Glaiza de Castro teased by celeb friends over her photo with rumored boyfriend

IMAGE Glaiza de Castro Instagram

Glaiza de Castro's close friend Angelica Panganiban posted this comment on the Kapuso actress' photo with rumored boyfriend David Rainey (right): "Grabe po ang launching ni David... balentayms nanaman."


Kantiyaw ang inabot ni Glaiza de Castro mula sa mga kaibigang artista pagkatapos i-post ng Kapuso actress sa Instagram ang larawan kung saan kasama niya ang isang foreigner na lalaki.

Sa larawang ipinost nitong January 23, Miyerkules, makikita si Glaiza at ang isang foreigner na tila nagbibiruan na bini-video ang isa’t isa.

Makahulugan ang caption ng 31-year-old actress, na may pahiwatig na tapos na ang matagal niyang paghihintay.

“There is a wait so long, you’ll never wait so long,” caption ni Glaiza.

Kapansin-pansin ding naka-tag sa mismong larawan ang IG user na si david_rainey89.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Glaiza de Castro Instagram

Sa comments section, inulan ng tukso si Glaiza mula kina Angelica Panganiban, Gabbi Garcia, Bela Padilla, Iza Calzado, Diva Montelaba, Jolina Magdangal, Quark Henares, Rich Asuncion, Sheena Halili, Chynna Ortaleza, at Ina de Belen.

Mapagbirong komento ni Angelica: "Grabe po ang launching ni David [heart emoji] balentayms nanaman."

Kilalang matalik na kaibigan ni Glaiza si Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ibang artista naman, puro heart emojis ang comment, o kaya naman ay panunukso kay Glaiza.

Sa comment ni Rich, naka-tag pa rito si David.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang taon, inamin ni Glaiza na may mutual understanding na sila ng Irish surfing instructor na si David Rainey.

November 2018, lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkakilala sina Glaiza at David noong taon ding iyon, pero hindi pa sila magkarelasyon.

Dagdag ni Glaiza, kinikilala pa raw nila ang isa’t isa.


Stories We Are Tracking

Glaiza clarifies relationship with Irish surfing instructor
Glaiza clarifies relationship with Irish surfing instructor

VACATION IN CAMIGUIN?

Kamakailan, ipinagdiwang ni Glaiza ang kanyang 31st birthday sa White Island, Camiguin.

Ipinost ni Glaiza ang kanyang larawan habang nasa may beach.

Samantala, nag-post din ng mga larawan sa Instagram si David na nagpunta rin sa Camiguin.

Sa isang malayong kuha ni David, may babaeng nakaupo sa may lagoon.

Malayo ang kuha kaya hindi mamukhaan ang babae.

Ayon naman sa mga netizens, ang babae ay si Glaiza.

Samantala, mapapansin naman na ang babae ay nakasuot ng sarong na kahawig ng sarong na iwinawagayway ni Glaiza sa kanyang Instagram post.

Ang larawan sa kaliwa ay mula sa Instagram post ni Glaiza, habang ang nasa kanan naman ay mula sa Instagram post ni David:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close