Paolo Ballesteros finally admits relationship with non-showbiz boyfriend

IMAGE Instagram

Kasama ni Paolo Ballesteros na dumalo sa special screening ng pelikulang Born Beautiful noong Biyernes, January 18, ang boyfriend niyang si Kenneth Gabriel Concepcion.


Umamin na si Paolo Ballesteros tungkol sa relasyon nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Kenneth Gabriel Concepcion.

Kasama ng TV host-actor si Kenneth, isang nurse, na dumalo sa special advance screening ng pelikulang Born Beautiful sa UP Cine Adarna noong Biyernes, January 18.

Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay mabilis ang naging sagot ni Paolo nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon nila.

“Siyempre!” bulalas ng Eat Bulaga! host.

Ipinagpapalagay ring ang pagdadala ni Paolo kay Kenneth sa advance screening ng Born Beautiful ay kumpirmasyon sa kanilang relasyon.

“E, di go!” natatawang reaksiyon ng 36-year-old TV host-actor.

Bago naging sila ni Kenneth, naugnay si Paolo sa dalawang lalaki—ang dancer na si Roland Ochoa Anog at ang actor-model na si Sebastian Castro.

Bagamat may pahiwatig din si Paolo sa social media tungkol sa mga relasyon niya kina Roland at Sebastian, wala siyang direktang pag-amin.

Ngunit tila nag-iba ang ihip ng hangin dahil mas vocal si Paolo ngayon sa paghahayag ng nararamdaman para kay Kenneth, base na rin sa kanyang social media posts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mayroon kay Kenneth at ibinahagi niya sa social media ang kanilang relasyon?

Sa umpisa ay umiwas magsalita si Paolo tungkol dito, ngunit napapayag din namin siyang magbigay ng pahayag.

Aniya, “Ano… mabait, charming. Mabait sa mga magulang, sa pamilya.”

Ano ang nagbunsod sa kanyang maging open sa status ng kanyang personal life.

“Thirty-six years old na ako, ’no!” natawa niyang sabi.

Naniniwala ba siya sa same-sex marriage?

“Yes!” mabilis na tugon ni Paolo.

Bukas ba siya posibilidad na ikasal sa kapwa niya lalaki?

“Kung meron dito,” pakli niya.

Hindi sila pakakasal sa abroad?

“Uhm… puwede rin,” matama niyang sambit.

Pero ayon kay Paolo, hindi pa nila napag-uusapan ni Kenneth ang tungkol sa kasal.

“Wala pa, bago pa lang kami, two months pa lang kami,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN