Ice Seguerra laughs off fake news that he's pregnant

IMAGE Instagram

Ice Seguerra's funny reaction to fake news that he's pregnant: "Ayos! May excuse na ako kung bakit ako mataba."


Natawa na lang ang transgender man na si Ice Seguerra sa lumabas na balitang siya ay buntis. 

Lumalabas na nabasa ni Ice ang fake news tungkol sa kanyang supposed pregnancy sa isang tweet ng isang netizen na may handle na @pinoymag15. 

Kalakip ng tweet ng netizen ang isang link papunta sa isang tila kahina-hinalang website, na naglathala ng fake news tungkol kay Ice. 

Ang screenshot ng naturang tweet ay ibinahagi ni Ice sa kanyang Instagram post noong Sabado, January 27. 

Sabi rito ni @pinoymag15 “OMG! Shocking! Aiza Seguerra is PREGNANT after Many Years Wife Liza Seguerra REVEALED!

“How Aiza Seguerra and Liza Dino seguerra made it possible to have a baby?

“Daming negative comments! PANOORIN DITO.”

Sa halip na mainis, idinaan na lang sa biro ng singer-actor ang kanyang reaksiyon sa maling balita tungkol sa kanya. 

Sabi ni Ice, "Ayos! May excuse na ako kung bakit ako mataba. [face with tears of joy emoji] #kahitakonashock"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

Ayos! May excuse na ako kung bakit ako mataba. ???? #kahitakonashock

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra) on

Ilang netizens din ang nagkomento at natawa sa pekeng balita kaugnay ng pagbubuntis umano ni Ice. 

Pati ang Kapuso actor-TV host na si Paolo Ballesteros, Kapamilya singer na si Yeng Constantino, at singer na si Armi Millare ay napa-like at comment sa post ni Ice. 

BABY PLAN VIA IVF

Ang totoo ay pangarap ni Ice at ng misis niyang si Liza Diño ang bumuo ng pamilya.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nito lang January 24, 2019, inumpisahan na nila ang proseso ng pagsailalim sa in vitro fertilization o IVF.

Ang IVF ay assisted reproduction medical procedure, kung saan kumukuha ng egg cells mula sa ovary ng isang babae at saka ipagsasama ito sa sperm ng lalaki sa isang laboratory.

Kapag na-fertilize na ang pinagsamang egg cells at sperm, ito ay kailangang maipunla sa uterus ng babae o ng surrogate mother na siyang magdadala ng bata sa sinapupunan nito.  

Sa kaso ng mag-asawang Ice at Liza, si Liza ang tatayong surrogate mother habang ang eggs naman ay nagmula kay Ice. 

Hindi binanggit nina Ice at Liza kung kailan naka-schedule ang susunod na step na gagawin nila para sa pagbuo nila ng baby. 

Pero ngayon pa lang ay humihingi ng panalangin ang dalawa na maging successful ang kanilang pagsailalim sa IVF. 


Stories We Are Tracking

Liza Dino, Ice Seguerra forward to parenthood in vitro
Liza Dino, Ice Seguerra forward to parenthood in vitro
Liza Diño, Ice Seguerra to try having a baby via IVF in 2019
Liza Diño, Ice Seguerra to try having a baby via IVF in 2019
Liza Diño set to undergo IVF with husband Ice Seguerra
Liza Diño set to undergo IVF with husband Ice Seguerra


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN