Beauty Gonzalez makes a promise not to talk about Ellen Adarna, John Lloyd Cruz

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Beauty Gonzalez (left photo) reveals she promised not to talk about friend Ellen Adarna's private life anymore. Ellen and Beauty (right photo) reunited last December 2018, months after the former gave birth to her son Elias.


Mas matipid ngayon si Beauty Gonzalez, 27, sa pagsasalita tungkol sa kanyang kaibigang si Ellen Adarna, 30.

Dati ay vocal si Beauty sa tuwing natatanong tungkol sa kanyang kaibigan na ngayon ay ini-enjoy ang pribadong buhay kasama ang boyfriend na si John Lloyd Cruz, 35, at ang kanilang anak.

Sabi ni Beauty, nangako kasi siyang hindi na magsasalita tungkol sa buhay nina Ellen at John Lloyd.

Ito ang isinagot ni Beauty nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng update tungkol kay Ellen.

Ang tiniyak niya ay masaya ngayon si Ellen.

“We see each other from time to time and she’s very happy with her life right now.

“I cannot say anything about them. That’s my promise,” sabi ng Kapamilya actress.

Nakausap ng PEP.ph at dalawa pang miyembro ng media si Beauty sa press conference ng Bato: The General Dela Rosa Story nitong Lunes, January 28, sa Valencia Street, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang interview noong December 2018, nagawa pang magkuwento ni Beauty sa pagkikita nila ni Ellen noong buwan ding iyon.

Ipinost pa niya sa Instagram ang kanilang picture.

Lahad noon ni Beauty sa interview: "She's having the time of her life, lalo na ngayon na she's living a private life. Ibang experience and ibang adjustment, and blooming yung friend ko.”


Stories We Are Tracking

Beauty Gonzalez opens up about reunion with Ellen Adarna
Beauty Gonzalez opens up about reunion with Ellen Adarna

AVOIDING POLITICS

Sumagot din si Beauty nang matanong dahil naiintriga ang pelikula niya kasama si Robin Padilla, tungkol sa biopic ni former PNP Chief Bato Dela Rosa.

Nahahaluan kasi ito ng pulitika, lalo pa’t nalalapit na ang eleksyon at kandidato sa pagka-senador si Bato.

“First and foremost, I’m a working actress, I’m not a political person,” depensa ni Beauty.

“Whatever their comments about the movie, they have their right kasi we live in a democratic country.

“But seriously, I’m just working and I’m lucky to be part of this movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kung tungkol man sa pagboboto, siyempre pag-aaralan natin kung sino iboboto natin.

“We’re in a millennial [time].

“Ngayon, kung tungkol sa boto, kuhang-kuha ni Bato yung boto sa ‘kin kung tungkol sa buhay niya, kasi napakaganda ng story ng buhay niya, kasi totoo siyang tao, e, kaya naengganyo ako to do this film.

"And kung anuman yung comment nila dun, hindi po ako pulitikal na tao, so wala akong maku-comment dun," pag-iwas ng aktres sa isyu.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN