Gretchen Barretto mimics Kris Aquino's threat to Nicko Falcis

IMAGE Noel Orsal

Gretchen Barretto (left) takes the fight to Kris Aquino (right), with the allegation that Kris used political connections to broker a sweet tax deal between a businesswoman-friend and the BIR.


Hindi pa nagpapaawat si Gretchen Barretto, 48, sa mga birada laban kay Kris Aquino, 47.

Noong Sabado, January 19, nag-upload ng video si Gretchen sa Instagram kung saan ginagaya niya ang viral recorded phone call ni Kris at ng dating business manager nitong si Nicko Falcis.

Kuha ang video ni Gretchen sa isang pamosong hotel sa Parañaque, kung saan dumalo ito at ilang kaibigang babae sa isang international 9-cock derby o sabong. 

Sa nasabing video, makikitang hawak-hawak ni Gretchen ang isang bag na tila puno ng pera.

Sabi ng isang kaibigan ng aktres: “This is how you carry a bag full of winnings. Masyado bang mabigat?"

Sagot ni Gretchen: “Yes.”

Kasunod nito, nilapitan ni Gretchen ang isa pang kaibigang babae, at mula sa likod ay parang sinasakal niya ito habang may tinatanong siya.

Pagkatapos, binitiwan ni Gretchen ang ilang linya mula sa leaked audio recording nina Kris at Nicko:

"Don't step into the country. You will be dead. Papatayin ka ng aking pamilya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang nasabing recorded phone call sa pagitan nina Kris at Nicko ay nangyari noong September 27, 2018, ang araw na sinasabi ng dating managing director ng KCAP (Kris Cojuangco Aquino Productions) na pinagbantaan ang buhay niya ni Kris.

Noong January 15, 2019, inamin ni Kris sa kanyang Instagram post na siya nga ang babaeng kausap ni Nicko sa recorded call.

Dito ay sinabi ni Kris: "Why hasn't Nicko Falcis filed a case of GRAVE THREATS against me with any prosecutor in October, November, December 2018, or this 1st half of January 2019? 110 DAYS HAVE PASSED." (Caps provided)

Noong January 18, 2019, nag-file si Nicko ng complaint ng two counts of grave threat laban kay Kris, sa Quezon City Prosecutor's Office.

Nagkaroon ng falling out ang dalawa dahil sa diumano’y unauthorized na paggamit ni Nicko ng company credit card na umabot daw sa halagang P1.3-M.

Sinampahan siya ni Kris ng reklamong 44 counts of theft sa pitong siyudad sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Kris Aquino just bluffing when she threatened Nicko Falcis
Kris Aquino just bluffing when she threatened Nicko Falcis
Kris admits she is the woman on the phone with Nicko
Kris admits she is the woman on the phone with Nicko

GRETCHEN VS. KRIS

Nagsimulang masangkot ang pangalan ni Gretchen sa alitang Kris-Nicko nang mag-post si Gretchen sa kanyang Instagram ng screenshot ng artikulo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may petsang January 4.

Base ito sa personal statement ni Nicko, at may titulong "Nicko Falcis swears Kris Aquino said: 'PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO.'"

Sa caption ay hayagang sinuportahan ni Gretchen at Nicko, sa kabila ng wala naman silang anumang ugnayan.

Pinasaringan din ni Gretchen si Kris na "bully" at "power tripper."

Dahil dito, ilang tagasuporta ni Kris ang tumawag kay Gretchen ng "sawsawera."

Noong madaling-araw ng Biyernes, January 18, nagkuwento na si Gretchen sa kanyang Instagram Live ng kung ano ang pinanggagalingan ng pasaring niya kay Kris.

Noon daw kasing nakaupo pa ang kapatid ni Kris na si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, na nanungkulan mula 2010 - 2016, ay namagitan daw ang TV host-actress sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at sa negosyanteng si Alice Eduardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay para maibaba raw nang husto ang "hefty amount" ng buwis na babayaran dapat ng negosyante.

Common friend nina Gretchen at Kris si Alice.

Itinanggi ni Gretchen na "sawsawera" siya dahil usapin daw ng bayan ang ginawang pamamagitan ni Kris kay Alice at ng noo'y BIR commissioner na si Kim Henares.

Bahagi ng sinabi ni Gretchen: "Ladies and gentlemen, ano ba ang sinasabi ng ating pinakamamahal na Drama Queen na si Kris Aquino?

"Ang sinasabi niya, e, nadamay siya. Hindi po siya nadamay, idinadamay niya ang sarili niya.

"Kung sinasabi niyo na sawsawera ako, mas sawsawera siya.

"Hindi po ako nagsasawsaw sa suka kung hindi niya isinawsaw ang kanyang buhay sa aking buhay.

"Ako po ay nananahimik, matagal na.

"When she was in power, ladies and gentlemen, isinawsaw niya ang kanyang fingers sa aking buhay many times over."

Hindi direktang sinasagot ni Kris ang paratang ni Gretchen, ngunit ipinagdiinan nito ang kanyang pagiging isa sa top taxpayers ng bansa sa loob ng ilang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay nito ay naglabas ng opisyal na pahayag ang mga abugado ni Kris sa Divina Law, kung saan mahigpit nilang pinabulaanan ang akusasyon ni Gretchen na nagsilbing tagapamagitan si Kris sa negosyanteng si Alice at sa BIR.

Hindi raw kailanman makikipagsabwatan ang kanilang kliyente sa sinumang personalidad na balak takasan ang pagbayad ng buwis.

Pinaalalahanan din ng legal counsel ni Kris na tigilan na ng mga taong walang kinalaman sa legal battles ng actress/TV host/web star ang pakikialam sa mga kontrobersiyang kinahaharap nito.


Stories We Are Tracking

Gretchen says Kris reaping what she sowed in PNoy's time
Gretchen says Kris reaping what she sowed in PNoy's time
Kris Aquino refuses to confront Gretchen Barretto
Kris Aquino refuses to confront Gretchen Barretto


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN