Robin Padilla on calls to boycott his Bato film: "Dahil lang sa pulitika? Ganun na ba tayo kababaw na?"

IMAGE Facebook / Noel Orsal

Actor Robin Padilla (right) says director Lore Reyes (left) is being shallow and narrowminded; the director says a person's beliefs cannot be seen as separate from his work.


Napamura si Robin Padilla nang ipinarating sa kanyang nagba-block daw ng Facebook friends si Direk Lore Reyes sa mga nagpu-promote ng pelikulang Bato: The Gen. Ronald Dela Rosa Story.

Si Robin ang bida sa pelikula tungkol sa buhay ng dating Philippine National Police Chief Director General "Ronald "Bato" dela Rosa, na tatakbong senador ngayong mid-term elections.

Sa mediacon ng naturang pelikula nitong Huwebes ng tanghali, January 24, binanggit ng movie reporter na si Pilar Mateo na blinock daw siya ni Direk Lore sa Facebook dahil nag-promote siya ng biopic ng dating PNP chief.

Nakarating kay Robin ang kuwentong iyon, kasama ang kuwentong pinabo-boycott ang pelikula nito.

Sinabi ni Robin na hindi pa niya nakatrabaho si Direk Lore.

Hindi naman daw sila magkaibigan, nirerespeto raw niya ito bilang batikang direktor.

Hindi lang daw matanggap ni Robin na hinahaluan ng pulitika ang trabaho niya.

Pahayag ng aktor, “Ano ba naman 'tong mga taong ito? E, artista kami!

“Bakit isinasama niyo… ibu-boycott niyo ang kasama niyo sa pelikulang Pilipino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil lang sa pulitika? Ganun na ba tayo kababaw na?

“Sabi ko, ‘tong mga taong ito... alam n'yo minsan dapat ang pagkakaintindi natin sa isang bagay, malawak.

“Ang pulitika sa buhay natin, dapat parte lang. Hindi yung ibubuhay mo araw-araw.

"Paggising mo pa lang, pulitika agad? F**k that, man!"

Inamin ni Robin na suportado niya ang lahat ng kandidatong sinusuportahan ni President Rodrigo Duterte, kasama na si Bato.

Pero trabaho lang daw ang pagganap niya sa biopic ni Bato.

Saad niya, “Meron tayong mga trabaho sa buhay natin—artista tayo, direktor sila. Trabaho lang 'to!

“Sana bago nila husgahan ang pelikula ni Bato, panoorin mo muna.

"Tingnan mo muna kung gaano kaganda ang pelikula."

Ang Bato ay idinirek ni Adolf Alix.

DIREK LORE RESPONDS

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag si Direk Lore tungkol sa isyu.

Pinaninindigan nito ang kanyang paniniwala, sa kabila ng batikos na natatanggap niya sa social media.

Sa tingin nito ay hindi maipaghihiwalay ang prinsipyo ng isang tao sa klase ng mga pelikulang ginagawa niya.

Hindi naman maikakailang ang pagganap ng isang kilala at mahusay na aktor, gaya ni Robin, sa buhay ng isang heneral na tumatakbong senador, gaya ni General Bato, ay malaking tulong sa heneral sa eleksiyon.

Kaya lait-laitin at i-bash man daw siya sa social media ng mga kakampi nina Bato at Robin, maninindigan siya sa kanyang prinsipyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buong pahayag ng batikang direktor: “I stand by my principles and will persist in critizing bad governance, plundering of the national treasury, and the pervading air of injustice, fear and intimidation, and non-accountability.

“Recently, angry words have been hurled at my person on account of statements I’ve made in public posts on Facebook.

"Cursing me and calling me names will not change my active political posture.

"My friends were murdered by Marcos while they were trying to defend our rights and freedoms. I will never betray them, and the ideals that they died for.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN