What does Jessy Mendiola plan to do before finally settling down?

IMAGE Noel Orsal

What's on Jessy Mendiola's priority list before she finally ties the knot with boyfriend Luis Manzano? She says, "Para sa akin kasi, gusto ko munang makapag-ipon before I settle down. Hinahayaan niya muna ako."


Hanggang ngayon ay marami pa ring nag-aabang kung kailan mauuwi sa kasalan ang relasyong Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Bukas naman ang Kapamilya actress na sa sandaling mag-propose sa kanya ang kasintahan ay hindi siya magdadalawang-salita na umoo dito lalo't sigurado na naman siya na si Luis na talaga ang lalaking gusto niyang mapangasawa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jessy sa nakaraang mediacon ng pelikulang Tol ng Reality Entertainment Films na ginanap sa Playhub noong nakaraang January 22, sinabi ni Jessy na sa ngayon ay gusto mo niyang makapaghanda nang husto bago siya magpakasal.

Lahad niya, “Of course naman, ito ang maganda kay Luis, e.

“Mayroon siyang sariling timeline, naiintindihan niya kung ano ang gusto kong gawin.

“Para sa akin kasi, gusto ko munang makapag-ipon before I settle down.

“Hinahayaan niya muna ako.

“For sure, pag nag-propose siya—sana naman wag in two months time—magye-yes ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di naman namin tinatago yun, e.

“Basta pag dating sa ganun, I think obvious naman na sure kami sa isa't isa.

“Di naman sa pag-aano, happy kami, di na kami magpapakipot pag dating sa ganyang mga tanong.

“Paulit-ulit na sa aming tinanong yan, so wala na sa amin yun.”

Isa sa excited at balitang pumupursige na kila Luis at Jessy na magpakasal at magkaanak na ay ang Batangas Representative na si Vilma Santos-Recto.

Singang-ayunan naman ito ng aktres.

Pahayag niya, “Pag bumibisita kami sa bahay nila, mas kinukulit nila si Luis.

“Ang kinukulit sa akin ay apo, e.

“Tumatawa lang ako, ganun naman yata naglolokohan sila.

“Siyempre si Luis naman, he's ready to settle down. Naiintindihan ko naman.

“One on one?

“Hindi, hindi naman kami nabibigyan ng chance, pero si Momskie [Vilma] kasi, kung ano ang gusto niyang sabihib sa akin, sinasabi niya sa harap ng pamilya.

“Lahat kami pag may problema ang isa o dinadamdam, sasabihan ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIOLOGICAL CLOCK IS TICKING

Tinanong din namin si Jessy sa nabanggit niya dati na gusto na rin niyang magkaanak at ayaw niyang tumungtong ng 30 anyos na wala pa siyang baby.

Muli naman niya itong kinumpirma.

Pag-amin niya, “Matagal ko nang plano yun, before 30 dapat may baby ako.

“Feeling ko di ko kaya pag lumagpas na ako ng 30.

“Twenty-six na rin ako, this year magtu-twenty seven na ako.

“Importante yun para sa isang babae, di ba?

“I get it pag may mga babae may goals sila in life, may plano sila, may sinusunod silang timeline.

“Ako may sarili akong timeline din.

“Ang timeline ko kasi ever since bata pa lang ako, gusto ko before thirty, may pamilya na ako.

“Gusto kong maging young mom kasi siyempre gusto mong sabayan ang anak mo, e.

BUSINESS VENTURE

Sa kabila ng mga pelikulang ginagawa ni Jessy, may plano na rin palang pumasok sa pagbi-business ang aktres.

Aniya, “Yes, actually this year magi-start ako ng business online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ko muna sasabihin kasi under negotiation pa.

“Hopefully tanggapin ng mga tao.

“Fashion na connected sa beach. Di siya swimwear, ha?

“I mean di siya swimsuit, pero mapapansin siya ng mga tao kasi pansin ko uso siya ngayon.”

EMOTIONALLY STABLE

Sa presscon ng The Girl In The Orange Dress ay inamin ni Jessy Mendiola na dumaan siya sa matinding depression na pinagdaanan din ng maraming tao mapa-showbiz man o hindi.

Nang kumustahin tungkol dito si Jessy ay siniguro naman ng aktres na mas maayos at mas masaya na siya ngayon.

Saad niya, “Siyempre di ko naman masasabi na 100% okay ako.

“May mga moments of weakness ako. Lahat naman tayo, di ba?

“Basta masasabi ko, ngayon at this point, masaya ako.

“I'm taking it easy day by day na sunud-sunod din ang mga pelikula ko.

“God is good.”

VLOG

May YouTube vlog ngayon si Jessy kung saan may mga partikukar siyang topic na tinatalakay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na rito ay kung paano siya nag-lose ng weight.

Matatandaang may panahong na-bash siya dahil sa sobra niyang timbang.

Ani Jessy, “Nag-enjoy ako mag-vlog ngayon.

“Yun ang topic namin—marriage, children.

“This coming Thursday, maglu-lainch ako ng bagong vlog on fitness.

“Sa lahat ng nagtatanong kung paano ba ako nag-lose ng weight, isi-share ko sa kanila.

“Vlog with Momskie? Siguro pag di busy si Momskie pero tingnan natin.

“Si Momskie naman open sa mga ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN