Manny Pacquiao's Los Angeles mansion burglarized

IMAGE @mannypacquiao on Instagram

Manny Pacquiao may have won his fight against American boxer Adrien Broner, but burglars were able to penetrate his Los Angeles mansion.


You win some, you lose some.

Tila ito ang nangyari sa Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao.

Matapos maidepensa ni Pacquiao ang kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight title kontra sa American boxer na si Adrien Broner sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, Sabado ng gabi, January 19 (Linggo ng umaga, January 20, sa Pilipinas), isang masamang balita ang dinatnan niya nang bumalik siya sa Los Angeles, California.

Kinabukasan, January 20 (US time), napag-alaman ng Filipino boxing champ na nilooban ang bahay niya sa posh area ng South Plymouth.

READ A peek inside Manny and Jinkee Pacquiao's place in Los Angeles, California

Ayon sa mga report, nakikipag-ugnayan na sa LA police ang advance security ni Pacquiao.

Hindi pa rin pinapayagan ang sinuman sa kampo ni Pacquiao na pumasok sa loob ng bahay habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Hindi ito ang unang beses na nilooban ang bahay ni Pacquiao sa Los Angeles dahil nangyari na rin ito noong 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UPDATE: Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pinuntirya raw ng mga suspek ang kuwarto ni Pacquiao.

Nagkalat daw ang mga gamit ng Pambansang Kamao at inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang mga nawala.

Ayon sa kapatid ni Manny na si Bobby Pacquiao, kabilang sa mga gamit ng senador na nasa kuwarto ay designer items, mga alahas, at safety vault.

READ Jinkee Pacquiao's home in L.A.!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN