Umamin na sa wakas si Kiko Estrada, 24, na girlfriend nga niya si Devon Seron, 25.
Ayon kay Kiko, "August 8, 2018" siya sinagot ni Devon.
Paglalarawan pa ng binata sa kasintahan niya, "She's simple. She's very simple. She's very strong."
Paano niya niligawan si Devon?
Aniya, "Parang kung paano niligawan ng mga sinaunang lalaki ang mga sinaunang babae... Nanay, tatay, pamilya.
"At yun yung isa sa mga bagay na mabibighani ka kasi bibihira na yung mga ganung babae ngayon."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko bago magsimula ang presscon ng pelikulang Bato, The Gen. Ronald Dela Rosa Story ngayong Huwebes ng tanghali, January 24.
Ginanap ang presscon sa Valencia Events Place, Quezon City.
Nagkasama sina Kiko at Devon sa dalawang pelikula—Pwera Usog (2017) at Walwal (2018).
