Angelica Panganiban, Carlo Aquino post sweet videos together amid reported falling out

IMAGE @iamangelicap / @jose_liwanag on Instagram

Angelica Panganiban and Carlo Aquino are seen getting cozy with each other in their Instagram Stories despite their reported falling out. Carlo even asked Angelica for a date. However, netizens say that this video was taken for a food chain endorsement.


Mukhang maayos ang lahat sa pagitan nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Kahapon, January 25, ay nag-post ang dalawa sa kani-kanilang Instagram Stories ng videos kunsaan makikitang magkasama sila.

Naunang nag-post si Carlo sa kanyang Instagram story kung saan makikitang si Angelica ang humahawak ng kanyang cellphone at kumukha ng video.

Sa two-part video, maririnig na inaasar ni Angelica si Carlo habang kumakain ng manok.

Sabi ni Angelica, "Ang yummy, sarap. Chicken, o."

Tugon ni Carlo sa kanya, "Huwag mo 'kong abalahin, kumakain ako."

Tanong naman ni Angelica sa kanya, "Akala ko ba, magde-date tayo?"

Sagot muli ni Carlo, "Gusto mo na ba?"

Nabanggit naman ni Angelica na ang tagal daw dumating ng January 27, na tila magiging araw ng kanilang date.

Niloko niyang muli si Carlo tungkol naman sa braso nito.

Sabi ng Kapamilya actress, "Oh, pakita muna ng arms. Ang sarap ng arms!"

Sa Instagram story naman ni Angelica na may four parts, si Carlo naman ang may hawak ng camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ni Carlo kay Angelica, "Kapag ba niyaya kitang lumabas, papayag ka na?"

Sagot naman ni Angelica dito, "Bakit?"

Sabi ni Carlo, "Bakit hindi? Lalabas lang tayo, yayain kita mag-date, quality time."

Natatawang tugon ulit ni Angelica, "Weh?"

Sa huli ay pumayag si Angelica na makipag-date kay Carlo sa January 27 sa isang kundisyon: "Basta may pagkain."

Ayon naman sa account na @cargelshipper, na masugid na nagpu-post ng videos at updates tungkol sa CarGel, magkasama raw ang dalawa dahil nagshu-shooting sila ng commercial para sa isang food chain endorsement.

Kanina, January 26, ay naglabas ang food chain ng mga litrato nina Carlo at Angelica na dumalo sa isang event.

Hindi nga lang malinaw kung nasa iisang lugar sila dahil hindi sila nakitang magkasama sa iisang litrato.

Ikinatuwa naman ng CarGel fans ang kanilang pagsasama, ilang araw matapos mag-tweet si Angelica tungkol sa mga netizens na "sumira" sa "maayos na pagsasama" nila ni Carlo, na nauwi pa sa pag-unfollow ni Angelica kay Carlo sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

January 9 nang nagdesisyon si Angelica na i-unfollow si Carlo sa Instagram.

Ayon kay Angelica, nasaktan siya sa pambabatikos ng ilang fans ni Carlo na nadedehado raw ang aktor sa kaka-post ng aktres.

Iiwasan na lang daw niya si Carlo para hindi na lang din siya makagulo sa buhay nito.

Noong January 15, nag-tweet si Angelica na muli na naman siyang nasaktan, kaya ibig sabihin daw nito ay nakayanan na niyang magmahal muli.

Kasabay nito lumabas ang mga litrato ni Carlo na kuha sa La Union, kung saan makikitang may kasama siyang non-showbiz girl.


Stories We Are Tracking

Carlo Aquino spotted with non-showbiz girl in La Union
Carlo Aquino spotted with non-showbiz girl in La Union
Angelica Panganiban heartbroken because of Carlo Aquino?
Angelica Panganiban heartbroken because of Carlo Aquino?
Angelica accuses netizens of ruining relationship with Carlo
Angelica accuses netizens of ruining relationship with Carlo
Angelica Panganiban unfollows Carlo Aquino on Instagram
Angelica Panganiban unfollows Carlo Aquino on Instagram


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN