Rock legend Pepe Smith dies at 71

IMAGE Instagram

Legendary rock singer Pepe Smith passed away on January 28, 2019 at the age of 71.


Pumanaw na ang legendary rock singer na si Pepe Smith—Joseph William Feliciano Smith sa tunay na buhay—nitong Lunes, January 28.

Si Pepe ay 71.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa matukoy ang dahilan ng pagkamatay ni Pepe.

Ngunit noong November 2017 ay isinugod siya sa Metro Antipolo Hospital matapos ma-stroke sa ikatlong pagkakataon.

Noong September 2018 naman ay sumailalim siya sa operasyon sa Philippine General Hospital.


Stories We Are Tracking

Rock legend Pepe Smith suffers third stroke
Rock legend Pepe Smith suffers third stroke
King of Pinoy Rock Pepe Smith now out of danger
King of Pinoy Rock Pepe Smith now out of danger

Ngayong umaga, January 28, nag-post sa social media ang mga anak ni Pepe na sina Daisy Smith-Own at Sanya Smith upang magbigay-pugay sa kanilang yumaong ama.

Mensahe ni Daisy sa kanyang Facebook post: "Thank you for everything papa bear ko. Thank you for being the best dad in the world. I know youre in the best place now, no more pains papa.. i will see you in few days. I love you to the moon and back."

Si Sanya Smith ay nag-post naman sa Instagram ng larawan kung saan yakap-yakap niya ang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tanging caption niya rito ay double heart at cloud emojis.

View this post on Instagram

??????

A post shared by Sanya Smith (@sanyasmith007) on

Si Pepe ay isinilang sa Angeles, Pampanga, noong December 25, 1947.

Noong 1970, si Pepe ay naging miyembro ng rock band na Juan dela Cruz bilang bokalista at drummer.

Nakasama niya sa Juan dela Cruz Band ang guitarist at vocalist na si Wally Gonzales at ang bassist at vocalist na si Mike Hanopol.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ang mga sumusunod: "Beep Beep," "Balong Malalim," "Titser's Enemy No. 1," "Himig Natin," "No Touch," at "Kahit Anong Mangyari."


Stories We Are Tracking

Pepe Smith suffers stroke before doing Singing in Graveyards
Pepe Smith suffers stroke before doing Singing in Graveyards
Pepe Smith plans to retire from music; wants to concentrate on acting
Pepe Smith plans to retire from music; wants to concentrate on acting
Stroke of Pepe Smith causes drastic change in his career
Stroke of Pepe Smith causes drastic change in his career


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN