Inamin ni Arjo Atayde, 28, na "exclusively dating" na sila ngayon ni Maine Mendoza, 23.
Ito ay matapos ang ilang buwang pagiging mailap ng Kapamilya actor hinggil sa estado ng relasyon nila ng phenomenal star ng Eat Bulaga.
Diretsahang tinanong si Arjo kung sila na ba ni Maine.
Sagot niya, "No, but we are exclusively dating, and I’m the happiest right now.
"Hanggang doon na lang po muna."
Sinundan namin ng tanong kung ano ang nagustuhan niya kay Maine at kung saan sila nagkakasundong dalawa.
"Everything. I’m just really happy," matipid pero sinserong saad ni Arjo.
Follow-up question uli namin kung si Maine ba ang nagpapasaya sa kanya ngayon.
"Yes," mabilis niyang sagot.
Dagdag pa ni Arjo, "She makes me laugh all the time."
Nakapanayam si Arjo ng entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng mediacon para sa pelikulang ‘TOL, na ginanap sa Playhub, sa Quezon City, nitong Enero 22, Martes ng gabi.
Hindi nagbigay ng gaanong detalye si Arjo kung kailan naging sila ni Maine at kung paano sila naging malapit sa isa't isa.
READY TO FIGHT FOR MAINE
Pero tahasang sinabi ni Arjo na handa siyang ipaglaban si Maine o ang kanyang pamilya na nagtatamo ng matinding pambabatikos mula sa bashers.
Kaugnay ito ng mga kritisismo mula sa mga taong hindi pabor sa ugnayan nina Maine at Arjo.
"For me, to insult me is fine. I’m a very passive person.
"But to insult my family and Maine… sabi ko nga sa social media, I let it go, wala akong kalaban diyan, e.
"Do it in front of me, I’m sure I’m gonna hit the hell out of you."
May hamon pa si Arjo sa sinumang mambabastos kay Maine o sa pamilya ng aktor.
“I don’t know how to get mad. I don’t know how to disrespect people. I despise disrespectful people.
“If they disrespect me, it’s fine though.
"But for my family to get affected, for Maine to be disrespected like anything, that’s not okay with me.
“But in front of me, try it. I dare you, guys. I dare you!” mariing pahayag ni Arjo.
HOW THEY MET
Nagkatrabaho sina Maine at Arjo sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
Si Maine ay gumanap bilang leading lady ni Coco Martin, habang si Arjo ang kalabang sindikato sa istorya.
Lumalabas na nag-click sina Maine at Arjo sa likod ng kamera.
Ilang beses namataang magkasama sa labas ng trabaho ang dalawa mula noong October 2018.
Sa hiwalay na mga panayam kina Maine at Arjo noong October at November, pareho silang nagpahiwatig na masaya at inspired sila.
Hanggang sa noong December 6, 2018, kinumpirma ni Maine na nasa "getting to know each other" stage sila ni Arjo.
Sa parte ni Arjo, bukas ang ina niyang si Sylvia Sanchez sa pagsasabing masaya ito na nakikitang masaya ang anak sa kung anumang mayroon ito at si Maine.
Gayundin ang saloobin ng nakababatang kapatid ni Arjo na si Ria.