaiba ang working values nila.

“Pero no, Janine is easy and fun to be with especially off-cam.

“At kung mapapanood niya on-cam, masasabing ang gaan naming tingnan, kasi ganun ang kuwento, kasi ganun din kami as friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it was a breeze actually.

"Kaya nga yung post ko, ‘heto na ata ang pinakamadaling pelikulang ginawa ko,’ kasi ang daling kasama ni Janine, si Direk [Joel Ferrer], ang chill, sobrang kuwento niya.

“And for Laura [Lehmann] and Miko [Raval] they did everything for this film, kasi first time na magkakasama.”

Opening sa February 6 ang opening salvo na pelikula na ito ng Regal Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN