Nicko Falcis shows P500,000 credit-card expenses in Hong Kong approved by Kris Aquino

IMAGE Rachelle Siazon

Nicko Falcis posts text exchange with Kris Aquino and her chief of staff Alvin Gagui (not in photo), showing her approval of more than P500K worth of credit-card expenses during their 17-man team trip to Hong Kong in July 2018.


#KrisAquinoVsNicko Falcis

Naglabas na ng dokumento si Nicko Falcis upang panindigan na "baseless, fabricated, at power tripping" lang umano ang akusasyong pagnanakaw na ibinabato sa kanya ni Kris Aquino.

Sinampahan ni Kris ng 44 counts of qualified theft si Nicko sa Office of The Prosecutor sa pitong siyudad sa Metro Manila, noong October 12, 2018. 

Diumano, gumasta si Nicko ng PHP1.2M nang walang permiso gamit ang credit card na bigay sa kanya ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Humihingi ang aktres/TV host/web star ng kabuuang danyos na P32.27 million.

Sa simula pa lang, mariin na itong kinontra ni Nicko.

Giit ni Nicko, "business expenses" ang lahat ng ginasta niya para sa KCAP.

Giit pa ni Nicko, alam at aprubado ni Kris na ang credit-card expenses na nagkakahalaga ng PHP551,700.59 ay ginasta sa business trip ng KCAP team sa Hong Kong noong July 2018.

Idinetalye ito ni Nicko sa kanyang Instagram post ngayong Linggo, January 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Nicko ang project director ng KCAP at siya ring talent agent at endorsement closer ni Kris sa loob ng 18 buwan.

Bahagi ng pahayag ni Nicko:

"THERE IS NO QUALIFIED THEFT, NOTHING WAS STOLEN. ALL THE ELEMENTS OF QUALIFIED THEFT ARE CLEARLY ABSENT.

"Case in Point: HONGKONG Expenses

"P551,700.59 are all HONGKONG Expenses to produce a series of her online webisodes (5Part Series of Sponsored Webisode for Cathay Pacific and Marco Polo Hotel and 2 Webisodes of her IFLIX Live Life with Kris)."

Sabay nito'y kinuwestiyon ni Nicko kung bakit idinidiin ni Kris na walang permiso ang pagbayad niya ng mga gastusin nila sa Hong Kong. 

Gayong, aniya, kasama mismo si Kris at 16 pang katao sa business trip na iyon.

May karampatang resibo raw ang lahat ng binayaran ni Nicko.

Patuloy ng certified public accountant: "These expenses that is almost half (50%) of her P1.2M combined charges are mostly Plane Tickets and Hotel Accommodations for her 17-man entourage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kris and her entourage also ate in all the restaurants mentioned, particularly Cheesecake Factory and Delicious Kitchen -- as seen in her webisodes.

"The rest are working meals for her entourage and production staff — complete with receipts, pictures and all forms of 'resibo'.

"Everyone knew, especially her paid entourage."

Mapapanood daw sa webisodes ni Kris ang resulta ng Hong Kong trip nilang iyon, base na rin sa screenshots na ipinakita ni Nicko: 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HONG KONG ITINERARY FROM KRIS

Bilang patunay na walang basehan ang akusasyon ni Kris, ipinakita rin ni Nicko ang screenshots ng text exchange nila nina Kris at chief of staff nitong si Alvin Gagui.

Dito ay makikitang nanggaling kay Kris ang detalyadong itinerary ng paglipad nila sa Hong Kong, para sa IFLIX Live Life webisode shoot, na may petsang July 13 to July 17, 2018.

July 13 ang date of departure nila mula Manila to Hong Kong, sakay ng business class ng Cathay Pacific airlines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @nix722 Instagram

July 16 ay may scheduled silang shoot para sa webisode at KCAP team lunch sa Delicious Kitchen restaurant. 

July 17 naman ang date of departure nila mula Hong Kong to Manila, sakay pa rin ng Cathay Pacific airlines.

 IMAGE @nix722 Instagram

Mayroon ding screenshot si Nicko ng text exchange nila ni Alvin na pinag-uusapan kung business class o premium economy ang ibu-book nilang round-trip plane tickets. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patunay raw ito na nakipag-coordinate si Nicko kay Alvin sa pagbayad ng plane tickets gamit ang credit card na itinalaga sa kanya bilang KCAP project director. 

Alam at aprubado raw ito ni Kris.

Ang isa pang screenshot ay text exchange nina Nicko at Alvin tungkol sa hotel rooms nila sa Hong Kong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makikita ritong 17 katao silang naghati sa pitong hotel rooms nila roon.

Kabilang sa grupo si Kris at dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby.

Naroon din sina Nicko, Alvin, ilang personal staff ni Kris, at iba pang kataong bumubuo ng KCAP team.

 IMAGE @nix722 Instagram

KRIS COMMENDING NICKO

Ang huling screenshot na ipinakita ni Nicko ay isang text message mula kay Kris na nagbibigay ng positive feedback sa kanilang matagumpay na webisode shoot sa Hong Kong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kris kay Nicko: "Despite all challenges- from flight delay, cancelled to harbour city schedule and client disaster- I would like to say thank you also for being quick to help and come in.

"I spoke to all partners already and I have assured them that the results will be excellent as her other videos.

"Thank you Nicko and as always you are calm and pleasurable to work with, till next [heart emoji]"

Sa pagkakaintindi ni Nicko ay masaya si Kris sa resulta ng kanyang trabaho.

THE "BASELESS, FABRICATED, MALICIOUS" COMPLAINT

Kaya ikinagimbal daw ni Nicko, na kinikilalang brand marketing expert, ang pagsampa sa kanya ng reklamong pagnanakaw ni Kris.

Sa pagpapatuloy ng caption sa post ni Nicko, inihayag niya ang diumano'y motibo ni Kris sa gawa-gawa raw nitong akusasyon laban sa kanya.

Buwelta ni Nicko: "Filing Baseless Cases to Destroy Reputation via Social Media Bullying (SWIPE FOR MORE)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When KCA knew that I would be leaving her without agreeing to her scripted terms, she immediately manipulated all of us and built a baseless theft case to bully, intimidate and coerce me and my family into silence.

"KCA wanted me and my family to be scared of the '44 counts' she charged maliciously, as she planned all of these way before if I refuse to follow her 'script' / fabricated truth, especially when she told her lawyers she wanted my mom to be the one to beg for forgiveness, so she can air her scripted Part 3 of her 'LIFE UPDATES'.

"KCA even announced to my close friends 'We will file all these cases across 7 cities to scare Nicko and his family'.

"Clearly this is a demonstration of persecution instead of prosecution, with her bullying tactics and ultimate power tripping."

Nanindigan si Nicko na mayroon siyang pinanghahawakang mga dokumento na magpapatunay na wala siyang ninakaw kay Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panawagan pa ni Nicko: "No more bullying, let’s end this #Krisis as I continue to reveal the truth. You may have millions of followers but I choose to follow the truth."

THE PHP400K CHECK

Una nang nilinaw ni Nicko ang PHP1.2M credit-card expenses sa sinumpaan niyang salaysay sa Office of the Prosecutor ng Maynila noong January 3, 2019.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 4, 2019, nakasaad na bahagi ng sinumpaang salaysay ni Nicko ang insidente ng paghaharap nila ni Kris sa bahay nito noong September 18, 2018. 

Dito raw unang inakusahan ni Kris si Nicko na may binayaran itong items na walang pahintulot ng web star.

Agad daw nilinaw ni Nicko na business expenses ang lahat ng kanyang ginasta gamit ang credit card, at hindi para sa personal use.

Pero hindi raw pinakinggan ni Kris ang anumang paliwanag ni Nicko. Ipina-ban pa raw siya sa exclusive village kung saan nakatira ang web star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi man daw maintindihan ni Nicko kung paano naging unauthorized expenses ang mga nasa credit card, nagdesisyon siyang bayaran ang items na kinuwestiyon ni Kris sa kanilang meeting.

Gumawa raw si Nicko ng personal check, na nagkakahalaga ng P437,595.67 at may petsang September 18, 2018, upang bayaran si Kris.

Ito ay sa kabila ng hindi naman daw inobliga ni Kris na bayaran ang nasabing halaga.

Iniabot daw niya ito kay Alvin kinabukasan, September 19, 2018.


Stories We Are Tracking

Falcis calls Kris complaint
Falcis calls Kris complaint "false, baseless and malicious"
Nicko claims Kris owes him PHP20M in unpaid commissions
Nicko claims Kris owes him PHP20M in unpaid commissions
Nicko says Kris irrationally blaming him for Indonesia scare
Nicko says Kris irrationally blaming him for Indonesia scare

KRIS'S ALLEGATION, NICKO'S REBUTTAL

Sa Instagram Live ni Kris noong January 15, 2019, sinabi ng web star na ang pagbayad ni Nicko ng PHP400K check ay patunay na inabuso nito ang KCAP company funds.

Hindi binanggit ni Kris kung siningil niya si Nicko sa umano'y unauthorized credit-card expenses bago niya sampahan ito ng reklamong pagnanakaw.

Ang tanging inihayag ni Kris ay ang statement ng kanyang abugado, na kumukuwestiyon kung bakit hindi pa binabayaran ni Nicko ang "remaining balance" sa PHP1.2M credit-card complaint ng web star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Kris, "Nagbigay siya ng PHP400,000 check acknowledging that he did abuse company funds.

"Whether that is PHP4,000 or that is PHP14,000 or PHP40,000, nagnakaw ka. Give me a break."


Stories We Are Tracking

Kris speaks up about PHP40M investment under Nicko's name
Kris speaks up about PHP40M investment under Nicko's name
Kris camp alerts TV stations about airing Falcis interviews
Kris camp alerts TV stations about airing Falcis interviews
Kris speaks up about professional breakup with Nicko Falcis
Kris speaks up about professional breakup with Nicko Falcis
Kris to Nicko:
Kris to Nicko: "Harapin mo naman lahat ng kaso mo."

Pinabulaanan ito ni Nicko.

Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph noong January 7, 2019, sinabi ni Nicko:

"No, it's not an admission of guilt.

"It's my way to appease her—'Here's your money.' If the P1.2M is the total amount that she asked, I would have paid that. But she never did.

"And then the next thing we know, she filed the cases...

"She never encashed the check. That in itself is an indication that she's up for something or she wants a different thing.

"She wants something to put over my head and exert undue pressure."


Stories We Are Tracking

Nicko hits Kris for trivializing her threat to his life
Nicko hits Kris for trivializing her threat to his life
Nicko Falcis:
Nicko Falcis: "Kris is the master of fabricating the truth"
Nicko says Kris made vulnerable by half-baked ABS homecoming
Nicko says Kris made vulnerable by half-baked ABS homecoming
Nicko Falcis details alleged death threat from Kris Aquino
Nicko Falcis details alleged death threat from Kris Aquino

KRIS CAMP: ANSWER COMPLAINT IN COURT

Ngayong araw, January 27, hiningan ng PEP.ph ng official statement ang kampo ni Kris Aquino tungkol sa latest Instagram post ni Nicko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang sagot ng legal counsel ni Kris na si Atty. Enrique dela Cruz ng Divina Law Office:

"Our response is that he should answer the complaint in court and not on social media.

"We will not litigate the case in the media. The complaint has already been filed.

"His defenses should be brought to the attention of the investigating prosecutor and/or the court.

"You should ask him if he raised these defenses in the proper forum."

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN