Julie Anne San Jose on breakup with Benjamin Alves: "It's best for us."

IMAGE Noel Orsal

Are there second chances for Julie Anne San Jose and Benjamin Alves? "Only time will tell," she says.


Nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon ng Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.

Sa kabila ng lahat, wala raw regret o pinanghihinayangan si Julie Anne na naging sila.

Lahad ng Asia’s Pop Sweetheart, “No, no, of course.

“Wala po akong regret sa kahit anong bagay na nangyari sa buhay ko.

“Or sa mga desisyon sa buhay ko, just lessons learned.”

Magkasunod na “yes” ang sagot ni Julie Anne sa tanong kung naka-move on na siya at kung naging madali ito sa kanya.

Sabi niya, “Well, siguro nakatulong din po for me yung trabaho talaga. Yun ang naging outlet ko.

“I’ve got my family with me, I’ve got my friends with me, marami ring ways.”

Ano naman ang natutunan ni Julie Anne sa naging relasyon nila ni Benjamin?

Tugon niya, “Marami, marami… siguro may ganung mga bagay na hindi talaga nagwu-work.

“I think that it’s best for us.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang heartbreak ba niya si Benjamin?

“One of the...” natatawa niyang pag-amin.

Paliwanag pa ni Julie Anne, “Lahat naman po ng heartbreaks natin, e, iba-iba ang intensity or depth.”

Sa isang interview, tinanong siya kung magkaibigan pa rin sila ni Benjamin, pero tahasan niya itong sinagot ng “no.”

So, malabo na silang maging magkaibigan?

“Only time will tell,” nakangiting tugon niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne nang pumirma itong muli ng kontrata sa Universal Records noong January 16.


Stories We Are Tracking

Julie Anne, Benjamin unfollow each other on Instagram
Julie Anne, Benjamin unfollow each other on Instagram
Julie Anne San Jose confirms breakup with Benjamin Alves
Julie Anne San Jose confirms breakup with Benjamin Alves

WORK FOCUSED

Nagkaroon daw ng chance magkita sina Julia Anne at Benjamin sa workshop nila recently sa GMA Artist Center, kunsaan ang New York acting coach na si Anthony Vincent Bova ang nag-facilitate.

Maikling lahad ng singer-actress, “It was good, I was there to do the acting workshop, that was it.”

Sa tanong kung sakali at magkaroon siyang muli ng bagong boyfriend, alam na ba ni Julie Anne ang mga bagay na dapat niyang iwasan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just know that I’ll gonna be a better person.

“Kasi, hindi ko rin po masasabi kapag pumasok ako sa isang relationship talaga, hindi ko masasabi.

“I wouldn’t know sa ngayon. But I wanna focus on myself first.

“I wanna explore kung ano po ang dapat kong i-explore sa sarili ko.”

Dugtong niya, “Pero yun muna po ang focus ko ngayon—work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN